Lumamlam ang pagkurap ko at nakangiting tumango sa kuwento niya. "Thank you sa paghihintay, Perla."

"Welcome po. Bye bye, Ate. Maglalaro pa kami." Itinaas niya ang kamay sa lebel ng pisngi para kumaway.

"Bye-bye."

She ran to her playing friends. Nilingon ako nito at muling nginitian. Nang makapasok ako sa loob ay nabaling ang atensiyon ko sa bulaklak.

I went inside our home to see an abandoned place. Puno ang bahay namin ng agiw at napaglipasan na ng panahon ang pintura kaya tumamlay ang kulay. Ang mga bintana ay kinakalawang na. Nagkamatayan ang mga halamamg pakiwari ko'y nauhaw sa limang taon kong pagkawala.

Hirap pumasok ang liwanag sa loob dahil nakasara lahat ng bintana. Binuksan ko iyon at pinagpag ang dumi para dungawin sa labas ang hilera ng mga bahay.

I sat beside the window and stared at the white rose. Sino naman kaya ang may gawa nito. Si Ace? Si Adrien? Si Franz?

"Kamusta na kaya sila?"

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong plano ko sa mga susunod na araw. Iginagapang ko lang ang kasalukuyan kahit hindi pa ako nakakalaya sa nakaraan.

Ano ba ang pakiramdam ng gigising kang may dahilan para bumangon? Hindi lang para magtrabaho, hindi lang para maghintay sumapit ang gabi at matulog ulit.

Ganoon ang buhay ko sa limang taon, eh. Gigising, lalaban, matutulog. Gigising, susubok, mapapagod, matutulog. Hindi gigising, mabubuhay, susubok, matututo, magpapahinga.

Hinaplos ko ang braso at pinakawalan ang malalim na buntong-hininga. Nanatili ako sa puwesto hanggang sa sumapit ang gabi kaya kinailangan kong sindihan ang gasera. Putol na ang linya ng kuryente kaya wala akong ilaw.

Matutulog na ako nang tumunog ang cellphone ko dahil sa pagtawag ni Fritz. Sinagot ko 'yon habang nakahiga.

"Sis! Nasaan ka na?" Nagpeke siya ng iyak. "Nilayasan mo na talaga kami rito? Ang sama ng ugali mo–"

Naputol ang pagsasalita ni Fritz nang agawin sa kaniya ni Agusta ang cellphone. "Akla! Wititit kang beki ka. Bumalik ka rito at sasabunutan lang kitang minsan."

"Miss ka na namin, Freda. Bumalik ka na. Maraming Fafa!" si Fritz ulit. "Akin na nga! Mang-aagaw ka."

Narinig ko ang pagtatalo nila. Ngayon pa lang, namimiss ko na sila. Sa lahat ng nangyari sa akin sa isla, sila ang pinaka-ipinagpapasalamat ko.

"Hindi muna ako makababalik. May kailangan akong gawin ngayon," sabi ko.

"Kailan nga?!"

"Sana makabalik pa 'ko, pero kung hindi na, mag-iingat kayo palagi, ha."

Humagulgol si Fritz, hindi ko masabi kung totoo 'yon o mema lang. Hindi ko naman siya nakikita.

"Kapag hindi ka bumalik, pupuntahan ka namin diyan!"

Mahina akong natawa. Muntik na akong dapuan ng antok kanina dahil sa pagod sa biyahe pero tumawag sila kaya tumagal ako hanggang hatinggabi. Kung hindi ko pa sinabing mauubos ang charge ng cellphone ko ay hindi nila ibababa ang tawag.

Bumalik na raw ako roon at paalis na si Ross. They thought I left just because I don't want to be his personal assistant anymore. Wala silang alam sa totoo kong dahilan. At wala rin naman akong planong sabihin.

I woke up with another call. Inakala kong sila ulit 'yon kaya sinagot ko nang hindi nakikita ang pangalan, but the silence made me confused. Kunot ang noo at naniningkit pa ang matang tinignan ko kung sino 'yon. Numero lang ang nakalagay.

Eight Words Love Storyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن