Chapter 10

7.8K 278 1
                                    


Lorry's POV

Natapos na ang Grounded week ko sa wakas.

Makapagmall nga muna.

Nagbihis ako ng shorts at sleeveless at leather jacket. Nagsaksak na ako ng earphones sa tenga ko.

Nagdrive ako papunta sa mall gamit ang ferrari ko. Naalala ko na naman yung bata sa panaginip ko.Syempre full speed ang ginamit ko, private road naman ang dinaanan ko eh, kaya wala masyadong tao.Ipinark ko na yung car ko.

Pumasok na ako sa mall ng nakalagay ang kamay ko sa bulsa ko. In short, COOL!!

"Shet, pare, hot chick"

"Ang cool nya!!!!"

"Waaah!! Ang cool!!!"

"Tsk" Yan na lang sinabi ko at lumabas sa crowded place.

Makapagshopping nga muna.

Bumili ako ng black dresses at iba pang black na gamit.My favorite color is black.

Gagamitin ko raw ito sa mga meetings sa underground pag nag-18 na ako.

Flashback~~

Saturday Morning...

*ding *dong

Hindi ko na pinansin, yung butler na lang ang pumunta.

"Young Lady, may weird pong envelope sa may pinto, ito po oh"

Tapos inabot nya yung invitation.

Lumabas lang saglit si Kuya Zio, may aasikasuhin lang daw sa business, kaya di nya alam ang tungkol sa invitation.

Pumunta muna ako sa lab ng mansion.

Black yung envelope na may maliit na bagay na nasa seal ng envelope. Yun yung logo ng S.S. o Striked Society. Alam ko kung ano yung envelope na iyon, sinabi na sa akin ni Mom kung ano iyon at kung anong gagawin ko sakaling may dumating ganyan sa bahay, lagi kasing busy sa business.

Ginamit ko yung luminol na nakatago sa cabinet ng lab ng mansion. Matagal nang hindi nagagamit itong lab na ito, para lang ito sa mga DNA testing purposes at mga invention ni Dad, kaso busy si Dad sa business kaya hindi na nagagamit.

Inispray ko yung luminol dun sa papel na nasa loob na envelop, kulay black din yung papel.Inispray ko iyon para makita yung mensahe nila, blood kasi yung pinangsulat nila.

To our dearest Queen,

Hell Day!! (sa halip na good day, hell day, sign ng respect ng Committee sa kanya)

It's been months since the last time you appeared in the S.S. We are inviting you to come for the Bloody Party. We expect you to come. We have heard that you also have an announcement about something. Hope you'll come.

P.S. Next next month pa naman ito, para lang mapaghandaan mo.

Respectfully yours,
Committee

Tinago ko na ito sa safesst place of the mansion or I must say dangerous place in the mansion, kung saan ko tinatago ang mga weapons ko.

End of flashback ~~

Ano kaya yung announcement ni Mom?

Pumunta na ako sa cashier.

Hinahanap ko pa yung gold card ko sa wallet ko habang naghihintay yung cashier.

"Miss, 24,839.75" mataray na sabi nito.

"Miss pwede ba, bilisan mo ,ang dami pang nakapila oh?Magbabayad ka ba? O, baka naman balak mong tumakas dahil ang laki ng babayaran mo? Bilis!!" Mataray na pasigaw nito.

Nerdy Gangster Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon