-ENCOUNTER 1-

14 6 0
                                    

—HYACINTH' s—
"Hey there butterflies!" Napangiti ako ng malawak. Kay gagandang paro-paro. May paro-paro pa rin pala sa lugar na ito, it made my day. Akala ko kasi paglabas na ng aking hardin ay wala nang ganito. Akala ko sa hardin ko nalang sila makikita. I love butterflies, I love the way they exist. I love the way they live their lives— freely. I love how they embrace flowers. Plus, parehas din kaming mahilig sa mga bulaklak! Bagay na bagay talaga ang mga paro-paro sa bulaklak, it's like they are made for each other. Or they really do? Because butterflies can't live without flowers, mawawalan sila ng pagkain. Like a man, they are made for a woman. Ako kaya, when will I meet my butterfly? Or when will my butterfly find me? Nana said, masarap daw ang magmahal. I don't know yet because I haven't tried it yet.

No, scratch that. Yes, naranasan ko ng magmahal. Mahal ko ang pamilya ko at yung mga taong pinapahalagahan ko. Yung pet ko. Mahal ko din ang pag-aaral ko, and me, I love myself too. But yung love na tinutukoy ni Nana, hindi pa. Pero I think tama nga si Nana. Dahil ang magmahal at pagmamahal ay ang pinaka masarap na pakiramdam sa mundo.

Sinundan ko yung mga paro-paro. Sobrang saya ng nararamdaman ko kasi para akong lumilipad kasama sila. I always dreamt of becoming one of them when I was a kid, until now actually. Feeling ko ngayon isa din akong paro-paro. Kanina pa ako naglalakad-lakad para kabisaduhin itong lugar na nilipatan ko. At ngayon feeling ko din napalayo na ako, lalo na nung sinundan ko nang sinundan yung mga paro-paro.

Mas lalong kuminang ang mga mata ko nang matanaw ko kung saan papunta yung mga paro-paro pagkatawid ko. Isang hardin! Sinundan ko sila hanggang sa makapasok kami at dumapo na sila sa mga bulaklak na naririto. Inilibot ko ang mga mata ko. Ang ganda! Ang daming malulusog at ibat-ibang bulaklak at may iba pang mga paro-paro ring ligaw. Napapaligiran ito ng mga puno upang magsilbing lilim. Sinundan ko din ng tingin ang mga punong nakahilera sa gilid at dun ko napagtanto na karugtong pala ng isang park ang hardin na ito. Bale nasa likuran na ito nung park dahil kalsada na ang kasunod ng hardin. Andami ring mga batang naglalaro kasama ang mga yaya nila. Kakatuwa naman. Isa itong paraiso para sa akin. Mabuti nalang at may gantong lugar pala rito, hindi na ako gaanong malulungkot at maninibago kahit papano.

Nag ikot-ikot ako sa hardin na iyon at inamoy-amoy ang mga bulaklak. May mga ligaw na rosas, may mga daisy din at mga bulaklak na pangkaraniwang makikita mo rin sa hardin ng marami o sa daan. May gumamela din kasi, bougainvillea, orchids, lily, roses at iba pa. Higit sa lahat, may sunflower. Natanaw ko ito kaya agad na nilapitan ko. Mahilig ako sa bulaklak at marami rin akong alam sa mga ito. Hinawakan ko ito at inamoy. Napangiti ako, ang gandaaaa. Pagmulat ng mga mata ko ay may natanaw akong playground. Dulo na kasi ng garden itong may mga sunflower at kalsada na ang kasunod, pagtawid mo naman ng kalsada ay may playground. Mas marami naman ang mga bata ritong naglalaro kasama rin ang mga yaya nila. Habang doon naman sa park ay kumakain ang iba at nagpapahinga lang sa malilim at madamong parte dahil napapaligiran din ito ng mga nag gagandahang Bermuda grass. Napangiti akong muli, naalala ko si Nana.

Habang patawid ako may natanaw akong bata sa di kalayuan ko. Nasa gilid sya ng playground kung saan may nakatanim ding ilang mga bulaklak. Inamoy nito yung ligaw na rosas at hinawakan. Nagulat ako dahil sinusubukan nya itong pitasin kaya nilapitan ko ito.

"Argg, why it's so hard to pick this flower??" Reklamo nya nung malapit na ako. "Ouch! The thorns!" Ngumuso siya nang makita ang kamay niyang may kaunting dugo. "Hi little boy, why are picking those flowers? Don't you know it might kill them?" Nakangiti kong tanong dito. Nilingon nya ako nang nagtataka. "Really?" Tanong nya saka tinignan ulit ang mga bulaklak na gusto nyang pitasin. "Why?" Dagdag pa nya saka ako tinignan muli. Sa tingin ko nasa mga siyam na taong gulang palang ito.

"Yes, kasi masasaktan yung halaman na pinagbubunutan mo. Hinihila mo kasi, you know they are flowers so you should be gentle. Tapos, mabubulok lang naman yung mga mapipitas mong bulaklak" sagot ko at umupo nang makalapit ako sa kaniya. Nginitian ko ulit sya. "Alam mo, mahilig ako sa bulaklak. Pero ayokong pinipitas sila" dagdag ko pa saka tumingin sa mga bulaklak at inamoy ito.

"Bakit naman po?" Tanong niya ng nalilito. How cute. "Kasi tulad nga ng sabi ko, mabubulok lang din naman yung pipitasin ko. Saka pakiramdam ko, nasasaktan ko sila. Isn't it beautiful seeing them like this? Hindi bat mas maganda kung hayaan nalang natin sila sa mga sanga nila at hindi mabulok? In this way, we can preserve them at lalabong pa sila lalo nun" sabi ko. "Well, you have a point" sagot nya at ngumiti.

"Bakit mo pala pinipitas? Mahilig ka rin ba sa bulaklak?" tanong ko. Umiling naman siya. "No, I want to give them to someone" napangiti ako. "Talaga?" saad ko habang dahan-dahang pinipitas yung bulaklak. "Ate, why are you picking them? You will hurt them! Or they might hurt you, they have thorns" pagpigil nya. Ngitian ko lang siya.

"Pero alam mo ba na minsan na rin akong pumitas ng bulaklak?" Napalingon siya sakin nang may gulat sa mata. "Kasi ibinigay ko iyon sa isang taong pinaka espesyal sakin." Saad ko habang dahan-dahang tinatanggal ang maliliit na tinik. "Kaya kapag bibigyan ako ng bulaklak, pakiramdam ko napaka espesyal kong tao. Hindi lang dahil sa may nagbigay sa akin ng bulaklak kung hindi dahil sa may pinitas na bulaklak para lang sa akin. May nagsakripisyo at nasaktang bulaklak para sa akin. Kaya napaka espesyal ko" iniabot ko sa kaniya yung tatlong rosas na pinitas ko. Pinili ko iyong mga malalaki at magaganda. "Kaya ikaw, saka ka lang din pumitas ng mga bulaklak kapag ibibigay mo ito sa mga espesyal sayo ha?" sabi ko. Ngumiti naman siya ng malaki at tumango. "Yes ate! Actually, I am picking these flowers for my mom. She is the most special person in my heart. And I heard yaya a while ago on a phone call that she is going home today! That's why I want to give her something. And these flowers are beautiful like my mom" pagpapaliwanag nya. Napangiti ako at marahang hinaplos sya sa ulo nya.

How sweet naman.

"Really? How thoughtful of you naman little boy. Tiyak na matutuwa ang mom mo niyan." I replied. "Really? I want to make her smile ate. And thank you for helping me on picking these flowers. You're thoughtful too and I also find you beautiful like these flowers, I've learned a lot from you. Thank you!" saad naman nya at niyakap ako saka hinalikan sa pisngi. "Ano palang name mo? I'm ate Lale"

"I'm Aris po, nice meeting you! You are beautiful like these flowers too ate" sagot naman nya saka kami magshake hands. Napangiti na naman ako. Ang kyot kyot ehh. "Aris! Naku kang bata ka andiyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Uuwi na tayo, malapit na raw ang mommy mo!" sabay kaming napalingon sa kabilang daan. "Yaya! Really?" Sabi naman nya saka ako tinignan. "Ate, I gotta go. See you when I see you!" tumayo ako at nginitian sya. Tumakbo sya papunta sa Yaya nya. Pero pagalingon ko "Aris sandali!"

BEEEEEEP!

Napasigaw ang Yaya nya. Muntik na kasi siyang masagasaan ng kotse, mabuti nalang at nahatak ko sya agad at nayakap. Tumakbo naman agad papunta samin ang yaya nya. Samantalang yung kotseng muntik nang makasagasa sakanya ay umandar lang ule nang di man lang bumababa. "Hoy! Bastos!" Sinigawan ko ito. Grabe siya. Muntik na syang makadisgrasya ng bata tapos hindi man lang niya tanungin kung ok lang ba ito. Ayoko talaga ng mga ganoong tao.

"Naku ho, Aris ok ka lang ba?" tanong ng Yaya niya at chineck ang alaga. Tumango si Aris at ngumiti. "Yes po. Thanks to my guardian angel" tinignan nya ako." Sa susunod mag-iingat ka sa pagtawid hah? Tingin muna sa kaliwa at kanan, ok?" nag-aalala kong tanong. "Yes ate, I'm sorry" nakanguso nyang sabi. "Yaya I'm sorry too".

Nagpasalamat uli sila sa akin at saka sila umalis. Umuwi na rin ako para makapaghanda. Nagluto muna ako saka kumain pagkatapos ay inihanda na ang mga gamit ko sa school bago matulog. First day of school ko bukas sa bago kong school. Excited na ako!

LOOTING FLOWERSWhere stories live. Discover now