Chapter 27

1.8K 79 9
                                    

Chapter 27: Danreb's birthday

Masaya kong binalot ang regalo ko para kay Danreb. Ngayon na kasi ang birthday niya kaya excited kaming dalawa ni Erin. Ilang araw na din ang nakalipas ng umuwi kami dito sa Maynila galing Palawan. Nagtatampo nga ang dalawa dahil hindi daw ako nagpaalam pero hindi naman nila ako matiis kasi nagpa cute ako sa'kanila.

Naaawa daw kasi sila sa aso pero sa'kin nakatingin. Mga tangeks sila, naaawa sa aso tapos sa'kin nakatingin?

"Anong regalo mo sa lalakeng yun?" napatingin ako kay Ay-Ay ng tumabi siya sa'kin sa kama at dumapa din.

"Sinong lalake?" hindi ko naman kasi alam kung sino ang tinutukoy niya.

"Yung may birthday." nakabusangot na sabi niya.

"Ah..." napatango tango ako, "Danreb ang pangalan niya, ok? Secret lang kung anong regalo ko." napabungisngis naman ako samantalang siya ay nanatiling nakabusangot.

"May pa-uso uso ka pang magbigay ng regalo." nangunot ang noo ko sa kasungitan niya ngayon.

"Anong pa-uso ka dyan? E tradisyon na ang pagbibigay ng regalo sa may birthday 'e. Atsaka bakit ang sungit sungit mo ngayon?"

"I have a period kasi." inirapan niya ako at lumabas na sa kwarto.

Naiwan naman akong hindi ma-gets ang sinabi niya. Anong may period siya?

Bumangon naman ako sa kama at bumaba para sundan siya. Hinanap ko siya sa kusina, sa gym, sa pool pero wala 'e lalo na sa music room namin. Nasaan kaya ang baklang yun?

Teka, sa library! Tama!

Pumasok ako sa library at nakita ko nga siya na may hinahanap sa book shelves. Nakatalikod siya sa'kin kaya dahan dahan akong lumapit sa'kanya at yinakap siya. Nagulat naman siya sa ginawa ko pero hindi niya ako pinansin kaya napanguso ako.

"Mamaya, sama ka sa'kin sa party ni Danreb ah?" inihilig ko ang ulo ko sa likod niya.

"Of course yes. Kapag hindi kita sasamahan dun ay baka tangayin ka ng lalakeng yun." naiinis na aniya.

Sino ba kasing lalake iyun?

"Sino naman ang tatangay sa'kin?" takang tanong ko.

"Sino pa ba? E di si Danreb." mukhang ayaw talaga niya kay Danreb 'a.

"Hindi naman yun magagawa ni Danreb 'e. Mabait kaya siya." bumitaw ako sa'kanya at tumingin tingin din sa mga libro dito.

"He is not. Kaya don't trust him."

"Ewan ko sayo." napatingin ako sa libro at may nahagip ang mata ko na isang libro na bago lang sa paningin ko.

Kinuha ko naman iyun at nangunot ang noo ko. Bago pa siya at ngayon ko lang ito nakita ang ganitong libro.

"Fifty Shades of Gray." basa ko sa title ng libro.

Napatingin ako kay Ay-Ay na tumitingin tingin sa mga libro. Lumapit ako sa'kanya at kinalabit siya.

"Oh?" kunot noong tanong niya.

Napanguso naman ako sa kasungitan niya.

"Ikaw ba may-ari nito?" ipinakita ko sa'kanya ang hawak kong libro.

Bigla siyang namutla at narinig ko pa ang pagmura niya na ikinataka ko. Hinablot niya bigla sa'kin ang libro at itinago sa likod niya.

"B-Binasa mo ba ito?" nauutal niyang tanong at pinag papawisan pa.

"Hindi." napakamot ako sa pisngi ko at nakahinga naman siya ng maluwag, "Bakit maganda bang basahin iyan? Pwede pahiram?"

"No!" bigla nalang sigaw niya na ikinagulat ko at tumakbo siya papalabas ng library.

My Husband is GayOù les histoires vivent. Découvrez maintenant