"May taga Ateneo bumibisita dito! Mga basket ball player at ang ga-gwapo nila, Shan!" Sigaw ni Danny sabay yugyug ng balikat at muntik pa akong mahulog kong 'di lang ako  nakakapit sa balikat ng tao sa unang palapag.



"Sorry po." Pag-papaumanhin ko ng lumingon siya sa'kin. Nakakailan na ba ako ng sorry. Nilingon ko si Dan at sinamaan siya ng tingin dahil sa hiya. Nag peace sign pa ang mokong na 'to.



Pero agad rin naman nawala 'yung inis ko na may gwapo daw. "Nasan?" Mabilis kong  tanong at sabay libot ng paningin ko.



Hinawakan ni Maye ang ulo ko tinatabingi niya kung nasan may mga taong naka upo sa itaas ng stage naka varsity uniform na kulay blue. Labing dalawa sila at putik.. ang gwapo nila pero may isa sa kanila na pasok na pasok sa mga type ko, shuwit! Hindi siya masyadong maputi, clean hair cut at subrang seryoso ng mukha niya habang nanonood sa mga naglalaro at ang tangkad, ha! Mga matangkad silang lahat. Shwit ang Mr. Right ko, lumipad ka rin.



"Shan, hindi ka pa nangangawit diyan?" Hindi ko pinansin si Maye at patuloy ko  parin siya ino-observe. Grabe ang gwapo niya! Hindi nakakasawang tignan, promise!


"Ang gwapo, no?" Tanong ni Danny. Wala sa sarili ako tumango na may ngiti sa labi at hinampas ko siya dahil sa kilig. "Aray!" Ang gwapo niya naman kasi, eh! Oa ng kong Oa pero...minsan lang 'to. Wala naman kasi ganyan dito, eh. May gwapo naman pero hindi ko talaga type. Mga unique kasi ang hanap ko.



Nilipat ko ang paningin sa  sa mga manlalaro ng gumalaw ang ulo niya. Baka mahuli niya ako na naglakaway na sa  katitig sa kanya, kapag mananatili ako tumingin sa kanya.



"May ateneo ba dito?" Taka kong tanong. Akala ko sa Maynila lang ang may ateneo. Ay, baka galing talaga sila ng Maynila at dumayo lang dito dahil nandito ako. Binalik ko ang tingin sa gawi nila at... ang gwapo niya parin, jusmeyo! Pang novel talaga..ay hindi pang comics ang sculpture ng mukha niya. Lord ang ganda ng blessings ko ngayon..biniyayaan talaga ako ngayon.



Boy, magpaalam kana sa mga magulang mo ngayon na! Now na now! Dahil wala ka ng kawalan ngayon sa akin. Ang swerte mo naman may umibig sayo na diyosa na mahirap makita, ha!



Nawala ang ngisi ko na may lumipad sa noo ko na mabigat na bagay. "Awochh!"



"Taga dito ka ba talaga?!" histerikal na sigaw ni Danny. Papikit-pikit ko hinimas ang noo ko. Ang sakit non! Matigas na kamay pala ni Danny ang lumipad sa noo ko kaya masakit dahil magibat ang kamay niyan!



Nilingon ko siya at sinamaan ko ng tingin, "Kailangan ba talaga itampal 'yang matigas na palad mo sa noo ko?! Ang sakit non, ha!" Daing ko.



"Mareng  Shan, kanina pa kita kinakausap, pasensya na, ha...ang lalim kasi ng iniisip mo, sa subrang lalim pumasok tuloy sa loob ng brief ni Mr. Pogi." Sarkastiko niyang wika at iniirapan at ngumunguso pa kkong saang banda 'yung tinitigan ko. Ay hayop!



"Kita ko rin ang malaking talong sa mata ni, Shan na kumikinang...Like balutin mo ako sa loob ng iyong——" Dugtong ni Maye na kumakanta pa. Tumatawa sila ng mamula ang buong mukha oo sa hiya.



Napalunok ako sa mga pinagsasabi nila at parang uminit 'yong buong mukha ko. Parang nasusuka ako sa mga pinagsasabi at ang lakas ng mga bunganga nila na ang mga nasa harap namin ay napalingon sa mga pinagsasabi nila. Ako ang nahiya! Jusmeyo!


Napatakip ako sa mukha ko gamit ang panyong dala ko. Nakakahiya! Ang babastos ng mga bunganga, ang sarap wisikin ng binendita.



"Mga hayop kayo!" 'Di ko napigilan na hindi kurutin sa tiyan si Danny at Maye. Tawa lang sila ng tawa.



"Ano girl...malaki ba? Jumbo o extra jumbo, ba talaga?" Isa pa 'tong si Chella ang sarap putulin ng dila. "Ganito ba?" Hinawakan niya ang braso ni Maye at pinakita sa 'kin, "Ganito kalaki ba?"



Medyo chubby si Maye kaya malaki ang braso niya. Nakakainis ang mga 'to!



Gusto ko ng tumakbo! Dahil sa hiya at pandidiri. Hindi ba sila naiilang na pinag-usapan nila ang private part ng lalaki.  Hindi naman sa napa inosente ako pero...wala sa lugar ang mga bibig ng mga 'to. Kahit hindi na exact na word pero kahit sino..makaka-gets sa mga sinabi nila.



"Tumigil na kayo, hindi kayo nakakatuwa." Wika ko at ngumiwi sa mga pinagsasabi nila.



Tinuon ko nalang ang pansin ko sa stage kong saan 'yong pogi pero sa iba natigil ang paningin ko. Anong ginawa niyan dito. Naka varsity rin siya gaya ng mga ateneo na kulay blue.  Ngayon ko lang siya napansin. Most of them ay mga mapuputi sila at isa na siya don, seryoso ang mukha na nakasulobong pa ang dalawang kilay niya. Hindi ko masyadong makita dahil medyo malayo ako. Ang lakas ng aura niya, ha.



So..may ateneo nga dito. Dahil nakita ko siya nong isang araw na naglalaro ng basketball. Ang gwapo mo sana at crush pa naman kita kaso dugong Chinese garter ka pre. 'Yung si medyo hindi maputi nalang sa'kin at ipapaubaya nalang kita sa iba na bagay sayo.



Ang taray!



♪♪‡‡»»





Tell me why?Where stories live. Discover now