“Wife...” sinubukan niyang tumayo pero muntik na siyang natumba kung hindi lang ako nakakilos ng mabilis.

“Ikaw ba yan? O nanaginip lang ako?” hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

Ngumiti naman ako kahit na tulo ng tulo ang luha ko. Tumango tango ako.

“Oo, ako ito si Miracle. 'Yung asawa mo. Nandito na ako, hindi na ako aalis. Hindi na.” yinakap ko siya ng mahigpit at umiyak sa dibdib niya.

Yinakap niya ako ng mahigpit na nagpapahiwatig na sobra nga niya akong namiss.

“You... You remember me now?” tanong niya.

Napatingala naman ako sa’kanya at tumango, “Oo, ilang linggo na din. Sorry, sorry kung hindi ko sinabi.”

Gumuhit ang lungkot sa mukha niya, “Why? Alam mo kung paano ako naging miserable ng nawala ka at alam mo din kung gaano kasakit na ang asawa ko ay may itinuturing ibang asawa.”

Napaiyak ako, alam kung magagalit siya dahil hindi ko sinabi agad pero wala pa akong oras na sabihin agad iyun sa’kanya dahil natatakot ako na baka galit siya sa’kin dahil sa mga masasakit na sinabi ko sa’kanya at mas pinag tuunan ko muna ang pagpapagaling kay Mama kesa sa sitwasyon namin.

“Halos mabaliw ako ng mawala ka, hindi ako makabangon pero pinilit ko pa rin dahil alam kung ayaw mong maging ganun ako pero ng malaman kung buhay ka ay bumalik ang sigla ko pero nawasak din dahil hindi mo ako maalaala, iba ang itinuturing mong asawa.” lumuluhang sabi niya.

Napasubsob ako sa dibdib niya, “Sorry kung hindi kita maalala, naniwala kasi ako sa mga kasinungalingan niya noon. I’m sorry din kung hindi mo agad sinabi sayo na bumalik na ang alaala ko, inalagaan ko muna si Mama at n-natatakot din ako na baka galit ka sa’kin dahil sa ginawa ko.”

Tiningnan niya ako ng mabuti at pinunasan ang mga luha kong patak ng patak. Isinandal niya ang noo niya sa noo ko. Sobrang lapit na naman sa isa’t isa, amoy na amoy ko ang alak sa’kanya pero ang bango niya parin.

“Ayos lang, ayos lang. Ang mahalaga ay bumalik ka na sa’kin. I really miss you, wife. Ikakabaliw ko na talaga kapag nawala ka pa sa’kin. Mahal na mahal kita.” hindi na ako nakapag salita ng sakupin ng labi niya ang labi ko.

Halik na sabik sabik at punong puno ng pagmamahal. Naramdaman ko kung paano niya talaga ako hinintay at nangulila sa’kin sa pamamagitan ng halik niyang ibinibigay sa’kin. Wala ako nagawa kundi ang tumugon sa labi niya.

Napayakap ako sa batok niya at napapikit. Nalalasahan ko ang alak sa bibig niya, ang sarap at ang tamis. Naramdaman ko ang pagngiti niya sa gitna ng paghahalikan naming dalawa. Yinakap niya ng mahigpit ang bewang ko at ramdam na ramdam ko din ang mainit at mabibigat niyang pag hinga.

Namalayan ko nalang na nakahiga na ako sa kama ng wala ng saplot at nakaibabaw naman siya sa’kin. Tiningnan niya ako sa mga mata at hinaplos ang pisngi ko.

“Mahal na mahal kita higit pa sa buong buhay ko.”

Napaluha ako sa sinabi niya, “Mahal na mahal din kita, bakla ko.”

At hinalikan niya ako ulit. Finally, I’m home.

Napagulong ako sa kaliwa dahil sa kiliting nararamdaman ko sa tenga ko. Antok na antok pa ako ‘e. Sino bang hinayupak na itong gumigising sa’kin? Alam ba niyang pagod na pagod ako dahil sa ginawa namin ni Ay-Ay kagabi?!

“Wake up, sleepyhead.” napamulat ako sa pamilyar na boses na iyun.

Napatingin ako sa kanan at ang tumatawang si Ay-Ay ang bumungad sa’kin. Siya pala yung gumising sa’kin!

My Husband is GayDove le storie prendono vita. Scoprilo ora