Nanginginig na naman ang mga kamay ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at halo-halo talaga ang emosyon na nararamdaman ko sa kasalukuyan.

Nanginginig akong nagpunta sa FB app. Pag refresh palang ng feed ko ay bumungad agad saakin ang screenshot namin ni Roks.

Maswerte ng sobrang blur ang video kaya hindi maaninag ang mukha namin pero nakakahiya pa rin dahil alam ko sa sarili ko--namin na kami talaga 'yun.

Ni hindi ko ginusto na videohin ang ginagawa namin. Wala akong ideya kung bakit lumabas ang ganito?

Yumukom ang kamao ko nang makita ko ang katakot-takot na pambabastos saamin. Pinagkakatuwaan, kinukutya at mga pang sesermon mula sa mga netizen.

Mas umagaw pa pansin ko ang mga komentong "pasend" "pabulong" at "penge link"

P-tangina, nakakadiri!

Naninikip ang didbib ko. Nagiinit ang pakiramdam ko kaya naman akmang kong ibabato ko ang phone ko. Mabutin nalang ay nakita ko ang litrato namin ni Roks na nakadikit sa pader. Nagkaroon ako ng ideya sa kung anong gagawin ko.

Nagtiim ang bagang ko. Saaming dalawa siya ang mas malinaw ang isipan no'n. Wala na akong malala pero siya meron. Idagdag pa na siya ang mahilig imonitor ang galaw ko.

Ayoko siya paghinalaan pero ang laht ng ibedensya na nasa isipan ko ay siya ang itinuturo.

Possible kaya na siya ang may pakana nito? Siya ang kumuha ng video para ikalat?

Ngunit kung gagawin niya nga 'yun. Anong dahilan niya? Saka hindi lang naman ang reputasyon ko ang masisira pati na rin siya.

"P-tangina!" gigil na sambit ko at mabilis na dinial ang phone number niya.

Naguguluhan na ko at kailangan kong malinawan. Ayoko munang manisi lalo na kung wala akong matibay na ebidensya.

Pero sa ngayon siya ang person of interest. Naalala ko na naman ang relong regalo niya saakin na isa pang gps device. Napapanood at na t-trace niya ang lahat ng galaw ko at sa kung nasaan ako.

"Roks, ano ba sumagot ka naman," nanggagalaiting kong sambit. Nakailangan subok na ako pero  out of coverage kaya hindi ko napigilang ibato ang telepono ko sa sobrang inis. Galit ang nararamdaman ko.

Galit na galit.

May sari-saring boses na nagsasalita sa isipan ko na nabasa ko sa comment section at mga post patungkol sa scandal namin.

"Pasend"
"Wow chix"
"Sarap mo naman, Miss"
"J-coline mo rin ako, Ate."
"Hahaha, kadiri kayo bakit niyo pa kasi vinivideohan! 'Yan tuloy kumalat! Ang lalaswa niyo."
"Pokpok 'yung babae!"
"Ate flat!"
"Daks!"
"Syet wawasakin din kita!"

"Ahhhh!" tinakpan ko ang mukha ko ng unan para hindi marinig ang pagsigaw ko.

Patuloy ako sa pagsigaw. Sabi ng doctor ko kung galit ako mas mabuting isigaw ko ngunit dapat inaalalayan ko ang aksyon ko dahil sa huli magsisi ako lalo pa't posibleng ang mga nasa paligid ko; ang pamillya ko. Ang siyang maapektuhan.

Nang makaramdam ako ng pagod sa pagsigaw ay unti-unti na akong kumalma kaya naman huminga nalang ako ng malalim at pilit na nirerelax ang sarili.

"Hoy panget." napabalikwas ako nang biglang bumukas ang pintuan.

Takte, hindi ko pala nalock.

Tinignan ko ang pumasok si Roi Gin lang pala. May dala-dala itong supot at iniabot saakin.

"Ano 'to?" tanong ko.

"Siomai ni Aling Gloria. Sabi mo gusto mo n'yan." nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya dahil wala naman akong naalalang sinabi ko sakaniya na gusto kong kumain siomai.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon