Ikalawang Kabanata

Start from the beginning
                                    

"Naalala mo ba ang kinuwento sa'yo ni Isabella?" Tanong niya at humarap na sa'kin, "Oo, tungkol sa pamilya niyo at ng kambal na anak mo" ngumiti naman siya at tumango, "Tama ka, at pati na rin sa sumpa hindi ba?" Nagulat ako ng maalala ang sinabi ni Lola tungkol sa sumpa. Sinasabi ko na nga ba! Totoo yun eh kaya pala ganun na lang ang paninindig ng balahibo ko nang mag kuwento si Lola Ising!

"O-oo" sagot ko sakanya, "Hindi naman isang sumpa 'yon, Ang totoo ay isa iyong misyon. Pakiusap, tulungan mo ako." Pakiusap niya at bakas sa mukha nito ang lungkot at pagmamakaawa, "A-ano ba ang misyon na 'yon?"

"A-alamin mo kung totoong namatay ang mga anak ko, Alam kong hindi namatay si Celestia ngunit si Crisanto.. Hindi ako sigurado at kailangan mo silang pagtagpuin. Ang matagpuan at makilala nila ang isa't isa ay ang pinaka misyon mo."

"P-pero paano kung hindi ko sila makita?" Tanong ko sakanya, "Kung patay na nga si Crisanto ay hindi ka na makakabalik sa panahon mo dahil ang tanging paraan upang makabalik ka ay ang pagtagpuin silang dalawa. Pasensiya na talaga binibining Azalea, kung nadawit ka sa aking problema." sagot niya, napayuko ako. Hindi ko alam ang gagawin at paano kung patay na si Crisanto? Paano na'ko makakauwi? Tumingin ako kay Anastasia ngunit nagulat ako nang makitang wala na siya. "A-anastasia?" Tumingin ako sa paligid kahit pa wala akong ibang makita, "ANASTASIA!" Sigaw ko at unti unti nang nakakaramdam ng takot dahil sa mga nalaman at dahil na din takot ako sa dilim at walang kasama, pilit kong tinitingnan ang aking kamay dahil sa oras na wala akong makita maliban sa itim ay aatakihin ako ng sobrang takot, takot na maaring makapatay sa akin. "ANASTASIA!!" Sigaw ko ulit, nang makaramdam ako ng malakas puwersang humihila sa'kin pababa at biglang.

Napabalikwas ako ng bangon at nakita kong nasa isang magandang silid na ako, malaki ito at nanunuot sa aking ilong ang mabangong amoy, maganda din ang disenyo nito. Inikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid at marami akong nakitang mga medalya, sertipiko, at marami pang iba. May mga pistol din, revolver at marami pang kagamitang pandigma. Tumayo ako papunta sa salamin at bigla namang pumasok si alperes. "Gising ka na pala binibini" sabi niya habang nakatingin sa sahig at namumula. "Nasaan ako?" Tanong ko sakanya at umupo ulit sa kama. "Narito ka sa aking tahanan at.. ito ang silid ko" sagot niya habang nakatingin parin sa sahig, "m-maaari mo bang takpan ang iyong binti? Hindi magandang magsuot ng ganyang uri ng damit ang isang binibini " sinunod ko nalang ang sinabi niya at tinakpan ng kumot ang hita ko hanggang talampakan.

"Nasaan ang bag ko?" Tanong ko sakanya at saka niya lang ako tiningnan. "Ang mga 'yon? Kinuha ng Gobernador Heneral" Tanong niya, nakatayo parin siya ngayon sa tabi ng pinto. "Kakaiba ang mga 'yon saan mo nabili yun?" Tanong niya.

"Sa mall" simpleng sagot ko. Kumunot naman ang noo nito. "Umm, may damit ka bang puwede kong masuot?" Tanong ko sakanya. "Paumanhin binibini ngunit wala akong damit na pambabae dito, dahil mga lala-" d ko na siya pinatapos, "Kahit anong damit sinusuot ko" Sansala ko sa mga sasabihin niya.

"Ito ang mga damit na hindi ko pa nagagamit ngunit panlalaki ang mga ito, sigurado ka-"

"Shhh, ayos na yan" sansala ko ulit sakanya at tiningnan ang mga damit na binigay niya. Ok na'to atleast may maisusuot. "Oh? May balak ka bang panoorin ako habang nagbibihis?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"P-pasensiya na binibini" at dali dali siyang umalis habang namumula ang buong mukha. Natawa nalang ako dahil sa kinikilos niya. Ang cute, Wait what?!

Isang puting kamiso at polo shirt ang binigay nito at sinuot ko na ang kamiso pero hindi ang polo, tinali ko din ang buhok ko at nag suot ng sapatos saka lumabas sa kuwarto.

Habang naglalakad ako papalapit sa hagdan ay may narinig akong nag uusap base sa boses ay mga lalaki ito.

"Kailan ba ang alis mo pabalik sa Europa?" Tanong ni Samuel sa kaibigan niyang si Juan.

Searching For The Montega's Twin Heirs Where stories live. Discover now