Chapter 11 - Dark and Twisty

Magsimula sa umpisa
                                    

Napalunok si Tamara saka tumayo pero bago siya makaalis, hinarap niya si Evo saka sinabing, "that is way too hot! At hindi mo pwedeng gawin ulit 'yun sa'kin."

"I won't unless you want it," he said in a very sexy voice.

"Evo, stop!" pagbara ni Tamara, "next time na hahalikan mo ako, dapat ipaalam mo muna."

"Bakit?" pilyong ngumiti si Evo.

"Because you owe it to me," agad na saad ni Tamara.

"Did I awaken your desire for sex?" mapang-akit na saad ni Evo.

"We agreed that there will be no sex," paalala ni Tamara.

"Unless you consent," walang pakundangang kinuha ni Evo ang baso ng tubig saka uminom.

Ipinikit ni Tamara ang kanyang mga mata saka pumihit. Seeing his lips touch the mouth of the glass makes her want to grab him for another kiss.

"You'll beg that from me," narinig niyang saad ni Evo bago siya makapasok sa kanyang dome.

'Hindi ito pwede,' saad ni Tamara sa isip nang nasa loob na siya ng kanyang dome, 'Zack is a better kisser. Mas excited ako sa halik ni Zack dahil matagal ko nang pinangarap ang mahalikan niya,' mantra ni Tamara sa sarili.

Napakagat ng labi si Tamara saka inaming, 'but no doubt, ang galing niyang humalik. Hindi siya nagsisinungalin nang sabihin niyang eksperto siya sa parteng ito. Kailangan kong magpakatatag. Evo is dangerously hot and he was right, kung hahayaan ko ang sariling malunod sa kanyang mapang-akit na presensya, I might really ask him something I have never experienced before – s3x.'

___________________________

Tinapos ni Evo ang kanyang pagkain saka bumalik sa sariling dome. He thought Tamara would be different from the first two women he made an arrangement with, pero pagkatapos niyang halikan ito kanina, he knew she would fall on her knees. Alam niyang napukaw niya ang pagnanasa ni Tamara at ang pagnanasang 'yun ang magiging sanhi ng pabagsak nito.

Tamara is supposed to resist him. 'Yan ang kailangang gawin ni Tamara upang hindi siya matulad sa mga babaeng nauna sa kanya. But he will not be responsible for whatever will happen between them.

He has not forgotten. He will never forget.

Si Tamara ang dahilan kung bakit siya nagkaganito. She is the reason for the emptiness he felt since the day Shawn left him. Matagal na niyang pinaghandaan ang araw na ito. This has been delayed dahil hinayaan niya si Tamara na isiping she is in control. But no, she was never in control.

He planned to punish her. Pagsasawaan niya si Tamara. Ipapalasap niya kay Tamara ang sakit na nararamdaman niya nong iniwan siya ni Shawn. Mararamdaman ni Tamara ang walang hanggang kalungkutan na kahit ilang alak ang iinumin niya o ilang beses siyang makipagtalik sa kahit sinong babae, walang makakapawi sa kalungkutan at pangungulilang nararamdaman niya. He is going to consume her until she has nothing to give. He will make sure that he will leave her empty, tulad nang nararamdaman niya ngayon.

He is cold. Yes, he has been cold since the day he became the jilted groom. Matagal na niyang inisip kung paano niya paparusahan ang babaeng dahilan ng lahat na nararamdaman niya ngayon. Today, he will start his revenge. He will make a mark on her at sisigurohin niyang mahihirapan si Tamara na bumangon.

He watched the beautiful scenery from the glass windows of his dome. Domescapes Glamping was supposed to be one of the places he and Shawn planned to have their honeymoon. Whenever he wanted to remember Shawn, he comes here to find solace. He had never taken any woman to this place, but he brought Tamara here. Balak niyang punan ang kanyang pagnanasa kay Shawn sa pamamagitan ni Tamara.

Nagsalin siya ng alak sa kopeta nang marinig niyang tumunog ang kanyang cellphone. Tinignan niya ito at nalamang si Tamara ang tumawag kaya agad niya itong sinagot.

"E-evo," narining niyang saad ni Tamara. Sa tinig ni Tamara, halatang nasa loob ito ng shower.

"Bakit?" pinilit niyang itago ang pagnanasang nararamdaman lalo na dahil naiisip niya ang kahubdan ni Tamara.

"K-kasi ano," nag-aalangan na saad ni Tamara.

"Tell me," he wanted her to tell him to come to her.

"M-may malapit bang tindahan dito?" tanong ni Tamara kaya nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Evo.

"Tindahan? Bakit ka naghahanap ng tindahan?" tanong ni Evo.

"K-kasi may period ako. Wala akong dalang napkin," saad ni Tamara.

"Ano?" hindi maiwasang lumabas ang inis ni Evo sa kanyang tinig, "bakit hindi ka nagdala?"

"G-ganito talaga ako kapag na-stress, nagkakahormonal imbalance," paliwanag ni Tamara, "saka hindi talaga regular ang menstrual cycle ko."

Bumuntong hininga si Evo saka sinabing, "I'll ask Chad to buy you napkins."

"No! Please, huwag mong i-utos kay Chad," pagmamakaawa ni Tamara.

"Eh sino ang bibili ng napkin mo?" tanong ni Evo.

"Pwede bang ikaw na lang? Nahihiya ako kay Chad eh," saad ni Tamara.

"Nahihiya ka kay Chad tapos sa akin hindi?" inis na tanong ni Evo.

"Iba kasi si Chad, saka baka may galit pa 'yun sa akin dahil sa nangyari sa'yo sa elevator," paliwanag ni Tamara.

Mula kasi noong hinimatay si Evo sa elevator at pagkatapos siyang mapagalitan ni Chad, hindi na nagkakausap muli si Chad at Tamara.

"Okay, anong napkin ang ibibili ko?" tanong ni Evo.

"Kahit ano basta with wings," sagot ni Tamara.

"Hintayin mo ako," saad ni Evo.

'She is definitely different from the other women,' napailing na saad ni Evo, 'mukhang hindi matutuloy ang balak ko ngayon.'

________________________________

Kinatok ni Evo ang pinto ng dome ni Tamara pero walang sumasagot kaya sinubukan niyang pihitin ang doorknob. Bukas ito kaya nagpasya siyang pumasok sa loob ng dome. As he expected, nasa loob ng banyo si Tamara. Nilibot niya ng paningin ang dome at nakita ang cellphone ni Tamara. Kinuha niya ito at sinubukang buksan. It required a pin pero madali niyang nahulaan ang pin ni Tamara, her birthday.

He checked her call logs and her messenger. Nakita niyang nagvideo-call ang dalawa kanina. He checked Zack's profile and took a photo of it gamit ang kanyang sariling phone.

'Hindi ikaw ang magiging hadlang sa paghihiganti ko,' sa isip ni Evo saka ibinalik ang phone ni Tamara sa kinalalagyan nito at pagkatapos ay tinungo niya ang pinto ng banyo.

Narinig ni Tamara ang tatlong katok kaya agad siyang lumapit si pinto, "Evo?"

"Nandito na ang pinabili mong napkin," sagot ni Evo.

"Ilagay mo na lang muna sa side table ng kama saka lumabas ka na," utos ni Tamara.

"Bakit 'di mo na lang tanggapin mula sa akin?" tanong ni Evo.

"H-hindi pwede!" saad ni Tamara.

"Natatakot ka na baka matukso kang hilahin ako papasok ng banyo?" panukso ni Evo.

"Hell no! My menstruation ako, remember?" napabulyaw si Tamara.

"So ibig sabihin, kung wala kang menstruation, maaaring hilahin mo ako papasok ng banyo?" patuloy na panunukso ni Evo.

"Lumabas ka na nga!" muling bulyaw ni Tamara.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Evo pero napahawak siya sa kanyang mga pisngi dahil ramdam niya ang pag-init ng mga ito. Hindi niya maipagkailang napaka-seksi ng mahinang tawa ni Evo.

'Diyos ko! Sana mahanap na ng mga tauhan ni Evo si Shawn bago ako matuksong ibigay sa kanya ang pagkababae ko,' taimtim na dasal ni Tamara.

The CEO's Temporary BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon