Chapter 13 - Say You Won't Let Go

Mulai dari awal
                                    

Last day ng on-the-job training ni Tamara sa kompanya kaya napagkasunduan nilang mag-videoke.

"Sasama ba ang boyfriend mo?" tanong ni Reem.

"Hindi siguro," agad na sagot ni Tamara.

"Sayang naman," saad ni Jessa saka dinagdag, "gusto ko pa namang marinig ang boses ni Mr. McTavish."

"'Yun? Kakanta?" tumawa si Tamara, "I think not."

"So ano?" sabat ni Miss Edmilao, "Tara na!"

"Tara saan?" napahinto ang lahat nang dumadagondon ang boses ni Evo.

Nakangiting humarap si Tamara kay Evo dahil nakalimutan niyang ipagbigay alam ang tungkol sa balak nilang mag-videoke. Naisip niya kasi na dahil walang sinabi si Evo na may lakad sila kaya pumayag siya sa balak ng mga ka-opisina na magninight-out sila bilang despidida party na lang din sa kanya.

"Last day ko kasi sa OJT, balak sana naming mag-videoke," saad ni Tamara.

"Ngayon pala ang last day mo?" nagulat si Evo dahil hindi niya ito alam.

"Oo at simula Lunes, sa university na siya ulit papasok," saad ni Miss Edmilao.

Hindi kumibo si Evo. This only means one thing, mas magiging malapit si Tamara kay Zack. He has to do something to keep her focus on him. Tumingin siya kay Tamara at nakita ang nagmamakaawang tingin nito. This is not the time for him to break her heart kaya hindi siya dapat kumuntra sa lakad nila.

"Sir, sama ka sa amin," pag-imbita ni Shane.

"Hindi siya pwede," si Tamara.

"Sige, saan?" si Evo.

Sabay na nagsalita sina Evo at Tamara saka nagkatinginan.

"Uh-oh, mukhang first misunderstanding ito. Mauna na lang kami sa baba," sabat ni Reem saka hinila ang mga kaibigan papasok ng elevator.

"Ba't di mo sinabing last day mo pala ngayon?" tanong ni Evo nang makaalis na ang iba.

"Akala ko alam mo," napayuko si Tamara.

"I didn't know about it!" saad ni Evo, "I did not check."

"Ngayon alam mo na," saad ni Tamara, "sasama ka ba talaga sa amin?"

"Nasabi ko nang sasama ako," nakapamulsang saad ni Evo.

"Baka maraming tao doon," saad ni Tamara.

"Let me handle it," saad ni Evo saka bumukas ang elevator.

________________________

Pinagamit ni Evo ang company vehicle upang masakyan nina Reem, Shane, Jessa at Miss Edmilao; habang sa kanyang sasakyan naman sumakay si Tamara.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Tamara nang mapansing hindi patungo sa pinag-usapan nilang lugar ang kanilang sinasakyan.

"Gusto niyong magvideoke, 'di ba?" tanging saad ni Evo.

Hindi niya alam kung ano ang balak ni Evo pero nagulat siya nang pumasok ang sasakyan sa isang malaking gate saka bumungad sa kanya ang malaking mansyon.

"Dinala mo kami sa mansyon mo?" bilog ang mga matang lumingon si Tamara kay Evo.

"I have an entertainment room in the house, bigger and better than the ones you wish to rent in the city," walang emosyong saad ni Evo.

Tamara mouthed "OMG" saka napasalampa sa hiligan ng kanyang upuan. It never occurred in her wildest dream na makakapasok siya sa isang mansyon.

Minsan nang sinabi ni Evo na dadalhin siya nito sa mansyon pero dahil natakot siya sa kung ano ang pwedeng mangyari sa kanila, tumutol siya. Hindi siya takot ngayon dahil may mga kasama siya.

Pigil na tilian ang narinig niya mula kina Reem, Jessa at Shane na pinapagalitan naman ni Miss Edmilao. Tulad ng tatlong kaibigan niya, excited din siyang mapasok ang mansyon, It was a classic old English mansion na sa entrance pa lang, halata nang milyon-milyon ang halaga.

Nagulat siya nang hawakan ni Evo ang kanyang kamay saka mahina siyang hinila papasok ng mansyon. She looked around the enormous pillars and classic wall designs saka siya napatingin kay Evo. She realized how lonely his nights were while staying alone in the mansion. Kung sana hindi niya ginawa ang dare sa kanya noon, Evo would have been happy. Araw-araw sana siyang masayang umuuwi sa asawa niya. She really messed up on this – big time. Ngayon, kailangan niyang gawin ang lahat na kaya niyang magawa upang maibsan ang kalungkutang nararamdaman nito.

________________________

Tama ang sinabi ni Evo, malaki at napaka-gara ang entertainment room sa kanyang mansyon. It has luxurious upholstered club chairs na may cushioned daybed na parang duyan, may mini-bar sa gilid, world-class surround sound system at 85-inch flatscreen TV. Mahihiya ang pinaka-mahal na KTV bar sa Pilipinas dahil sa ganda at features nito.

Tuwang-tuwang pumwesto sina Jessa at Reem habang napaikot naman si Shane upang tignan ang buong silid.

"Shane, umupo ka," bulong ni Miss Edmilao na nahihiya kay Evo.

Inutusan naman ni Evo ang kanyang butler na maghanda ng makakain para sa kanila saka pumunta sa drawer na nasa ibaba ng TV upang kunin ang songlist at ang mga mikropono.

Unang sumabak sa kantahan si Jessa na ang piniling kanta ay "Take a Bow" ni Rihanna. Natatawa naman silang lahat dahil feeling ni Jessa nagconcert siya habang kumakanta. Hindi naman maiwasan ni Tamara na mapaindag at makisabay sa pagkanta dahil damang-dama nila ang bawat indayog ng musika.

"Si Tamara naman!" suhestiyon ni Shane.

"Ba't ako? Kayo muna," sagot ni Tamara pero ipinasa sa kanya ang songlist kaya walang siyang nagawa kundi ang pumili ng kanta. Nagulat si Evo nang bumungad sa screen ang piniling kanta ni Tamara, "Officially Missing You" ni Tamiya – ang paboritong kanta ni Shawn.

Batid ni Tamara ang kakaibang titig sa kanya ni Evo kaya ginalingan niya ang pagkanta sap ag-aakalang nagustohan ni Evo ang kanyang pagtanghal. Wala siyang kamalay-malay na habang kumakanta siya, si Shawn ang nakikita ni Evo sa kanya.

Sanay si Tamara sa pagkanta dahil bata pa lang siya, lagi na siyang pinapakanta ng kanyang mga magulang sa bawat party na dinadaluhan nila. Ito ang dahilan kung bakit mataas ang kumpiyansa ni Tamara sa sarili – isang bagay na madalas kinaiinisan ng iba sa kanya.

"Si sir Evo naman!" nalasing na si Shane kaya hindi na ito nahiyang pilitin si Evo na kumanta.

"Pass muna ako," sagot ni Evo.

"Ay huwag kang madaya!" napasimangot si Tamara, "kanta ka na please."

Walang kibong kinuha ni Evo ang songlist saka pumili ng kanta.

Kinikilig na binasa ni Jessa ang title ng kantang kakantahin ni Evo. Isa ito sa mga paborito niyang kinakanta para kay Shawn, "Say You Won't Let Go" ni James Arthur.

Lahat sila natahimik nang magsimulang kumanta si Evo. Noong una, nakatingin si Evo sa lyrics ng kanta, ngunit bigla niyang hinila si Tamara nang kantahin niya ang parteng, "I knew I loved you then, But you'd never know, 'Cause I played it cool when I was scared of letting go, I knew I needed you..."

Hindi mapigilan ng mga babae sa loob ng silid ang mapatili nang isinayaw ni Evo si Tamara habang kinakanta ang chorus. Pilit namang pinapaalala ni Tamara sa kanyang sarili na nagpapanggap lang sila pero hindi ito ang nakikita niya sa mga tingin ni Evo. He was singing the song passionately at damang-dama niya ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.

She was still able to hold herself together, pero nang kantahin ni Evo ang parteng: "I'm so in love with you, And I hope you know..."

He held her closer. Poured his heart out - wishing it was Shawn.

... And so Tamara let herself fall.

_____________

AN: Dinagdag ko ang song cover ng "Boyce Avenue" para mas feel niyo ang madamdaming pagkanta ni Evo.

The CEO's Temporary BrideTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang