ORAS

38 12 7
                                    


Nang araw na ako'y kanyang nilisan,

Halos hilingin ko na sana'y ''ITO NA AKING KATAPUSAN''.

Pagkat hindi alam kung paano ipagpapatuloy ang nasimulan,

Gayong wala na ang taong aking masasandalan.


Ngunit hindi ko akalain na ika'y darating at ako'y aalalayan,

Kahit hindi mo ko kilala ako'y iyong dinamayan.

Dumating pa sa punto na yung mga sampal na para sa kanya ay ikaw ang napagbuntunan,

Pero ako'y nagtaka nang pagkatapos ng mga oras na yun ang sabi mo 'AYOS LANG,NAIINTINDIHAN KO NAMAN''


Hanggang sa tinanong mo ako kung pwede ba kitang maging kaibigan,

Agad na ako'y sumangayon pagkat kahit unang beses ka palang nakilala alam ko na ikay mayroong kabutihan.

At ang desisyon kong iyon ay hindi ko pinagsisihan,

Pagkat lagi kang nandiyan kapag ika'y aking kailangan.


Naging matalik tayong magkaibigan at halos tumagal na rin tayo ng isang buwan,

At aaminin ko na may kakaiba na ako sayong nararamdaman.

Natatakot ako hindi dahil baka ako'y iyong saktan,

Ngunit dahil baka may nakabihag ng iba diyan sa puso mong iniingatan.


Siguro minahal kita kasi kahit na ano aking pagdaanan hindi mo ko iniwan,

At sa puso kong luhaan ikaw ang nagpatahan.

Tinulungan mo ako para siya'y aking makalimutan,

At Ipinakita mo sa akin ang aking kahalagahan.


Hanggang sa sinabi mo ang mga katagang hindi ko inaasahan,

Mga katagang gusto ko marinig mula sayo ng harapan.

Napaluha nalang ako sapagkat hindi ko na napigilan,

Sobra sobra ang aking kasiyahan.


Hanggang sa lumipas ang ilang buwan at may sinabi ka sa akin na iyong napagpasyahan,

Sobra akong nabigla dahil ilang buwan palang tayo tapos bigla mo akong inaya ng kasalan.

Ang sinabi mo lang sa akin ay " MAIKLI LANG ANG BUHAY,KAYA KAILANGAN ANG BAWAT ORAS NA LUMILIPAS AY PAHALAGAHAN",

Kaya pumayag na agad ako dahil ikaw lang ang gusto kong makasama magpakailanman.


Natapos ang kasal at wala akong maramdaman na kalungkutan,

Pagkat punong puno ng kaligayahan.

Pero hindi ko akalain na mayroon ka palang malubhang karamdaman,

At sinabi mo pa na mayroon ka nalang ilang oras para manatili dito sa mundong ating ginagalawan.


Kaya pala minadali mo na tayong dalawa ay pumunta sa simbahan,

At kahit na ilang buwan palang tayo ay hindi mo na pinagisipan.

Sana ang bawat oras na noon ay lumipas ay aking pinahalagahan,

At Kung sana pwede ko lang na ang oras ay pigilan.


Nagsimula tayo sa salitang "DAMAYAN",

Pero natapos sa salitang "IYAKAN".

Nagsimula ng sabihin mo ang katagang "AYOS LANG,NAIINTINDIHAN KO NAMAN",

Pero natapos ng banggitin mo ang mga katagang "MAHAL NA MAHAL KITA,IINTAYIN KITA SA KABILANG MUNDO AT DOON TAYO MAGASASAMA NG WALANG HANGGAN".

MGA TULA NA AKING LIKHAWhere stories live. Discover now