Kanina pa siya nagrereklamo dahil talaga namang makati ang mga damo lalo na tumutusok ito sa mga balat namin.

Ilang minuto na rin kaming naglalakad pero parang nagpapaikot-ikot lang kami dahil pare-parehas lang naman ang bumubungad sa amin.

Ang walang katapusang damuhan.

Kung babalik kami ay imposible dahil makailang liko din ang ginawa namin kaya wala kaming magagawa kundi magpatuloy.

Marahas kong hinampas ang damo na tumusok sa bibig ko dahilan para maibuga ko ito.

"Pwe!"

Panay ang hampas ni Mason sa mga kawawang damo na parang isa itong mga kalaban. Nagmumukha tuloy siyang ewan sa ginagawa niya.

Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kaniya ay tumigil siya sa ginagawa. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa kaniyang bewang.

"This is nonsense, El. Paano natin mahahanap si Tinley kung nasa ganito tayong sitwasyon? We need to find another way."

Napakamot ako sa ulo at tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

"I know."

Pinagkrus ko ang mga braso ko habang nag-iisip. Inikot ko ang paningin ko sa paligid, nagbabakasakaling may mahanap na kung ano na puwedeng makatulong sa amin.

"May naisip ako."

Napakunot-noo si Mason dahil sa sinabi ko pero wala naman siyang sinabi. Inaabangan niya lang ang susunod kong sasabihin.

"Come here."

Lumapit siya sa akin kahit na wala siyang ideya sa sinasabi ko.

"Upo ka."

Sinunod naman niya ang sinabi ko at nang makaupo siya ay pumunta ako sa likuran niya. Lumingon naman siya sa akin na nagtataka kung anong ginagawa ko.

"Teka, anong gagawin mo?"

Hinawakan ko ang balikat niya at sumakay doon. Tinapik ko ang braso niya. "Tayo ka."

"Ha? Oh... I see. Okay, wait, tantiyahin ko muna bigat mo."

Dahan-dahan siyang tumayo habang nakasakay ako sa likod niya. Mukhang tinatantiya nga niya ang bigat ko dahil ilang beses siyang pumorma para ayusin ang tayo niya.

"Talino mo do'n ah."

"Thanks." Komento ko sa sinabi niya.

Pagkaangat ko ay wala akong makitang ni isang bahay o establisy---teka, may nakikita ako!

Pero hindi ko makita ng maayos dahil may kalayuan ito mula sa amin. Kung mas mataas pa sana ako ay baka makita ko pa ito.

"Mason, may nakita akong kung ano ro'n. Aapak ako sa balikat mo para makita ko siya ng maayos. Ayos lang ba 'yon?"

Tiningnan niya ako na parang nababaliw na ako. Umiling siya ng maraming beses at tinalikuran ako.

"Nope. No, no, no."

Paulit-ulit niyang sambit habang nakatalikod pa rin sa akin.

"Oh, come on, Mase! Naalala mo nung cheerleading? Flyer ako at lifter ka! Alam nating pareho na magagawa natin 'yun kaya sige na! 'Wag ka nang OA diyan!"

Nakipagtitigan pa sa akin si Maosn ng ilang segundo bago sumigaw sa inis pero pumayag din sa huli.

"Fine! 'Wag mo kong sisihin 'pag naihulog kita ng aksidente!"

Hindi ko na siya sinagot at sinenyasang umupo at maghanda.

Pumunta ulit ako sa likuran niya at hinawakan ang balikat niya. Alam kong matagal na simula nung nag-cheerleading kami pero confident naman ako na magagawa kong umapak sa balikat ni Mason.

Monsterland (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon