May kailangan akong bilhin sa tindahan para sa iluluto kong ulam kaya ang ginawa ko ay iniwan ko muna ang niluluto ko at lumabas ng bahay para bumili.

"Pabili nga po ng magic sarap." sabi ko ng makarating ako sa tindahan. Kaya iniabot ni Aling Esmeralda ang binibili ko.

"May ginagawa po ba si Elias?" tanong ko ng maibigay ko ang bayad.

"Hindi pa siya dumarating, may kakaiba nga doon sa batang yon. Gabi na kung umuwi umaabot ng alas diyes." nagulat ako sa sinabi ni Aling Esmeralda.

"Sabay po kaming umuwi ni Elias, paanong hindi pa po siya nakakauwi?" kunot ang noong tanong ko.

Napahilot sa kaniyang sentido si Aling Esmeralda, "Ewan ko ba doon sa batang yon. Baka may kalukuhang ginagawa na naman."

Nagpaalam na ako at umalis, nasaan ka naman kaya Elias? Nag-aalala ako para sa kaniya alas diyes ng gabi na siya kung umuwi.

Pagkauwi ko ng bahay ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya. Halos matapos na ang ring ng sagutin nito ang tawag.

"Hello Rina?" bungad nito.

"Hello, nasaan ka Elias nakauwi kana ba?" tanong ko sa kabilang linya.

"Yes, why? Nasa bahay na ako gumagawa ng assignment." bagsak ang balikat ko sa naging sagot niya. Sinungaling ka Elias!

"Okay sige, galingan mo." hindi ko alam kung naging tonong sarkastiko ba ang boses ko ng sabihin ko 'yon at pinatayan siya ng tawag.

May itinatago ka sa akin Elias at kung ano man yon malalaman ko rin 'yon. Hindi ako papayag na hindi ko malaman yon.

Kaya dahil sa pagtataka ko at curious ako ng sumunod na araw ay sinundan ko siya nagpanggap akong may pupuntahan at hindi makikisabay sa kaniya pauwi, hindi siya pumayag no'ng una pero pinilit ko siya.

Sana naman ay hindi kita mahuling may kahalikang babae Elias.

Kaya sumakay ako sa tricycle at pinasundan ang kotse niya. "Manong sundan po natin yong kotse, pakibilisan po." utos ko.

Dinala niya ang kotse niya ngayon dahil yon ang kasunduan namin, parang alternate magcocommute at sunod ay pwedi niyang dalhin ang kotse niya.

Tumigil siya sa isang maliit na coffee shop, ano naman ang gagawin mo dito Elias?

Nagbayad ako sa tricycle driver bago ako umalis. Nanatili pa ako ng ilang minuto sa labas bago napagdesisyonang pumasok sa loob.

Umupo ako sa gitna at gilid na pwesto para pwedi ko siyang makita, kinuha ko ang tinginan ng pweding bilhin sa mesa at yong ang ipinantabing sa mukha ko para kung sakali ay hindi niya ako makita ngunit nakasilip naman ang mga mata ko para makita siya.

Nagulat ako ng makitang lumabas siya sa isang pinto at suot na niya ang uniform na kagaya ng suot ng nagtratrabaho dito sa coffee shop. Teka? Nagtratrabaho siya dito bilang isang barista?

Nasagot lang yon ng makita kong nagtitimpla na siya ng kape at kung ano ano ang ginagawa niya na hindi ko alam kung ano ang tawag doon.

Nagtratrabaho siya? Diba mayaman naman siya? Bakit? Dahil gusto kong malaman ang dahilan nanatili ako ngunit sa labas na ako naghintay.

Mula sa labas kita ko kung paano siya magtrabaho dahil sa transparent ang salamin sa loob. Kaya kahit gutom at pumipikit pikit na ang mata ko kakahintay sa kaniya ay nagawa ko parin siyang hintayin mahigil apat o limang oras yata ako naghintay at sa wakas papalabas na siya sa coffee shop mabilis akong tumayo at mabilis rin niya akong napansin, nagulat siya ng makita ako.

"Kailan pa Elias?" seryosong tanong ko, "Kailan ka pa nagsimulang magtrabaho?"

"Rina what are you doing here? It's almost midnight." aniya at lumapit sa akin, halatang pagod siya.

"Wag mong ibahin ang usapan Elias." seryosong sabi ko.

Napabuntong hininga siya."Let's not talk about that here." aniya at inakay ako papalapit sa nakaparada niyang sasakyan.

Nang makapasok kami sa kotse ay tinitigan ko siya ng maigi, "Sagutin mo na ang tanong ko Elias."

"I started working last week." sagot niya.

"Nagsinungaling ka sa akin."

"Sorry, I need to do that. Dahil baka mag-alala ka." sagot niya.

"Talagang mag-aalala ako Elias, kita mo ang oras ng pag-uwi mo? Alas diyes na. Paano nalang ang sarili mo niyan?" nakaramdam ako ng inis, may sideline rin akong trabaho pero hindi gabi gabi yon.

"Hindi ko naman pinababayaan ang sarili ko Rina, calm down and don't worry. " pagpapanatag niya sa akin, umiling ako.

"Alam ba ito ng papa mo Elias? Hindi ba't ang sabi mo ay pinapadalhan ka niya ng pera sa pag-aaral mo? Pero bakit ano ito?" muli na namang tanong ko.

"He knows it, at ako mismo ang nagpatigil sa kaniya sa pagbibigay ng pera sa akin. I want to word hard to make a money gusto kong maging independent like you Rina." sagot niya, namalayan ko nalang na tumulo ang luha ko.

"Elias hindi mo naman kailangang gawin ito. Mag-kaiba tayo, sabihin na nating independent ako pero itong ginagawa mo? This is too much baka magkasakit ka o mapabayaan mo ang sarili mo." pagpapaintindi ko at hinawakan ang magkabila niyang pisngi gamit ang dalawa kong kamay, pinakatinitigan ko ang mga mata niya halata mo dito ang pakod at eye bags.

"Kaya ko naman Rina." mahina niyang sagot.

"Kaya mo, pero napapagod ka din Elias. Kung ganito palagi baka mapagod kana talaga ng tuluyan. Kung gusto mo talagang kumita ng pera maglaan ka ng araw para sa trabaho mo, hindi yong gabi gabi nalang, kagaya ng ginagawa ko estudyante ka parin Elias." mahinahong paliwanag ko. "At Elias pakiusap lang, huwag na huwag ka na ulit magsisinungaling sa akin."

"Sorry Rina, I won't lie to you again." aniya at niyakap ako.

"Mahal kita Elias kaya ako nag-aalala sayo kasi may pakialam rin ako sayo." sabi ko sa pagitan ng yakap namin.

"I love you too Rina in a way I can't explain." tugon niya ng maghiwalay kami, inilapit niya ang labi niya sa labi ko at hinayaan siyang sakupin ang labi ko ng mainit niyang halik.

Natigil kaming dalawa ng tumunog ang tiyan ko, "You're hungry Rina, hindi kapa ba kumakain?" tanong niya.

Tumango ako, "Oo hinintay talaga kasi kita, ikaw kumain kana?"

"Hindi pa din." sagot niya, kinurot ko ang tagiliran niya na ikinadaing niya. "What was that for?"

"Ganyan ba palagi Elias noong nagsimula kang magtrabaho? Nagpapalipas ka ng gutom." palatak ko.

"Don't worry hindi mababawasan ang abs ko kung iya ang-" mabilis ko siyang pinutol sa kung ano ang sasabihin.

"Hindi ako nakikipagbiruan, seryoso ako. Huwag na huwag kang magpapalipas ng gutom Elias." paalala ko.

"Yes my sweetheart! Copy that." aniya at hinalikan ako sa pisngi, "Let's eat then. Nagugutom narin ako."

You Are My Destiny  (PUBLISHED UNDER CLP)|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon