Kiss 13 ♥

6.3K 181 3
                                    

~ ♥ ~

JAIRUS' POV

Naalimpungatan ako dahil may nahawakan akong malaki at malambot. Napatingin ako kung ano 'yung nahawakan ko.

O_____________O

Napabitaw ako bigla. Shit! Sa dami dami ng hahawakan ko bakit 'yun pa? Waaah ~~ ang laki nun ah. Shit! Ang manyak ko talaga.

"G-gising ka na pala. Kanina ka pa ba gising?" pagtatanong ni Zero. Nag inat siya at nakita ko ang kili kili niya. Nakakainlove rin kili kili niya shete ka Zero! Bakit lahat ng parte sa'yo nakakainlove?

"Hindi naman. Ngayon ngayon lang din" sabi ko sabay lunok. Siguro kung may ibang tao rito kanina pa sinunggaban si Zero sa sobrang hot.

"Ah. Nagugutom ka na ba?" pagtatanong niya. Nagugutom? Actually kanina pa. Anong oras pa kasi ako nandito eh. Hindi na ako nakapaglunch.

"Hindi pa naman" pagkasabi ko nun ay biglang tumunog ang sikmura ko. Ganda ah. Ganda makisama ng sikmura ko.

"Anong hindi? 'Wag mo akong pinaglololoko Jairus. Hintayin mo ako diyan at maghihilamos lang ako" sabi niya at tumungo na siya sa banyo.

Oh well. It's already 4 in the afternoon. Anong oras ba ako pumunta dito? I think... 11 something hahaha. Nakakabaliw lang.

"Tara na" pag aaya niya. Napatingin ako sa kanya. Okay? Bakit hindi siya magtshirt o kaya sando? Anong trip nito?

"Pwedeng magsando ka o kaya tshirt? Mamaya makain kita ng wala sa oras eh" sabi ko. Tumawa lang ang loko.

"Okay na 'yung ikaw ang kakain sa akin kesa naman 'yung iba" sabi niya. Mahahampas ko 'to. Pigilan niyo ako hahahaha.

"Bilisan mo na! Sasapakin kita. Magsando ka dun" sabi ko. Sumunod naman siya. Nagsuot na siya ng sando. Ang hot niya pa rin tignan kahit nakasando na.

Tumungo na kami ng kusina at nakita ko sila Kuya Ian at Kuya Julius na nagtatawanan.

"Gising na pala kayo. Makisalo na kayo sa amin" sabi ni kuya Ian. Umupo na kami at nagsimulang kumain.

Tahimik lang kami ni Zero samantalang sila Kuya Ian at Kuya Julius ang ingay. Hindi ako makarelate sa pinag uusapan nilang dalawa.

"Kuya Julius?" pagtawag ko kay Kuya. May sasabihin lang naman ako eh haha.

"Ano 'yun? May sasabihin ka ba?" pagtatanong ni Kuya. Wala, wala akong sasabihin kuya tsk tsk.

"Wag kang magsusumbong kay mommy at daddy ah. Masasapak kita" sabi ko kay Kuya. Tumawa lang sila. Ganito kasi ugali ko eh. Binabantaan ko si Kuya hahaha. Ang sama kong kapatid diba?

"Susumbong kita kahit anong gawin mo" sabi ni Kuya. Malakas loob ni kuya kasi andyan si Kuya Ian.

"Kuya Ian oh! 'Wag mo pong bibigyan ng kiss at hug 'yan ah" sabi ko. Masama talaga ugali ko hahaha.

"Sige. Hindi ko siya bibigyan nun" sabi ni Kuya Ian sabay tawa. Hahaha buti naman at nakisakay si Kuya Ian.

"Sige na! Hindi na kita isusumbong" pagbawi ni Kuya Julius. Hhaha. Sabi na nga ba at ang kahinaan ni Kuya Julius ay si Kuya Ian.

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain hanggang sa natapos na kami. Tumungo kami ng garden ni Zero at sila Kuya naman ay sa sala. Ewan ko ba kung bakit ako dinala dito ni Zero. Oh well, may atraso pa sa akin si Zero.

"May atraso ka pa sa akin Zero" sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at nginitian lang ako.

"Alam ko Jairus. Kaya nga bumabawi ako sa lahat ng nagawa ko. 'Wag kang mag alala hindi na tayo guguluhin ni Kate" sabi niya. Napangiti ako sa narinig ko. Buti naman at wala ng epal sa relasyon namin. "Nga pala gusto ko itong relasyon natin ay seryosohin na. Hindi na laro o biro"

Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Nung una kasi naglalaro lang kami. You know, tinutulungan ko si Zero makamove on.

"Nakamove on ka na ba?" pagtatanong ko sa kanya.

"Matagal na Zero. Kaya lang naman ako nagpatulong sa'yo ay para hindi mo ako layuan. Tinamaan na kasi ako sa'yo diba, nung hinalikan mo ako" sabi niya. Ibig sabihin niloloko niya lang ako dun sa move on thingy? Walang'ya!

"Walang'ya ka! Pwede mo naman ako deretsahin eh. Nagpaligoy ligoy ka pa! Hindi mo ba alam dahil sa pinagagagawa mo may nasasaktan? Tsk tsk" sabi ko. Totoo naman eh. Naglalaro lang kami nung una pero grabe na 'yung sakit parang nadadapa lang.

"Hahaha! Hindi ko pa kasi kayang umamin sa'yo nun eh. Ang akala ko nga nun may gf ka kasi ang gwapo mo pero wala pala. Ako pala ang first mo" sabi niya. Hinarap ko siya.

"Dami mong alam Zero! Kapag ako sinaktan mo ulit. Puputulin ko sa'yo ang lahat ng pwedeng putulin. Iuuna ko na 'yun" sabi ko sabay turo dun sa junior niya.

"Wag 'yan! Ang sabihin mo lang gusto mo lang makita" sabi niya. Hinampas ko nga. Kapal niya ah! Kapag hindi umayos 'tong si Zero baka hindi ko mapigilan sarili ko. Napaka ka eh. "Malaki 'to" pagkasabi niya nun ay uminit ang mukha ko.

"Alam ko! Dahil nahawakan ko na 'yan kanina" oh shit! Bakit ko ba nasabi 'yun? Waaah ~~

"Nahawakan? Nung tulog ako no? Ayan Jairus ah! Masama 'yun. Pinagnanasahan mo ang tulog" sabi niya. Kasi naman eh, alam ko ba 'yun ang nahawakan ko? Ang epal naman kasi ng bibig ko hindi naman kasi 'yun ang sasabihin ko eh.

"Hindi ko sinasadya 'yun Zero! Pagkagising ko ay hawak ko na 'yan!" sabi ko sa kanya. Waaah ~~ gusto ko ng makawala sa topic na 'to.

"Hindi sinasadya? Ginusto mo rin naman. Umamin ka na Jai" sabi niya. Ako aamin? Luuuh ~~ hindi ko ginusto 'yun.

"Hindi ko nga ginusto 'yun! Atsaka meron din ako niyan mas malaki!" sabi ko. Hahaha. Ganda ng usapan palakihan ba 'to? Hahaha.

Nagulat ako sa ginawa ni Zero. Nilapit niya ako sa kanya sabay hawak dun sa junjun ko. Waaah ~~ ang manyak ni Zero. Nararamdaman kong pinaglalaruan iyon ni Zero.

"Z-zero! Bitawan mo nga ako" sabi ko sa kanya. Kaso hindi pa siya tumitigil. Hindi naman ako makawala dahil yakap niya ako. Kahit 'yung isang bisig niya lang ang nakayakap sa akin, ang lakas niya pa rin.

"Wag kang magulo Jairus! Baka hindi ko mapigilan sarili ko at makain kita"

~ ♥ ~

Here's the update! Comment naman po kayo! Gusto ko po talaga malaman reaksyon niyo! Hahaha.

Zero at the pic

Enjoy ~~ ♥

Kiss: It's Started with a Dare [BoyXBoy] [Completed]Where stories live. Discover now