17

36.1K 1K 27
                                    



MarjorieBignay8 thank you! Alam mo na🤗
Medyo di na nakakatuwa ang trangkaso ko😑 ang sakit pati ng katawan ko.




Matapos samahan ni Elaine si Amara sa mall ay dumaan muna siya sa grocery bago pumunta sa bahay nila, out of her curiosity she tried to use Bullet black plated card, and he's right! Tinatanggap nga ito at wala siyang binayarang kahit anong singko! Mismong manager pa ng supermarket ang nag-asikaso sa kanya. So this card is like a VIP card? And this card is only one, sabi na din sa kanya ni Bullet. So kikiligin na ba siya dahil dito?

"Kuya!" Tinakbo ni Elaine ang papasok ng bahay nila, agad niyang niyakap ang kuya Darwin niya na nagluluto. "Namiss ko kayo!" Parang batang sabi niya.

Nakasimangot na tiningnan ni Darwin ang bunsong kapatid. "Bakit ngayon ka lang nagpakita? Talagang nilubos-lubos mo at kinalimutan mo na kami dahil may asawa ka na."

"Grabe ka naman kuya, galing kami sa island ni Bullet, kahapon lang kami nakauwi. Tsaka hindi ko kayo makakalimutan ano!"

"May Isla si Bullet bunso?" Singit ng kuya Hector niya.

"Oo, sa Batangas. Ang ganda-ganda doon kuya." Excited na kuwento ni Elaine.

"Aba, dapat makapunta din kami doon.." dagdag pa ni Hector.

"Sige sasabihin ko kay Bullet, may yate din pala siya ngayon ko lang nalaman, yun ang sasakyan papunta doon sa Isla niya." Kuwento pa ni Elaine.

"Bigtime pala talaga si Bullet kung ganon, sabagay malaki ang nahahawakan niyang mga kaso kaya malaki din ang mga kita niya." Sabi pa ni Hector. Alam nila yun dahil naikwekwento sa kanila ni Bullet kapag pumapasyal ito sa bahay nila.

"Nasaan nga pala si Bullet?" Tanong ni Darwin na pinatay na ang apoy ng niluluto. Adobong manok na may gata ang niluto niya para sa hapunan.

"May hearing siya, pero pupunta yun dito mamaya." Nagtext na din kase kay Elaine si Bullet at sinabing katatapos lang ng hearing nito at pupunta na nga dito.

"Sa linggo kami pupunta sa Laguna, bibisitahin ka namin doon." Sabi pa ni Darwin.

"Sige para makarating din kayo doon, pauwi na ba sila kuya Amar at kuya Bobby?" Ang alam kase ni Elaine ay pang-araw ang duty ng dalawa pa niyang kuya. Pero hihintayin niya ang mga ito para sabay-sabay silang kumain ng hapunan.

"Oo, maya-maya nandito na ang mga yun. Hinatid ka ng driver ni Bullet?" Tanong ulit ni Hector sabay silip sa bintana nila. Nakita niya kase ang itim na sasakyan ni Bullet na nakaparada sa tapat ng bahay nila.

"Oo, pati yung isa niyang bodyguard, papasukin mo nga sila kuya. Nahihiya eh." Sabi pa ni Elaine, inaaya niya ang mga ito na pumasok muna pero nahihiya nga daw. At parang hindi siya sanay na may sumusunod sa kanya na bodyguard katulad kanina sa mall na nakabuntot sa kanya, kase sa dati niyang trabaho sa boss Marcus niya ay siya ang sunod ng sunod sa asawa nito bilang private secretary tapos ngayon siya na ang may kasunod.

"Sige, ako ng bahala sa kanila. Bibili lang din kami ng lechon manok para dagdag ulam." At tsaka kinuha ni Hector ang pitaka sa bulsa ng uniform niya.

"Akyat muna ako kuya Darwin sa kuwarto ko." Paalam ni Elaine sa kuya niyang nagsasaing ulit. Lumabas na kase ang kuya Hector niya ng bahay nila.

"Wag mo lahat kunin ang gamit mo bunso, namimiss ka namin dito akala mo ba." Sabi ni Darwin sa kapatid.

"Aaaah sussss ikaw ang may gusto makasal ako hindi ba? Eh di heto na talaga." Nakangiting sabi ni Elaine, alam niyang namimiss din siya ng mga kuya niya dahil maya-maya ang mga text ng ito sa kanya. Kung hindi nangangamusta ay magtatanong naman kung kumain na daw ba siya o kaya naman ano ang ginagawa niya.

"Syempre ayaw ka namin maargabyado, ikaw ang prinsesa namin. At kesehodang sikat at mayaman si Bullet kayang-kaya namin yan ilibing ng buhay kapag sinaktan ka o niloko ka."

"Kuya!" Saway ni Elaine na nasa may hagdan na nakatayo.

"Totoo yun bunso, sige na umakyat ka na sa taas para mamaya kakaen na tayo."

Nangingiti na sumunod na lang si Elaine at umakyat na ng hagdan. Matutuwa at maiinis ka sa kaistriktuhan ng panganay nilang kapatid pero alam nilang ginagawa lang nito ang alam nitong tama. Her kuya Darwin is like their mother and father in one. Ito ang sumalo ng responsibilidad ng magulang nila ng mamatay ang mga ito. And she's happy to be with her brothers, sana nga lang magsipag-asawa na din ang mga ito.

Bago ako dumiretso sa bahay nila Elaine ay dumaan muna ako sa flower shop at bumili ng bulaklak. Syempre di porket kasal na kami ay mawawala na ang sweetness sa isa't-isa kahit ako lang talaga ang sweet sa aming dalawa ni Elaine. Para talaga akong pusang natatahimik agad kapag tiningnan na ni ganda, lalo na kapag iniinis ko na siya. Still I'm happy being with her on the same roof. Totoo ngang mas makikilala mo ang isang tao kapag kasama mo na iisang bahay at isa lang ang sigurado ako hindi ako nagkamali.

Nangangati ang kamay ko sa kasunod na chapter😈😂
#maribelatentastories

M.a Series #2: Bullet Fierro Where stories live. Discover now