FATE 13

5 2 1
                                    

𝗙𝗔𝗧𝗘 13 - HIM

STILL KIRINO'S POV

"Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan?" mas mahinahong saad ko nang dalhin niya ako sa isang bahay kubo sa bakanteng lote.

"Hindi ko alam ang plano ni Aphrodi sainyo." panimula nito habang nakatulala sa isang gilid.

"Sinong Aphrodi? Pwede bang magpaliwanag ka? Gulong gulo na ako, at saka anong klaseng tanong ang sinasabi mo kanina? Pinapapili mo ako sa bagay na kahit sino 'di makakapili." Saad ko dito na halos mapalakas nanaman ang tono ng pananalita ko.

"Alam ko Kirino, alam ko. Ako ang may kasalanan, ako ang dapat sisihin. Nagkamali akong idala ka doon. Pero Kirino, kailangan mo lang magtiwala sa akin at sa lahat ng mga sasabihin ko."

"Hindi ko alam kung paano at ano ang kakayahan mo. Pero tandaan mo at huwag mong lilimutin. Espesyal ka Kirino. May tiwala ako sa'yo. Gawin mo kung ano sa tingin mo ang tama. Hindi mo kailangang mamili kung wala sa dalawa ang ninanais ng puso mo. Po-protektahan kita, nandito lang ako sa likod mo, ako ang magiging sandalan mo." Iyon ang huling sabi niya bago bitawan ang isang ngiti.

Ngiting walang halong pilit at kalokohan. Marahil ang totoong Tsurugi ay ang taong kaharap ko ngayon.

°°

Para akong lantang gulay habang paulit-ulit na inaalala ang mga napag-usapan namin kanina. Sa totoo lang mas nakaka stress pa ang mga nangyayari ngayon kung ikukumpara sa natural na pang-araw-araw kong ginagawa noon sa bahay na parang isang preso at kahawa-hawang tao. Nalilito ako, naguguluhan at...

At ewan. Hindi ko na alam.

"KIRINO!! KIRINO!" Nagbitaw ako ng buntong hininga bago lingonin ang taong sinisigaw nanaman ang pangalan ko sa paraang may bagong problema nanaman.

"Ano ba iyo-- Isui ikaw p---

"Kirino bakit ngayon ka lang ba? Saan ka ba nagpunta?! Bigla ka nalang nawala kahapon tapos ngayon ka lang bumalik. Alam mo bang may nangyari na kay Master Shindou?!!"

Hihingi na sana ako ng tawad nang pumintig sa tenga ko ang huling salitang sinabi niya. S-Si Shindou?

Wala nang kung ano-ano pa ay tumakbo na ako patungo sa mansiyon. Hindi, hindi pwede!!!

Alam ko na ang lahat. Ang lahat lahat! Isa din akong sugo, sugong tututol sa mga masasamang plano pero bakit kailangang ganito?!

"Shindou!---

Isang malakas na sampal ang sumalubong saakin.

"Pinagkatiwalaan kita. Ipinagkatiwala ko sa'yo ang anak ko. Pero bakit ngayong kailangan ka niya ay wala ka? Alam kong hindi mo kasalanang may sakit ang anak ko pero, pero bakit wala ka?!"

Matapos ang mga salitang 'yon ay hagulgol nalamang nila ang narinig ko. Ayaw kong isipin ang hindi maganda p-pero, pero kung walang masamang nangyari ay hindi naman dapat sila ganito hindi ba? Walang iiyak, walang luhang babagsak, at walang pusong puno ng pagluluksa.

"A-Nng anak ko. Ang nag-iisa kong anak. Nasa ospital. Nakaratay sa puting kama habang ang mga makina nalang ang nagbibigay buhay sa kaniya. W-Wala n-na, wala na ang anak natin Takuto. Wala na ang baby kooo."

"Shhh.. H-Huwag kang mawalan ng pag-asa mahal. B-Babalik siya, babalikan niya tayo."

H-Hindi... Nangako siya bago ako umalis sa tabi niya.

Nangako siyang lalabanan niya ang sakit niya.

H-Hindi. Hindi ako naniniwala! Kami ang sugo hindi ba?! Pero bakit ganito?! Aphrodi!

Nanghihina ang katawan ko pero pinilit kong tumakbo. Pupuntahan ko siya sa ospital.

"Shindou.. Shindou hintayin mo ako!" Pero hindi. Hindi ko na napigilan ang sistema ko na matumba at ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Gusto kong isigaw na hindi totoo ang lahat ng mga nangyayari pero, pero. Pero nalang ba sa lahat ng oras!

'Kayo nga. Ang mga sugo ay 'di lang pagsagip sa sangkatauhan ang siyang tungkulin nila. Makararamdam kayo ng poot, kalungkutan, at hinagpis.'

'Ngunit, ang isang sugo ay hindi marunong sumuko. Mananatiling may natitirang pag-asa. Magtiwala ka.....'

Nilingon ko ang paligid. Tila isang panaginip na sa isang iglap ay natuyo ang mga luha ko.

"S-Sino ka? Sino ang nagsalita?"

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
;𝙚𝙣𝙙_𝙤𝙛_𝙩𝙝𝙞𝙨_𝙘𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧
:𝙨𝙤𝙧𝙧𝙮 𝙛𝙤𝙧 𝙩𝙝𝙚 𝙚𝙧𝙧𝙤𝙧𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙏𝙝𝙖𝙣𝙠 𝙮𝙤𝙪 𝙛𝙤𝙧 𝙧𝙚𝙖𝙙𝙞𝙣𝙜!
-𝙎𝙚𝙚 𝙮𝙤𝙪 𝙤𝙣 𝙩𝙝𝙚 𝙣𝙚𝙭𝙩 𝙘𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧! ~√•
#dealwithadevil

Deal With A DevilWhere stories live. Discover now