ASHER: Peksman :*

• • • • • • • • • •

"Buksan mo na," ani Ethel.

"Ikaw na!"

"Ako na nga, tabi." Inusog kami ni Kris patabi at binuksan na 'yung pinto papasok ng Sam's Pizza.

Friday night ngayon at matapos ng mga ilang araw na pagmamakaawa kay Ate at sa magulang ko, pinayagan na din ako. Mabuti nalang talaga at taga Gordon Heights din si Jared, kahit medyo malayo siya sa bahay ko, sinundo niya parin ako at sabay kaming nag-jeep. Nagulat pa ako nung sinabi niyang sanay daw siyang bumyahe, buong akala ko hinahatid siya ng driver nila.

"Sabihin mo kay Asher humabol siya," sabi sakin ni Kei nung nakapasok na kami.

Tinignan ko 'yung cellphone ko at nakitang wala siyang text. "Hindi nga pwede e, botolan kaya 'yun."

"Botolan?"

"Oo, dulo ng zambales."

"Ilan ba tayo?" tanong ni Kris nang lingunin niya kami. "One, two, three, four.. uhh eight kame."

Ngumiti 'yung waitress na kausap ni Kris at tumango, "Dito po tayo."

Idinala kami sa pinaka harap ng stage dahil 'yun lang ang may lamesa na pang maraming tao. Mabuti nalang pala talaga at medyo maaga kaming nakarating kahit na may pasok kami kanina.

Kaming mga babae ay umupo sa pwesto kung saan nakaharap kami mismo sa stage habang 'yung boys naman ay sa harap namin kaya kailangan pa nilang lumingon.

Sa tapat ko nakaupo si Henry sabay sa tabi ko naman ay si Kei. Nasa kabilang dulo si Tris, malayo kay Henry para hindi sila mag away mamaya.

"Uy, order na kayo." Rinig kong sabi ni Ethel. "Anong flavor ng pizza gusto niyo?"

"Hawaiian nalang," suggest ni Kris.

"Wag 'yun," sabi ko naman. "puro nalang hawaiian."

"Pepperoni!" suggest ni Tris.

"Birthday girl ka?" sabi ni Henry kaya naman agad ko siyang tinadyakan sa ilalim ng lamesa.

"Nagtatanong nga si Ethel diba?"

"Pst," pagpigil ni Kris. "Mamaya na kayo mag away."

"Dun sila sa playground sa kabila," ngiting sabi ko.

"Wala na 'yun noh?" ani Kei.

"Tinanggal na." Sagot ko. Nagtama ang tingin namin ni Jared at kitang kita ko ang pagtataka sa mga mata niya. "Kita mo 'yung pinto sa tabi ng stage? Pag pasok mo jan may indoor playground. As in may slide, yung parang ano na maraming bola tapos mga arcade. Pero ngayon bingo-han nalang 'yan e."

"Why'd they remove it?"

Nagkibit balikat ako, "Ewan."

May tumunog sa stage kaya naman sabay sabay kaming napalingon doon. Nakapatay pa 'yung ilaw sa stage pero kitang kita parin naman namin silang nagreready ng mga instrument nila.

"Guys, order na." Napatingin kami kay Ethel na may kausap nang waiter. "Hawaiin ba or pepperoni?"

"Yung half nalang kaya? Pwede 'yun diba?" pag-suggest ni Kris. "Para ano, walang problema."

"Okay?" tinignan kami ni Ethel kaya tumango tango kami. Lumingon siya doon sa waiter, "Ayun daw po. Half pepperoni and half hawaiian. 'Yung ano nalang po, parang square 'yung hiwa."

Nag-sulat 'yung waiter, "Drinks?"

Sinabi namin 'yung mga gusto namin. Pati na din mga additional na orders. Inilista lahat ng waiter.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now