Nabura ang lahat ng katanongan ng iniisip ko ngayon-ngayon lang at napalitan ito ng panibagong katanongan ng bigla ko na lang naramdaman ang paggalaw ng sinasakyan namin.

Nagtatanong ang tingin na bumaling ako kay Acerdel pero ang loko ngumisi lang bago isinandal ang ulo sa upoan pagkatapos ay tahimik itong pumikit at nagkonwaring tulog.

Inirapan ko na lang ito at napatingin sa labas ng bintana na kung saan kita ko ang unti-unting pagtaas ng sinasakyan naming private jet ni Acerdel sa lupa.

Pero kahit na nanatiling tahimik si Acerdel ni'konting katiting na pag-alala at kaba ay hindi ko maramdaman bagkos ay nasasabik ako sa pupuntahan namin.


......

"Tokyo Japan?" Salubong ang kilay kong tanong ng makababa na kami sa pribadong jet ni Acerdel.

"Hm-mm! Didn't I tell you that japanese food tastes better when you are in Japan." He said while smiling happily.

Sinabi niya nga 'yon. Iyon 'yong araw na hinatid namin si daddy sa airport pagkatapos non dinala niya ako sa isang japanese restaurant.


"Shall we?" Sabi niya sabay lahat ng kamay niyang may glove, malamig kasi rito.

Masaya akong nakangiti habang tinatanggap ang kamay niyang inaalok sa akin.

Panay lang ang titig ko sa kaniya habang iginigiya niya ako sa nakaparadang itim na mamahaling sasakyan. Kaagad niya akong binagbulsan ng pintoan pagkatapos ay kaagad rin iyong isinara bago umikot papuntang kabilang pinto upang tumabi sa akin. Katulad rin kanina may driver din siyang inaatas na magmamaniobra ng sasakyan.

Kahit na nagsimula na kaming umusad di pa rin mawala-wala 'yong ngiti ko sa mga labi ko.

"Are you excited?" Kapagkuway pukaw sa akin ni Acerdel. Nakangiting tumango na lang ako na ikinangiti niya rin.

Mahina akong napadinghap ng hawakan niya ang ulo ko at inalalayan iyon patungo sa kaniyang dipdip. Nakahilig kasi siya sa upoan kaya parang tagilid na nakahiga ako ngayon sa kaniyang dibdiban. Nakangiti naman akong napayakap sa kaniya. Sa malamig na panahon dito sa Japan nakakagaan sa pakiramdam na may kayakap ka.

"Saan na tayo pupunta ngayon?" Mahina kong tanong at bahagya siyang tiningala para pagmasdan ang kaniyang mukha.

"That would be a secret, honey." Malambing niyang sabi pagkatapos ay masuyo niyang hinalikan ang nuo ko na ikinangiti ko.

He is being sweet again.

"Napagod ako sa byahe." Sabi ko sabay hikab at hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniyang beywang.

"Bukas na lang tayo gumala. Sa ngayon magpahinga ka muna tayo." Sabi niya at habang sinuklay-suklay ang buhok kong nakalugay.

"To my vacation house." Seryosong sabi nito sa nagmamaneho ng kotse.

"Copy sir." Anang manong driver.

"Hapon ba siya?"

"Hindi pagabi na." Sagot niya na ikinasalubong ng kilay ko sa pagtataka. May lahi bang pagabi?

"Anong klaseng kins 'yon? It's kinda' unfamiliar to me." Sabi ko na mahina niyang ikinatawa.

Tinaasan ko siya ng kilay na ikinatigil niya naman sa pagtawa.

"You didn't get my joke, honey." He said smiley. I analyze what I said and what he said........ and boom I get his his joke now. Maingat akong umalis sa pagkakayakap sa kaniyang beywang at maayos siyang hinarap ng patagilid.

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now