Kiss 12 ♥

5.6K 183 2
                                    

~ ♥ ~

JAIRUS' POV

1 week na ang nakakalipas. Back to normal na ang lahat. Walang nanggugulo, walang epal at walang asungot. May pasok na rin kami. Hindi ko nga nakikita si Zero dito sa school eh.

Pero hinahanap hanap siya ng puso at mata ko. Kahit na ayoko siyang makita. Ganito ba ang nagagawa ng pag ibig? Hahanaphanapin mo 'yung taong ayaw mong makita?

"Jairus! Lalim ata ng iniisip mo" sabi ni Juliana. Eto nanaman si Juliana. Ayoko ngang kausap 'tong babaeng 'to eh.

"Manahimik ka! Ayoko ng maingay" mataray kong sabi ko sa kanya. Nag okay na lang siya at umalis. Nag iisip isip kasi ako ngayon kaya ayokong may epal.

Gusto kong makita si Zero! Namimiss ko na siya eh kahit sabihin na nating ganun ang ginawa niya sa akin pero.... ay ewan ko ba. Naguguluhan na ako.

"Maiwan ko muna kayo diyan!" sabi ko sa kanila. Tumakbo ako palabas ng room namin at magkacutting ako. Ngayon lang naman 'to. Bakit ba kasi hindi pumapasok si Zero? Edi sana hindi na ako magkacutting.

Tinignan ko 'yung guard house at andun si manong. Kilala naman ako ni manong eh. Kaya magpapaalam ako na uuwi hahaha.

"Manong. Uuwi po ako dahil masama po pakiramdam ko" sabi ko sa kanya. Waaah ~~ tumalab ka!

"Sige Jai! Mag iingat ka sa daan ah" sabi ni manong. Nginitian ko lang siya at tumakbo na palabas.

Gustong gusto ko na makita si Zero. Patay na patay na ata ako kay Zero eh.

Mga ilang minuto pa lang ay nakarating na ako sa bahay nila Zero. Nagdoorbell ako at ang nagbukas ng pinto ay si Kuya Ian, nakita ko rin si Kuya Julius. Anong ginagawa niya dito?

"Jairus! Nagcutting ka no?" tanong ni Kuya sa akin. Hindi ba halata?

"Obvious ba kuya? Gusto kong makita si Zero" sabi ko. Nagulat silang dalawa sa sinabi ko. Ano naman nakakagulat sa sinabi ko?

"Akyatin mo na lang siya dun" sabi ni Kuya Ian. Tumango na lang ako at pinuntahan na si Zero. Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ni Zero ay nagulat ako sa nakita ko

Waaah ~~ mahahalay ko si Zero ng wala sa oras eh. Paano ba naman kasi nakatopless at nakaboxer lang tapos nakahiga. Napapalunok ako sa nakikita ko. Bakat na bakat pa 'yung alaga niya! Fvcker naman!

Pwede bang sunggaban? Hahaha shit! Namimiss ko na rin ang labi niya. Waaah ~~ ang manyak ko na ah.

Nilapitan ko siya at ayun tulog na tulog si Zero. Umupo ako sa kama niya at tinitigan ko si Zero ng mabuti. Nakakainlove talaga ang mukha niya. Nilapit ko ang mukha ko kay Zero.

Bigla akong niyakap ni Zero.

"May balak ka pang halikan ako ah. Pwes ibibigay ko sa'yo" sabi niya at inikot niya ako. Nasa ibabaw ko si Zero ngayon. Shete!

"S-sino namang nagsabi na gusto kitang h-halikan?" pagtatanong ko. Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso.

"Tignan mo ako Jairus" sabi niya. Tumingin naman ako sa kanya. Nakakahypnotize ang boses niya hahahaha.

"Mahal mo ba ako?" tanong niya sa akin. Hindi pa ba halata? Tsk tsk.

"Wag mo akong tanungin niyan! Ikaw ang dapat tanungin ko niyan asshole!" sabi ko sa kanya. Ngumisi siya. Umalis na siya sa ibabaw ko at nahiga sa tabi ko.

"Kung ako tatanungin mo niyan? Ang sagot ko ay... Oo mahal na kita Jai! Nung hinalikan mo ako nun sa hallway dun ko nalaman na mahal na kita. Nung araw na 'yun dun na lang ulit tumibok ang puso ko" pagkasabi niya nun ay humarap siya sa akin.

"First time kong makahalik ng lalaki alam mo ba 'yun? Hindi ko pa inaasahan na ganun pala kasarap humalik ang kapwa ko lalaki" pagkasabi niya nun ay hinalikan niya ako. Tumugon ako sa halik niya. Namimiss ko 'tong halik niya peste naman kasi eh.

Naramdaman ko 'yung kamay niya na naglalakbay kaya napatigil ako. Hindi pa ako handa sa ganitong bagay.

"Wag kang mag alala Jai. Hihintayin ko na maging handa ka" sabi niya sabay ngiti. Hinalikan niya ulit ako at niyakap. Nakatulog kaming dalawa habang magkayakap.

~ ♥ ~

Here's the update. Sorry kung natagalan. Lagi ko kasing dinidelete 'tong chapter na 'to dahil hindi ako kuntento eh. Hahaha. Pangatlong draft ko na 'to para sa Kiss 12. Sorry kung maikli lang.

Add niyo po pala ako sa facebook. Nasa profile ko po ang link :) . Ask niyo rin po ako sa ask.fm nandun din po sa profile ko ang username ko :) . Salamat!

Jairus at the pic

Enjoy ~~ ♥

Kiss: It's Started with a Dare [BoyXBoy] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon