"Jed, handa na ang tanghalian." aya ko sa kanya saka ko kinuha si Jazsmine.

Napalunok ako ng makita ko siya ng malapitan, na topless! Nakakaakit ang nangingintab na katawan nito sa tama ng sikat ng araw, hindi ko makurap ang mg mata ko ng mapasadahan ang naghuhumiyaw na abs niya pati na rin ang putok niyang braso.

Gosh. Bakit ang init ngayon. Sobra!

Kita ko rin si Jake, Dan at Jairus na kanya-kanyang parada din ng katawan nila. Para silang apat na mga Greek Gods na inihulog ng langit para magkasala ang mga babae. Ang hot lalo tignan na may karay-karay silang mga bata. Nakakaloka. Hindi mo aakalaing may mga kanya-kanya na silang mga pamilya.

"Mom, alam mo ba pinag titinginan si daddy ng mga girls. Ayun sila oh!" hinatak ni Jazs sabay itinuro yung kinalulugaran ng umpok na mga dalagita na parang mga hito kung kiligin.

Magaling anak, sige i-sumbong mo sa akin ang ama mo. Bigla ang paniningkit ko ng mga mata ko habang si Jed naman ay walang pakialam habang ipinaparada niya ang katawan niya sa madla.

"Baby doll, hanggang tingin lang naman sila kay daddy. Your mom would always be the sexiest." aba't binilog pa niya ang ulo ng anak niya. Malandi!

"Jazs alika na, iwan na muna natin si daddy baka busy pa siyang mag parking dito." asar kong sabi bago ko hinila palayo si Jazs.

Buwisit ka Lopez. Ma-heat stroke ka sana!

"Baby! Cassie!" dinig ko ang sigaw ni Jed pero kiber, bahala na siya sa buhay niyang bwisit siya akala mo namang ang guwapo-guwapo. Okay, sige guwapo na talaga siya pero makatarungan bang ipakita ba niya ang katawan niya sa iba na dapat ay sa para sa mga mata ko lang?

Humahangos kaming nakarating ni Jazs sa cottage habang takang-taka si Amanda sa hitsura ko.

"O bakit para kang sumali sa Amazing Race?" humaba lang ang nguso ko sa inis habang nililinisan si Jazs.

"Mommy is mad because there are girls who's looking at daddy's body Tita Maddie," psh. Ang daldal mo talaga anak.

Narinig ko ang nakakalunod na tawa ni Mira at Amanda. Lalo tuloy akong naburyong.

"My gosh! Sakit ng tiyan ko don ha, Cass. I mean, insecure ka sa mga dalagitang iyon? It's so not like you." pigil pa rin ang tawa na asar sa akin ni Mira.

Sa pikon ko hindi ko na napigilan ang bibig ko ng,

"So sorry girls masiyado lang siguro akong observant, and besides hindi lang namn si Jed ang tinitignan nilang katawan. Pati si Jake, si Dan at si Jairus." isa-isa kong sinabi ang mga pangalan ng mga asawa nila saka sila tumahimik bilga at sabay-sabay na tumingin sa pampang.

"You're dead, dela Vega," rinig ko pa ang pagtatagis ng ngipin ni Mira habang nakikita si Dan na nakikipag tawanan sa ilang babae.

Samantalang si Freya nakikita kong pinapatay na niya si Jairus gamit ang matalim na pagtitig nito at si Amanda? Nanlalaki na ang butas ng ilong at feeling ko mukha na siyang steamer na magbubuga ng usok anytime.

"See? Sino ang insecure aber?" nakapamaywang ko pang tanong sa kanila, kita ko pa si Jazsmine na ginaya ang ginawa ko until a bright idea pop out in my mind.

Why not?

"Uhm. Ladies, I have a suggestion." tinaaas baba ko pa ang kilay ko sa nakikini-kinita kong spectacular idea na naiisip ko.

"Perfect!" napapalakpak pa ako ng sipatin ko ang sarili ko sa salamin. I'm wearing my two piece red bikini that hugs perfectly on my body. While Mira wore a white tube top bikini and Amanda have her black halter top bikini, hindi na nakisali si Freya sa amin dahil maumbok na ang tiyan niya pero gagawan namin ng paraan para maiganti siya kay Jairus.

"Akala ng mga lalaking iyan sila lang ha!" maanghang ang naging pahayag ni Amanda sa harap ng salamin.

"Yeah. Let's see kung sino ang uuwing luhaan?" may ngiting wagi na si Mira.

I made this idea. Hindi porket may mga anak na kami kaya na nilang tumingin anumang oras sa iba na mas bata, na mas fresh. Duh. Hindi sa pagmamayabang, even we had gave birth we still has the body to die for. I'm once a freaking model before. Hindi na maiaalis sa akin iyon so beat that Jed.

Tinungo na namin ang beach, akay-akay namin si Freya at Jazs at wala pang ilang minuto nakaka draw na kami ng atensyon, may ilan pang sumisipol sa pag daan namin. Dire-diretso lang kami hanggang sa puwesto na gusto namin, yung sakto lang na makikita kami ng mga malalanding mga lalaking iyon. Inayos namin ang latag sa buhangin saka umupo. Masarap din pala ang bumalik sa ganito, nakita ko ang pag higa ni Amanda patihaya habang sinasalo ng maputi niyang katawan ang init ng araw. Ako naman humiga akong padapa saka hinayaang sunugin ng araw ang balat ko.

"Hi. You're Cassiedy right?" isang binata ang lumapit sa amin.

"Yeah," nginitian ko siya ng ubod ng tamis.

"I-I'm Paulo," pinunasan pa muna nito ang palad sa board shorts bago inilahad sa akin. Tiinanggap ko naman ang kamay niya para magpatulong na tumayo sa kanya.

"Nice to meet you, Paulo," nakita ko pang nag blush ang pisngi ng binatilyong ito.

"My friends are over there." tinuro nito ang kumpol ng mga binatang lalaki di malayo sa amin, "Want to join us?"

"Actually..."

"Actually she's not interested boy." mahigpit ang ginawang pag hapit ni Jed sa baywang ko. Ipinakita talaga nito kay Paulo ang pag angkin sa akin sa paraan niya ng paghawak.

Nakalapit na rin sila Dan, Jake at Jairus sa amin at pinalibutan si Paulo na parang basang sisiw na sa takot sa kanila. Inutusan ko na itong umalis bago pa magdilim ang mukha ni Jed at kung anu pang magawa nito.

"What are you all doing?" madilim ang mukha nito na sabi.

"What? Were having fun, Jed."

"Wearing only that piece of shit?" maanghang ang salita na pinakawalan nito.

"Jed, were on the beach. What were we supposed to wear? Gown?" pabalang ko siyang sinagot.

Nahilamos ni Jed ang dalawang palad niya sa mukha, kita ang inis nito na tumitig muli sa akin.

"You're drawing attention to people, Cassiedy. Hindi mo ba nakikita kung paano ka nila hubaran sa mga tingin nila!" napamaang ako sa ginawang pag sigaw ni Jed sa harap ng mga kaibigan namin.

Huminga ako ng dalawang beses bago ko siya sinagot.

"Jed, wala akong ginagawang masama. At kung ganon man ang paraan ng pagtitig nila sa akin hindi ko na kasalanan iyon. Bakit ka ba nang gagalaiti diyan? Why not go to those girls there and make them drool on you!" hindi ko na napigilan hindi ipagsigawan ang inis na kanina ko pa pinipigilan.

"So that's it Cassie? You want to compete? Then you win. Kita mo naman kung paano nila hangaan ang katawan mo. Just like a slut in a bar—"

Jed didn't let him finished what he was about to say ng lumipad na ang palad ko sa mukha niya. Nagiinit ang mukha ko sa sobrang galit at sa sobrang liit ng tingin ko sa sarili ko. I can't believe what he's thinking about me.

I can't believe that he hurt me.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

A/N

O ayan napala mo Marco. Gusto ikaw lang ang mag landi? Aba'y di pwede iyon. #GirlPower

Ms.Therapeutic*

Medical Batchelor Series 3: A Love to Last Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon