Chapter 16 - Put on a Happy Face

Start from the beginning
                                    

"I do not need anyone's approval," panimulang saad ni Evo saka nagpatuloy, "how they see and think about the woman I introduce to them never bothered me because I do not need anyone's affirmation. Lahat sila alam na if I want something, I'll get it."

"Yeah," mahinang sagot saka tumango-tango si Tamara dahil narealize niya na sobrang salahilo si Evo na kahit ang mga magulang nito ay hindi pwedeng ipilit sa kanya ang anumang ayaw niyang gawin.

"Ganito na lang," muling nagsalita si Tamara, "just let me know some details sa pamilya mo para at least alam ko kung ano ang dapat na expectation ko sa pagtitipon ngayong gabi."

"What do you want to know?" tanong ni Evo.

"Hmm," bahagyang napaisip si Tamara saka nagsalita, "Like who is your favorite uncle, your favorite aunt. Who among your aunts is the bitchiest? Who is your closest cousin? Who among your cousins should I avoid? At iba pa na sa tingin mo ay kailangan kong malaman."

"Wala akong malapit o bitchiest aunt. Si mommy lang ang nag-iisang babae sa apat na magkakapatid. Her two elder brothers already died at ang bunso niyang kapatid ay hindi ko masyadong nakakausap," sagot ni Evo.

Tamara mentally noted what Evo said saka niya na-realize kung bakit ang mommy ni Evo ang napilitang magpakasal sa daddy ni Evo, at ito ay dahil walang ibang babae sa pamilya na pwedeng magkaroon ng ugnayan sa pamilya ng daddy ni Evo. Naisip niyang ito ang mahirap sa mayayaman, pati ang pagpapakasal at pagkakaroon ng pamilya ay ginawang negosyo.

"How about your cousins?" tanong ni Tamara.

"My closest is Mago. Anak siya ng yumaong uncle ko na pangalawa sa magkakapatid. He was once a flirt pero loyal na sa asawa ngayon. Jade, Elle and Debbie are the daughters of mom's eldest brother. They were all eldest because they have different mothers; however, none of their moms were married to my uncle. Jade is already married with triplets, Elle is still single and I think she's gay, while Debbie just got married. As for my uncle, he is now married to Tabitha whom I think is the same age as you. He has two children but they were young and I have not met them yet," paliwanag ni Evo.

Tumango si Tamara saka sinabing, "konti lang pala ang mga taong dadalo."

"The reunion is not only for my grandmother's immediate family," saad ni Evo, "imbitado din ang mga pamilya ng mga kapatid at pinsan niya. In short, my grandmother organized a grand reunion for the Zalde clan."

"Oh I see," muling tumatango-tango si Tamara habang mas lalong kinabahan sa nalaman. Tumingin siya sa labas at lihim na nagdasal na sana ay malagpasan niya ang mapangungutyang tingin kung meron man.

Muling sumilyap si Evo kay Tamara nang hindi na ito nakatingin sa kanya. He's been stealing glances towards her since they were in the car. He can't help it dahil hindi niya maiwasang mapamangha sa kakaibang kagandahan ni Tamara. Her new look flaunted her beauty. Gusto niyang isipin na napamangha siya dahil nakikita niya si Shawn sa hitsura ni Tamara, but he cannot deny the fact that Shawn and Tamara are two beautiful women who are not at all the same.

Pumarada ang kanilang sasakyan sa harap ng hotel saka binuksan ng isang crew ng hotel ang pinto sa gilid ni Tamara. Bumaba si Tamara saka sumunod si Evo. Tulad ng palagi nilang ginagawa, idinekwatro ni Evo ang kanyang siko upang maipulupot ni Tamara ang kanyang kamay sa braso ng binata.

Hindi ito ang unang beses na dadalo si Tamara sa isang pagtitipon na kasama si Evo, pero dahil alam niyang kamag-anak ni Evo ang lahat na nasa ball, hindi niya maiwasang kabahan. Kahit pa sabihin ni Evo na hindi mahalaga ang approval ng pamilya ng mommy niya, pakiramdam ni Tamara, kailangan pa rin niyang makisama lalong lalo na sa mga pinsan ni Evo.

Iginiya sila sa malaking function hall ng hotel kung saan dinaraos ang welcome ball. Maraming nang tao sa loob ng hall nang pumasok sina Evo at Tamara, at tulad ng inaasahan ni Tamara, agad na nakatingin sa kanila ang lahat habang nilalandas nila ang daan patungo sa kinaroroonan ng lola ni Evo.

The CEO's Temporary BrideWhere stories live. Discover now