5- Mortal Enemy

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang gagandang nilalang.

May kasama ang mga ito. Isang babae na mukhang kagalang-galang at isa pang lalaki na older version ni Gaius.

Saglit na sumilip si Tryx saka mabilis na bumalik sa harapan ng vanity table nito.

"Oo naman. His mom is the mayor of Morland. Siempre invited siya sa mga party ng mga pamilyang katulad ng sa amin."

"You mean rich or Pureblood?"

"Hmm... both," sagot ni Tryx saka itinapat ang napakalaking diamond earring sa tenga nito.

"At sino 'yang lalaki? Dad nila?"

"That's Forrester. Oldest son."

Nagkibit na lang ng balikat si Kam.

"Matagal ka pa?" inip na tanong ni Kam saka lumapit sa study table ni Tryx. Naroon ang kanyang backpack at mula roon ay inilabas ang kanyang herbal physiology textbook.

"What do you think you're doing?" agad namang nanlaki ang mga mata ni Tryx nang makitang umupo na siya sa harap ng mesa.

"Mag-aaral. Sayang ang oras."

"What? Seriously? Kamdyn, nasa isang party ka tapos pag-aaral ang nasa isip mo?"

"I work hard to achieve my goal, Tryx. Kapag walang gagawin, I study. Wala akong ginagawa habang naghihintay sa'yo kaya mag-aaral ako. So, stop talking."

Hindi na lang muling nagreklamo pa si Tryx at hinayaan na si Kam na mag-aral. Hindi naman kasi siya genius. She had to utilize her time wisely.

Sampung minuto pa bago tuluyang natapos si Tryx sa paghahanda at agad na silang bumaba sa ballroom kung saan ang taas ng ceiling na may intricate na designs. Marami nang mga bisita roong nagtatawanan, nag-uusap, nagsasayawan kasabay ng malamyos na musika galing sa string quartet na nasa maliit na platform sa gilid. Pero sa kabila ng lahat ng mga activities na 'yun, nanatiling hindi maingay ang malaking silid. Kapag siguro umutot si Kam doon ay maririnig siya ng lahat.

"Tryxia, sweetheart, buti naman bumaba ka na. Kanina ka pa hinahanap ng mga kaibigan mo," isang napakatangkad at slim na ginang na nakasuot ng purple na long gown. Naka-bun ang buhok nito.

"Ma, happy birthday again," humalik si Tryx sa babae.

"Thank you, love," ang laki ng ngiti ng ginang who didn't look very ginang at all. Halos magkasing-edad lang ito at si Tryx.

"Happy birthday po, Mrs. Caran," bati rin ni Kam kaya ngumiti rin sa kanya ang babae.

"Thank you, dear. I hope you're having a good time."

"Opo. Thank you for having me," magalang na sagot ni Kam.

Umalis na rin kaagad ang Mama ni Tryx nang tawagin ito ng asawa para i-welcome ang pamilya nina Gaius.

"Nabawi ba ng Daddy mo ang wedding ring n'ya?" bulong ni Kam kay Tryx at agad siyang kinurot nito sa tagiliran. Nagtawanan na lang sila bago kumuha ng maiinom at ilang finger foods.

Kam swayed with the gentle music while chewing a fried shrimp. Panay din ang pagpi-people watching n'ya.

"Ang dami namang mortals na bisita," komento niya.

"Oo naman. We have to be inclusive kasi magtataka naman sila, lalo na ang mga mayayaman, kung hindi sila imbitado sa parties ng mga katulad nila."

"Katulad nila rich?"

Umikot ang mga mata ni Tryx. "Duh."

Natawa na lang si Kam. Well, may sense naman kasi at halata naman ang reason kung bakit imbitado ang mga mortals. Gusto n'ya lang talagang inisin si Tryx.

"Tryxia Marie Kadang-kadang!"

Kam almost choked when she heard Malik's booming voice. Napatingin tuloy ang mga bisita rito pero mukhang wala naman itong pakialam dahil ang laki lang ng ngisi nito habang papalapit sa direksyon nila. Naka-tux ito ng itim at gulu-gulo ang blond na buhok.

"Markus Gaulik Brigham! Ang lakas ng boses mo," ani Tryx nang pabulong sabay hila kay Malik na ngumisi lang lalo.

"Salamat sa invite ha," anito saka binalingan si Kam na kasalukuyang umiinom ng tubig. "Uy, roommate ni Tryx. Kumusta? Balita ko sakit ka sa puwet ni Cole ah. Parang almuranas," pagpapatuloy ni Malik saka humalakhak ng malakas. Nasapak tuloy ni Tryx.

"Sinabi 'yun ni Cole?" natatawang tanong ni Tryx pero agad naman itong nagseryoso nang sinamaan ng tingin ni Kam.

"Oo. I quoted that from memory, verbatim," tumatangu-tangong sagot ni Cole.

Halatang nagpipigil ng tawa si Tryx kaya saglit itong tumalikod para huminga ng malalim.

Napangiwi naman si Kam sa sinabi ng lalaki. Siya? Almuranas? Ni Cole?

Ew! Agad na nag-init ang ulo ng dalaga habang ini-imagine ang mukha ni Cole na tinitiris n'ya.

"Malik, dude, bakit bigla ka na lang nawawala?"

Mas uminit ang ulo ni Kam nang makitang papalapit si Cole sa kanila. Nakasuot ito ng itim na tux and his hair was combed slick back. Nakangisi pa ito na para bang hindi siya tinawag na almuranas behind her back.

Nakangisi pa rin si Cole nang balingan s'ya at mas nainis pa si Kam nang mas ngumisi ito.

Bago pa man siya makagawa ng bagay na pagsisisihan n'ya ay mabilis na tumalikod ang dalaga at iniwan ang tatlo nang nagtataka. Tinawag pa siya ni Tryx pero hindi na talaga siya lumingon. Tuluy-tuloy siya sa labas ng ballroom. Pupunta na lang siya sa bedroom ni Tryx at mag-aaral. Nasira na ang gabi n'ya eh.

Cole just got himself a mortal enemy. Hinding-hindi siya makakapayag na hindi makapaghiganti rito.

—-
Nagtatakang nasundan ng tingin ni Cole si Kam na mukhang inis na inis.

"Ano'ng problema n'on?" aniya saka binalingan si Tryx.

"Malamang nainis sa pagmumukha mo. Tinawag mo ba namang almuranas ng pwet mo," ani Tryx saka siya sinamaan ng tingin.

"Almura... what?" lito niyang sambit na sinundan ng halakhak ni Malik. Ang saya naman yata nito. Then he realized what was going on. "Dude, what did you do?"

"I'm sorry, Cole. Hindi ko lang mapigilan," Malik wheezed.

"Hindi mo s'ya tinawag na almuranas?" nanlaki ang mga mata ni Tryx.

"What? Of course not!" ani Cole na nakakunut-noo na. Masama naman niyang tiningnan si Malik na tila kinikiliti ng demonyo.

"I'm sorry. I'm sorry," Malik held his belly, laughing.

Cole groaned. Walang-hiya talaga itong kaibigan n'ya. Ipahamak ba naman s'ya.

Almuranas? For real? Nakakadiri talaga itong si Malik.

***
@immrsbryant

Blood MenaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon