CHAPTER 38: THE CASUAL DINNER

Start from the beginning
                                    

Agad na tumayo si Aries at nilapitan si Eloise.
   

"Haven, si Daniel na muna ang bahala sayo tuturuan ko lang itong asawa mo ng sa ganun mapakinabangan mo naman sa kusina." natatawa na sabi ni Eloise at inakbayan pa nito si Aries habang nakapamulsa ang dalawang mga kamay ng asawa sa suot nitong pants.
   

Mukhang sanay na sanay ang dalawa sa gesture nilang 'yon. Tinignan naman niya ang reaksiyon ni Daniel parang wala lang ito dito.
   

She smiled at her. "Sige mabuti nga iyon na iba ang magtuturo sa kanya." may pait ang tinig na sabi niya.
 

"Okay, babe ikaw na muna ang bahala sa kanya." paalam ni Eloise kay Daniel.
   

Muli siyang sinulyapan ni Aries ng tingin bago pumasok ang mga ito sa loob ng kusina.
   

Narinig niyang tumikhim si Daniel kung kaya't napabaling siya dito.
   

"Hi, kamusta nga pala ang may buhay asawa?" nakangiting umpisa ni Daniel.
   

"O-okay lang naman medyo nakakapanibago pa rin at nakaka-stress minsan." she said and smiled to him. Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng kaba sa dibdib at magkahalong takot.
   

"Ganoon ba? Ganyan naman talaga sa umpisa talagang nakakapanibago.”
   

Tumango-tango na lang siya. She didn’t know how to start a good conversation with anyone else. Because she was still an introvert.
   

Gusto mong sa likuran na lang sa may swimming pool mas maganda ang view doon?" sabi sa kanya ni Daniel.
   

"S-sige." kaagad na pagpayag niya.

Wala naman itong masamang gagawin sa kanya si Daniel? Pero siya? Siya itong may balak. Pero paano niya uumpisahan ang pang-aakit dito? Hindi rin siya madaldal na tao.
   

Tinungo na nila ang likod ng bahay. Tama nga si Daniel maganda nga ang view sa likod. May saktong lapad ang swimming pool. It was rectangular. At marami ding mga bulaklak sa gilid.
   

Napansin ng mga mata niya ang puting matabang pusa na nakahiga sa couch.
   

Nagningning ang mga mata niya nang makita ang pusa.
   


Kaagad siyang lumapit doon.
   

"Kaninong pusa siya?" tanong agad niya kay Daniel pero alam naman niya ang sagot kung para kanino iyon. Wala na talaga kasi siyang ibang masabi.
   

"Actually, that was your husband's gift to Eloise, last month."
   

"Talaga?" hindi makapaniwala na sabi niya.
   

"You didn't know?" nagdududa ang tanong ni Daniel habang nagsasalin na ito ng alak sa wine glass.
   

She bit her lower lip. Mukhang siya pa yata ang mahuhuli sa gagawin nila ni Aries. "H-hindi naman nakalimutan lang sigurong i-kwento ng asawa ko."
   

"You know what Eloise is not fond of pets. If there is any by chance, she preferred dogs rather than cats." sabi ni Daniel sabay abot sa kanya ang wine at umupo ito sa kabilang couch na katapat niya.
   

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now