KABANATA 35

145 15 24
                                    

[CHAPTER 35:]

'Third Person's P.O.V'

Kadarating palang niya ng bar at tinawagan narin niya ang tatlo niyang kaibigan para sumunod sa kaniya. He needs to be waisted, he needs to get waisted.

"Man kadarating mo lang kaninang umaga dito sa manila galing probinsiya at ngayon ay nag-aya ka na agad ng inuman?" nakangising tanong ni Caleb sa kaniya ng dumating ang mga ito.

Hindi niya sinagot ito bagkus ay kinuha niya ang basong may lamang alak at ininom iyon.

"Mayroong problema ang kaibigan natin." mahinang usal ni Nico. Natawa si Jacob.

"Kailan ka pa naging manghuhula bro?" nakangising tanong nito. Matalim siyang tinignan ni Nico.

"Hindi yan mag-aaya ng inuman dito sa bar kung wala yang problema." matalim ang mga matang sabi ni Nico kay Jacob.

Sabay na nagkatinginan si Caleb at Jacob na para bang nakuha nila ang ibig sabihin ni Nico.

"Have a problem?" tanong ni Jacob kay Elias at umupo sa tabi nito.

Matamlay na ngumisi si Elias, "A big problem man."

"Care to share?" aniya ni Nico.

"Love is sick and fool." natatawang sagot ni Elias, at ininom ang natitirang alak sa kaniyang baso. "Jacob did you also feel love as sick and fool?"

Natigilan si Jacob sa tanong ng kaibigan, nagkatinginan silang tatlo na para bang alam na nila ang problema ni Elias.

"Yeah." sagot ni Jacob na ikinatingin sa kaniya ni Elias, "I feel it too, but it is part of it. It's part of love to feel you that way. Pinili mong magmahal dapat ay handa ka ring masaktan."

Ilang sandali ang namutawing katahimikan sa kanilang magkakaibigan, kahit pa na sobrang ingay sa loob ng bar.

"Tsk, kung puro lang pala sa chezzyness sa pag-ibig ang pinag-uusapan niyo dito, doon nalang ako sa dance floor at maghahanap ng-." bago pa siya matapos na magsalita, sinipa na siya ni Nico sa paa at matalim na tinignan. "What iritang tanong ni Caleb sa kaibigan.

"Stay here." walang buhay na sabi ni Nico at tinignan si Elias. Para itong binagsakan ng langit at lupa sa itsura nito ngayon.

"Ano ba kasi ang nangyari?" paguusisa ni Nico kay Elias.

"I broke her, I leave her. I broke my promise with her." puno ng hinanakit na sabi ni Elias, "Ako yong nang-iwan pero ako yong nasasaktan."

Natigilan ang tatlo ng makitang may butil ng luha ang pumatak galing sa mga mata ni Elias.

"Man umiiyak ka ba?" natatawang tanong ni Caleb sa kaniya, mabilis na umiwas ng tingin si Elias sa mga tingin ng kaibigan.

"Of course not." aniya, ngunit kahit sinabi nito na hindi ay alam ng mga kaibigan niya na oo, umiiyak nga ito.

Nagulat sila ng biglang bumagsak si Elias sa sahig at sapo sapo nito ang gilid ng labi na ngayon ay may bahid na ng dugo, napatingin sila sa taong may gawa no'n kay Elias.

Nagulat sila ng makita kung sino ang taong sumuntok kay Elias.

"Liam bakit mo yon ginawa?" galit na tanong ni Jacob.

"Dapat lang yan sa kaniya." mas galit si Liam, galit na galit ang mga mata nito habang nakatingin kay Elias na nagtatakang nakatingin sa kaniya habang hawak ang gilid ng labi. Akmang susugod ulit si Liam ng pigilan na siya ni Nico at ni Caleb. Nagpumiglas si Liam sa pagkakahawak ng dalawa sa kaniya, "Walang hiya ka Ramirez, hinayaan kitang ligawan at mahalin si Rj pero anong ginawa mong gago ka? Sinaktan mo siya. Sinaktan mo lang siya."

You Are My Destiny  (PUBLISHED UNDER CLP)|✔Where stories live. Discover now