"Hindi pa naman ako aalis, sa sabado pa ang alis." aniya sa mababang tono at hinahaplos haplos ang buhok ko.

"Ilang araw ka doon?"

"3 to 5 days Rina. Don't worry I will always call you, palagi kitang tatawagan." aniya, tumingin ako sa mata niya at tinitigan itong mabuti. "Let's enjoy this moment Rina, pakiramdam ko ay isang dekada akong mawawala."

Mahina akong natawa sa sinabi niya, "Anong dekada? Hindi ba't tatlo hanggang limang araw ka lang mawawala?"

"Yes, but for me it was decade." napailing nalang ako sa sagot niya at bumangon.

Napailing nalang din ako at natawa, "Halika na nga."

"Where?"

"Enjoyin natin ang araw na magkasama tayo." pagkasabi ko no'n ay tumayo ako at hinila rin siya patayo, nagpabigat siya kaya hindi ko siya mahila. "Elias."

"Bahala ka, hilain mo ako." anito ng nanunudyo na tono.

"Sisipain kita hanggang sa magpagulong gulong ka dito sa damuhan o tatayo ka." banta ko, ito na mismo ang tumayo ng sabihin ko yon. Malakas akong natawa sa naging reaksyon nito.

"Let's go Rina." aya niya at ito mismo ang nanghila sa akin.

"Why did you brought me here?" naiinis na tanong nito sa akin, nagmamaktol.

"Tsk, bakit may problema?"

"Yes, sobrang laki ng problema. Huwag mong sabihing dito tayo bibili ng pagkain? What if madumi ang pagkain nila dito-?" bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay mabilis ko ng tinakpan ang bibig niya dahil ang ilang tao ay nakatingin na sa amin.

Matalim ko siyang tinignan bago tanggalin ang kamay na pinagtakip ko sa bibig niya. "What?" inis niyang tanong.

"Malinis at masarap ang tinda nila." maikling sagot ko at humarap sa nagtitinda ng isaw, dugo at iba pang tinda dito sa ihawan.

"I don't like here Rina. Please I don't like here." pag-iinarte niya. Gusto kong matawa sa kabila ng itsura niya na para bang gusto na niyang umiyak. Para siyang bata na nagtatantrums.

Hindi ko pinansin ang pagiinarte niya, para narin tumigil siya kakangawa ipinulupot ko ang braso ko sa braso niya na ikinatahimik niya.

"Elias sige na, tikman mo lang kung ayaw mo talaga edi don't. Ako nalang ang kakain, pero kahit kaunti tikman mo lang." pageencourage ko sa kaniya, pareho na kami ngayong nakaupo at magkaharap habang ako ay kumakain ng inihaw na pinamili namin.

Umiling siya, "No, ayaw ko." aniya, at pinagkrus ang braso sa kaniyang dibdib.

"Sige na." pagkukulit ko at at itinapat sa bibig niya ang isaw, napangiwi siya bago umiwas at umiling. "May isang halik ka mamaya sa akin.

"Ayaw ko." sagot niya pero dahan dahan niya ring ibinuka ang bibig niya. Mahina akong natawa, ng nguyain niya ang isinubo ko sa kaniyan.

"Ano okay ba? Masarap ba?" sunod sunod kong tanong. Hindi kaagad siya sumagot.

"Pahingi pa." natatawang napailing ako sa sinabi niya at binigyan siya ng pagkain. Hanggang sa halos siya narin ang makaubos sa binili namin.

"Ayaw pala ha, ganyan na pala ngayon ang salitang ayaw." sarkastiko kong sabi sa kaniya.

"Akala ko ay hindi masarap, kabaliktaran pala." anito, uminom sa palamig na nakalagay na sa baso.

Ilang saglit pa kaming nanatili doon habang nagpapababa ng kinain. Hanggang sa mapagdesisyonan naming maglakad lakad sa park.

May mga bata ang naglalaro, may pamilya ring nagpipicnic hindi naman ganoon kainit kaya hindi rin yon problema. Magkahawak ang kamay namin ni Elias habang naglalakad.

You Are My Destiny  (PUBLISHED UNDER CLP)|✔Where stories live. Discover now