Chapter 5: Sorry?

90 1 1
                                    

A/N:

Wala pa akong mailagay na picture for multimedia! Hahaha! Di ko pa sure yung para sa cast. Pero gusto ko Pinoy actor/actress eh! Hahahaha! Sa next na A/N siguro ilalagay ko kung sino ang nasa isip ko para sa cast kina Vincent and Shailene.

Keep reading guyth! :)

~~~

"Tara Vincent! Dun tayo pumunta sa department store. Doon maraming stuff toys." Sabi sakin ni Rose. Magkasama kami dito sa mall ngayon para ihanap ng peace offering para kay Shai, at naisip namin na stuff toys para cute ;)

"Ayun!" Sabay turo ko sa toy's section.

Pumunta na kami dun at... NIYAKAP ANG MGA MALALAKING STUFF TOYS! HAHAHA! Di kasi namin mapigilan kase ang malalaki sila at malalambot. Yung isa hinigaan ko at niyak ang braso nito. Buti nalang walang yung saleslady busy mag entertain ngibang costumers. Yung malalaking stuff toys ay naka-display sa sahig kaya dun kami naka upo ni Rose. Para kaming mga newborn puppy na gumagapang sa malalambot na stuff toys na to.

Nakita kongmay mga naka-display din dito sa sahig na mga maliliit na stuff toys at binato ko ng isa si Rose.

"HAHAHAHA!" Tawa ko sa kanya nang tamaan siya sa mukha!

"APAKA MO!" Naiinis na sabi ni Rose at nag evil smile.

[ROSE'S P.O.V]

NAPAKA WALANG HIYA NITONG LALAKING 'TO! PERO PAGDATING KAY SHAILENE PARANG SIYA NA ANG PINAKA NAHIHIYANG TAO SA MUNDO. Hayst!

Binato ko rin siya ng isang maliit na teddy bear. Ay!

Ni-regret ko ang ginawa ko! Kawawa naman yung teddy bear tumama sa mukha ni Vincent.

"Gumaganti ka?" Natatawang tanong ni Vincent.

"Ay hindi!" Tsaka ko siya binato ulit.

Binato niya rin ako at ganun din ako. Nagbatuhan kami ng Stuff toys ng ma-realize ko na nakakagawa na pala kami ng ingay.

Tumayo na ako at sinenyasan si Vincent na tumayo na din at baka may makakita pa sa amin.

Tumuloy na kami sa pag hahanap ng stuff toys.

"Vincent magkano budget mo?" Tanong ko sa kanya habang chine-check ang wallet ko sa bag ko.

"P50 lang." Sabi niya.

"Eh?"

"Ako na bahala dito! Magaling naman ako pumili eh! Hahaha" At kinuha niya ang isang nakasabit na stuff toy na panther na kulay orange. "Tulad nito. Hindi halatang thirty pesos lang." Dagdag pa niya. Iyon? Thirty pesos? Mukang fifteen pesos eh! Hahaha! Joke para siyang nasa eighty pesos. Ang cute nun at nasa tatlong dangkal siguro ang laki.

Tiningnan ko ang price tag nung orange panther at nakito kong ngang 'P30.00' yun.

"Pwede na rin yan. Basta di niya malalaman yung price! HAHAHA!" Sabi niya sabay tawa.

Hay! Si Vincent. Kung makakasama mo siya parang lagi siyang masaya pero hindi. Talagang naitatago niya ang kalungkutan niya pero hanggang kailan? Hanggang kelan niya magagawang i-fake ang mga ngiti niya lalo na pag nandyan si Shailene? Naaawa na din ako dito lalo na kapag may shine-share siya sakin sa chat. Yung mga nasa tweets daw ni Shailene na inlove siya tapos kapag dine-describe niya yung mga katangian nung nilalaman ng puso niya. Alam ko...alam kong tinitiis niya ang sakit. Siya ang tipo na hindi maggi-give up agad. Kaya ayan! Mula June hanggang ngayong October nagpapakatanga parin siya at pininindigan ang pagka-torpe niya...este, ang feelings niya. Hehe. Bilib din ako sa kanya actually.

"Uy!" Curious na tawag sakin ni Vincent. Natulala na pala ako kakaisip ng kalagayan niya.

"Okay ka lang?" Tanong pa niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpectedly in LoveWhere stories live. Discover now