Nauna siyang pumasok, nakita niya si Samantha saka ang nanay nito na nagyakapan sa sala, nang makita naman siya ni Samantha ay agad siya nitong tiningnan, tingin ng nagpapasalamat.

"Ahm, I hate to disturb you but...gusto ko sana makausap si Samantha." ani niya pa, tumango naman si Mrs.Cazarza saka ngumiti muna kay Samantha bago tumayo,

"Magbabanyo lang ako," paalam nito, tumango naman silang pareho saka nila sinundan ng tingin si Mrs. Cazarza na pumunta sa banyo,

Lumapit na si Edgar kay Samantha saka tumabi ng upo dito, hinawakan niya agad ang kamay ni Samantha saka niya ito nginitian.

"I'm glad you're doing great with your mom," emosyonal na sabi niya kay Samantha na marahang tumango at saka nag-angat ng tingin sa kaniya kasabay ng matamis na ngiti,

"Salamat" tanging sabi nito, napangiti naman siya saka agad na hinila palapit si Samantha at niyakap ito,

"Uuwi na ba you?" tanong ni Samantha sa kaniya, mapait siyang napangiti saka siya marahan na kumawala sa yakap nila,

Hinarap niya si Samantha saka siya nagbaba ng tingin sa mga kamay na hawak niya pareho.

"I have to. Your mom will stay with you, I'll just send someone to buy her clothes and other necessities" paliwanag niya, tumango naman si Samantha saka tumango,

"I understand" ani ni Samantha,

"Take care of yourself, I'll be back after two weeks." ani niya kay Samantha na tumango ulit,

"dapat lang," ani ni Samantha, tumango siya kay Samantha saka hinaplos ang magkabilang pisngi,

"About the dou race competition..." panimula ni Samantha, "go pa rin ba tayo doon?" tanong ni Samantha,

"If you don't like to continue it, I can do something about it,"

"No, hindi naman sa ayaw ko...baka nakadagdag lang kasi sa mga need mong alalahanin,"

"It's fine, I'll handle everything and end it for two weeks, I made a promise." ani niya pa,

"Anyways, about that fake cook...are you gonna interrogate her ba?" tanong ni Samantha sa kaniya, umiling naman siya saka tumingin ng seryoso kay Samantha,

"I can't do that, it will only prove Livian that I sent you here, that will be dangerous" paliwanag niya pa, "But Bruno and Peter will take care of it," dadag niya, ngumiti  si Samantha saka yumakap sa kaniya,

Yumakap din siya pabalik kay Samantha, and that hug made Edgar feel at ease, pakiramdam niya ay nakapagpahinga na siya matapos ang nakakapagod na mga gawain na ginawa niya sa loob ng ilang araw,

"Excuse me...but we have to go, Edgar." rinig nilang sabi ni Peter, marahan siiyang kumalas sa yakap nila saka siya napatitig kay Samantha na siyang tumitig din sa kaniya,

It's too painful for him to leave Samantha even just for two weeks, ang gusto niya ay makasama niya si Samantha sa araw-araw ngunit dahil kay Livian at sa mga Salvador ay kailangan niyang itago ito para protektahan,

Muli niyang hinila si Samantha saka niya ito niyakap ng mahigpiti, ramdam niya na din ang mahigpit na yakap ni Samantha sa kaniya at sa oras na iyon ay gusto niyang ganoon lang sila palagi.

Nang kumalas na siya sa yakap ni Samantha ay deretso siyang tumayo at naglakad palabas ng bahay.

Hindi niya na makakaya pang manatili doon at baka gustohin niyang doon na lang siya hanggang bukas. Narinig niya ang isang chopper mula sa kalayoan, alam niyang si Felix na iyon kaya naman ay bago siya tuloyang maglakad sa mga lugar na may ilaw ay inayos niya muna ang sarili para magkunwaring gwardya lang siya doon,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon