Kiss 6 ♥

7.1K 202 2
                                    

~ ♥ ~

JAIRUS' POV

Gusto ko talagang malaman kung sino 'yung tumatawag sa akin. Halos gabi gabi siya tumatawag walang palya.

Sembreak namin ngayon. Maya-maya aalis na kami, kasama ang barkada ni Zero at mga kaibigan ko. Si Zero kasi ang nag aya alanganin namang tanggihan ko diba? Hahaha.

"Jairus, dala mo na ba lahat ng kakailanganin mo? 5 days tayo dun" sabi sa akin ni Zero. Tumango na lang ako sa kanya. Nandito kasi kami sa bahay nila eh. Pinakilala ako ni Zero sa magulang niya. Lang'ya nga eh. Pinakilala niya ako as a boyfriend pero natanggap naman ako haha. Tuwang tuwa nga sila sa akin eh. Ewan ko kung bakit.

"Saan ba tayo mag iistay?" pagtatanong ko sa kanya. Wala kasing sinabi kung saan eh basta pinagdala ako ng damit na pang limang araw hahaha.

"Sa Batangas tayo. May resort kami dun" tugon nito. Mayaman nga talaga sila. May resort eh. Maya maya pa ay dumating na ang barkada ni Zero.

Nakita ko rin na kasama nila 'yung ex ni Zero. I don't know her name. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng nakakaloka.

"Nandiyan na pala kayo" sabi ni Zero. Ang tagal naman kasi nila Juliana eh.

"Hi there Zero. Kamusta?" pagtatanong nung ex niya. Medyo kumunot ang noo ko.

"I'm fine" sabi ni Zero at ngumiti. Baka move on siya sa ginagawa niya? Tsss.

"Sorry we're late" sabi ni Juliana. Sa wakas at dumating na rin sila. Wala akong close sa mga barkada ni Zero eh.

"Teka. Ikaw si Jairus diba?" pagtatanong nung kabarkada niya. Paano niya naman ako nakilala? Hahaha.

"Ako nga. Bakit?" pagtatanong ko.

"Nothing. Ang cute mo pala hahaha. Swerte ni Zero. Nakabingwit ng cute" sabi niya. Nakabingwit talaga? Isda ba ako para mabingwit?

"Nakakainlove kasi siya. Lalo na nung nahalikan niya ako" sabi ni Zero. Fvck!!! Sabihin daw ba 'yun? Luuuh ~~ naramdaman kong uminit ang mukha ko kaya tumalikod ako sa kanila. Shitness!!!

"Z-zero!" tawag ko sa kanya. Hinatak ko siya agad palabas ng bahay nila. Lang'ya.

"May problema ba Jai?" tanong niya habang nakangiti. Peste! 'Wag mong ipakita 'yang ngiti mo! Malulusaw ako ng wala sa oras eh.

"W-wala! Bakit hindi mo sinabi na kasama pala 'yung ex mo?!" tanong ko sa kanya. Lalong lumaki ang ngiti niya. Okay? Ang weird niya hahaha.

"Aaahhh. 'Yun ba? Hindi ko rin naman alam na kasama pala siya eh. Pinsan kasi siya ng isa sa mga barkada ko. Bakit? Nagseselos ka ba?" pagtatanong niya. Selos daw? No way!!!

"Ako magseselos? No no no no!!! As in a BIG NO!!!" sabi ko. Hindi naman talaga ako nagseselos eh. Hahaha.

"Sure ka? Hahaha. Okay sabi mo eh. Tara na nga aalis na tayo" sabi nito. Lumabas na kami ng bahay nila at sumakay ng sasakyan. Bali nasa dulo ako, si Zero nasa gitna tapos nasa kabilang gilid 'yung ex niya. Tsss.

"Relax Jai! Parang gusto mo na siyang sabunutan ah" sabi ni Zero. Natauhan ako sa sinabi niya. Umiling iling lang ako.

"Hindi. Baliw ka talaga" sabi ko. Napahikab ako. Inaantok na ako eh. Nilagay ni Zero 'yung ulo ko sa balikat niya.

Napapikit na lang ako dahil inaantok na ako.

Nagising na lang ako dahil bumigat 'yung ulo ko. Pagdilat ko ng mata ko nakita ko 'yung ulo ni Zero sa ulo ko. Kaya pala ang bigat eh. Hahaha.

"Zero. Gising na" sabi ko. Napaangat na siya ng ulo.

"Asan na ba tayo?" pagtatanong niya sa akin. Nag inat siya. Shit! Ang hot niya.

"Hindi ko rin alam eh. Wala rin sila baka naman lumabas lang saglit" sabi ko at ngumiti. Nginitian niya lang din ako. Pinatong niya 'yung ulo niya sa balikat ko.

"Patulog muna ah. Inaantok pa talaga ako eh" sabi niya. Shit! Sino bang hindi papayag? Hahaha.

"Sige lang. Matulog ka lang hangga't gusto mo" sabi ko. Hindi ako pwedeng kiligin dahil nasa tabi ko lang ang mokong hahaha.

Dumating na 'yung barkada ni Zero at sila Juliana. May mga dala dalang plastic. Ang dami nga eh. Hahaha.

"Gising ka na pala. Oh pagkain. Kumain muna kayo ng jowa mo" sabi ni Juliana sabay hagis ng isang tinapay. Hahaha. Maka jowa ah.

"Zero! Gising muna. Kakain muna tayo" sabi ko sa kanya. Kaso hindi pa rin siya nagigising. Lang'ya. Ako na lang kakain mag isa hahaha.

Inagaw niya bigla sa akin 'yung pagkain. Akala ko ba tulog 'to? Hahaha.

"Ako na magpapakain sa'yo" sabi niya. Luuuh ~~ hindi na ako bata para pakainin niya pa. Hahaha. Binuksan niya na 'yung tinapay. "Nga nga na"

Ngumanga ako at sinubo niya 'yung tinapay. How sweet hahaha. Ngayon lang naman 'to eh. Dahil nga tinutulungan ko siyang maka move on diba? Kailangan naming ipakita na totoo ang relasyon namin.

Bakit ko pa kasi nakilala 'tong mokong na 'to eh. Pesteng Truth or Dare na 'yan. Ayoko ng maglaro nun. Sinusumpa ko hahaha.

"I love you Jai... sakyan mo ako nakatingin siya" lang'ya. Sinakyan ko na lang siya. Nakatingin kasi 'yung ex niya sa amin eh. Hahaha.

Pagkatapos nun, hinalikan niya ako sa pisngi ko at natulog nanaman. Hay nako naman.

Mga ilang oras ay nakarating na rin kami sa Batangas. Yehet! Sakit sa pwet eh. Ilang oras ka ba naman umupo. Lumabas na kami at kinuha na ang mga gamit namin. Pumasok na kami sa resort nila Zero at inayos kami kung saan kami magkakwarto. Ang kasama ko sa kwarto ay si Zero. Pwede namang doon na lang ako sa mga kaibigan ko hahaha.

"Tandaan mo lahat ng sinasabi ko Jai. Ngayong araw na 'to babawiin ko sa'yo si Zero"

~ ♥ ~

Here's the update. Sorry kung sabaw hahaha. Nababaliw na ako dito sa bahay eh kakaisip kung sino gagawin kong cast haha. So ayun lang. Enjoy!

Kiss: It's Started with a Dare [BoyXBoy] [Completed]Where stories live. Discover now