ALIPIN

10 2 0
                                    

Lahat ay aking gagawin,

kahit na ako'y maging iyong alipin.

Kahit na matagal na panahon ang aking hintayin,

Hindi magagawang sa iba ibaling ang pagtingin.


Sana naman ako'y mahalin,

At kahit na saglit ay pansinin.

Pagkat sobrang sakit sa damdamin,

Na ni minsan hindi mo ko nagawang gustuhin.


Ano bang mali sa akin,

Sana naman ay iyong sabihin.

Pagkat kaya kong ang sarili ay baguhin,

Baka sakaling ang trato mo sa akin ay mabago rin.


Kahit na ika'y topakin,

Hindi magbabago akung pagtingin.

Walang pwedeng umangkin,

Pagkat sisiguraduhin na sila'y kakalbuhin.


Ganyan ako magmahal ang lahat ay handang hamakin,

Basta makuha lang ang dapat na akin.

Handa rin ako na ang magulang mo ay harapin,

Kahit na ako ay hindi nila tanggapin.


Gaano ba kalabo ang iyong paningin,

At kahit kalapit mo lang ako'y hindi mo magawang pansinin.

Para lang akong dumadaan na hangin,

Pero kung tratuhin ay para kong alipin.


Lahat ng pasakit ay kinakayang tiisin,

Para lang sa huli ako ang piliin.

Pagkat hindi ko kakayanin,

kapag ika'y nawalay sakin


Sobrang hirap ba akong mahalin,

Kaya hanggang ngayon ay siya parin.

Sana naman atensyon mo'y makuha ko rin,

Para naman kahit konti'y mabawasan ang sakit sa damdamin

-----------

sinong relate?

yung lahat handang gawin kahit na maging isang alipin..alam mo..advice lang..hindi siya diyos para maging alipin ka niya kaya wag kang papayag na magpakababa para lang sa kaniya..kung di ka niya mahal edi move on na..hindi yung magpapakamartyr ka sa kaniya e sa huli ikaw lang rin naman ang masasaktan..hindi masamang magmahal ang masama yung sobra..na halos ibigay mo na lahat tapos wala na sayong natira..lagi mong tandaan na hindi lang siya ang nagiisang lalaki o babae sa mundo...malay mo kaya di mo makuha yung pagmamahal niya kasi di naman talaga siya yung para sayo..tsaka kung masaktan ka man sa kaniya lagi mong tandaan na may dahilan ang diyos kung bakit nangyayari yan sayo malay mo gusto lang pala ni god na matuto ka..wag kang magalala..darating rin yung para sayo,basta magantay ka lang..

antayin mo ko,char..

                                                         --don't forget to follow,vote and comment..sana nakatulong sa inyo ang advice ko--

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MGA TULA NA AKING LIKHAWhere stories live. Discover now