Chapter 61

1K 54 13
                                    

Nakasimagot kong tinitigan ang dash board ng sasakyan ni Deive.

Isang linggo na simula ng makalabas ako sa ospital at isang linggo ko na ring palihim na kinikita si Deive.

Daig pa namin ang mag shotang takot mahuli ng magulang. Tsk!

"Boo!"

"Ay spaghetti! B-bakit ka ba nanggugulat?!" Gulat na sigaw ko. Pucha muntik ko na siyang masuntok sa gulat.

Gulatin mo ba naman ang tulala?

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa malakas na halakhak niya.

"Seriously, pagkain pa rin ang nasa isip mo?" Tatawa tawa pa rin niyang aniya.

Sinamaan ko siya lalo ng tingin.

"Eh sa gutom ako, ba't ba?" Angil ko at kinalikot ang kuko.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng sasakyan niya. Nakaparada ito ilang blocks ang layo sa bahay namin. Ganito palagi ang set up namin.

Tatawag siya sa akin bago mag ala sinco ng hapon at kakatagpuin ko siya rito.

Mabuti na lang at hindi pa naghihinala sina kuya. Kagaya ngayon na delikado pa rin ang buhay ko dahil sa mga kaaway nila na hindi ko naman kilala.

"Gutom na naman ang baby ko." Mabilis pa sa alas kuwatro akong napalingon sa kanya.

"Baby ka diyan, hindi mo'ko anak 'no."

Muli lamang siyang tumawa bago buksan ang makina ng sasakyan at paandarin.

Ngunot noo ko siyang tiningnan. Mukhang napansin naman niya na nakatingin ako sa kanya.

"Grocery store."

Napa 'oh' na lang ako. Wala sa sarili akong napangiti. Mukhang uuwi na naman akong maligaya nito.

Saka first time niya ring magyaya na mag grocery. Sa loob kasi ng isang  linggo naming lihim na pagkikita, madalas ay sa 7/11 o kaya sa café kami bumibili ng pagkain.
 
Sure naman ako na siya ang magbabayad.

Alangan namang ako? Edi nabawasan kaastigan ko?

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa isang mall?

"Hoy, bakit andito tayo?" Tanong ko kay Deive at nanatiling nakatingin sa bintana ng kotse niya. Pinark niya ang kotse sa parking at pinatay ang makina."Akala ko ba grocery store lang? Bakit mall 'to?"

"Bakit? Ayaw mo ba?" Taas kilay na tanong niya.

"Baka nakakalimutan mong may mga kalaban pa diyan sa tabi tabi? Baka mamaya kidnapin na naman ako."

Next time sila naman kikidnapin ko.

"Tss, as if naman na makukuha ka nila sakin? Dadaan muna sila sa bangkay ko bago ka nila makuha."

Nag iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

Ang tunay na astig, hindi kinikilig.

"Tara na nga. Daming sinasabi." Tanging nasabi ko at bumaba.

Medyo na-concious naman ako sa suot ko. Naka hoodie ako at naka pajamas. Halatang tambay ako sa bahay.

"Let's go."

Sumunod naman ako sa kanya sa paglalakad kaya napamaang na lang ako ng sabayan niya ang lakad ko at pagsalikupin ang kamay naman.

Dinaig ko pa ang nakipaghabulan sa kabayo sa bilis ng tibok ng puso ko.

Madilim na at marami pa ring tao na gumagala sa loob ng mall.

At dahil pinagpala ang kasama ko, karamihan sa mga nakakasalubong namin ay napapatitig sa kanya.

Halos karamihan sa kanila ay mga babae na halos magkanda babali na ang leeg sa paglingon sa kasama ko.

Mainggit kayo.

"Hoy pinagtitinginan ka oh."

"Don't mind them. First time lang siguro nilang makakita ng gwapo."

Hangin.

"Hooo! May bagyo ba? Bakit biglang humangin?" Exaggerated na ani ko.

"I'm just stating the fact." Naka ngising sagot naman niya.

"Eym jas steting de pak!" Pangagaya ko. At binalingan ang ilang kakababaihan na ginagahasa na si Deive sa kanilang isipan.

Inirapan ko sila at agad na bumaling kay Deive.

Na sana ay hindi ko na lamang ginawa dahil ilang segundo lang ay may malambot na bagay ang dumikit sa labi ko. Na masasabing labi iyon ni Deive.

Dinig ko ang ilang singhapan ng mga babae sa paligid.

Agad naman akong nakabawi sa gulat at agad na itinulak si Deive na malawak ang ngisi.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Gago."

Tumawa lang siya at hinila ako papasok sa grocery store.

TBC.....

Please don't forget to vote and comment💖

————————————————————————————————————————————————————————————

Ten Votes and Ten Comments, ud ako HSHSHAAHA para naman ganahan ako mag ud.

BNDASD: The Painful Secrets [Part II] On GoingWhere stories live. Discover now