Chapter 4

20 5 0
                                    


Terrene's POV

Nandoon padin si Elara sa dalawang namamalimos, mag lola ata.

Alam ko naman na kahit inaasar-asar namin o kahit na minsan agad din siyang nagagalit, alam ko naman na maganda yung puso niya.

Alam kong bibigyan ni Elara ng pagkain yung dalawa, kaya apat yung binili ko sa kanya, una palang kasi napansin ko na agad sila.

"Ang bait ni Elara" sabi ni Rays, nilingon ko naman siya, tulad ko naka tingin din siya kay Ela, "oo nga, kahit napaka libog o deretyo dila, mabait padin siya" sabi ni Celeste.

Sabagay, totoo naman sinabi nila, nabaling sa iba yung tingin ko, agad naman akong ngumisi saka tinawag yung dalawa, lumingon naman sila sakin.

"Si Mr. Right oh" sabi ko sabay turo dun sa lalaki, "HAHAHA OO NGA NO!" sigaw ni Celeste, kahit kailan ang ingay, tumatawa din si Rays may palakpak pa mukang kinikilig.

BWHAHA nakooo mukang matinding asaran ang magaganap mamaya.

"Mukang nag aaway yung dalawa ah" sabi ni Rays, nilingon ko naman sila agad nakita ko si Ela na papunta na sa sasakyan.

Sinalubong ko naman siya ng nakakatuksong ngiti, kahit na BWHAHA uusok na ilong niya sa inis.

~~~~

Dahil sa daldal ni Ela, narating na namin yung bahay nina Rays.

Dalawa yung bahay nila, mag katabi lang, dalawa din yung gate, yung isang bahay kasi doon nakatira mga magulang niya, at yung isa naman, sa kanilang mag kakapatid.

Si Rays kasi apat silang mag kakapatid lahat  ng kapatid niya ay lalaki, pangalawa siya sa kanila, and only lady din, tulad ko.

Ako kasi kuya din lahat ng sakin, tatlo kami ako yung bunso saamin.

Si Elara naman tyaka Celeste, only child lang din sila.

Pero sa totoo lang, wala kaming masyadong alam sa pamilya ni Ela, ang alam lang namin is only child lang din siya.

~~~~

Nang makapasok kami, agad kaming nag mano kina Tito Robert and Tita Mary.

"Good morning po" bati ni Ela sa kanila, itong babae nato, kung si Celeste maingay, si Ela naman walang hiya.

Haist, kaming dalawa lang talaga ni Rays yung may matinong pag iisip dito.

"Kumain naba kayo ha?" tanong ni Tita, "Hindi papo" nilingon ko naman agad si Ela, ngina, parang hindi pa nakaka dalawang siopao to ah.

Ang ganda ng bosis ni Tita, mahinhin, parang yung kay Rays, ibang-iba sa bosis kong halos panlalaki na, parehas din silang marunong kumanta, pati si Tito Robert marunong din.

"Dito tayo sa kusina, kumain na kayo, buti nalang nag luto ako agad ng ulam" sabi ni Tita.

Nag si upuan na kami, kaharap ko si Ela,  katabi ko naman yung manok na maingay, syempre sino paba yon? si Celeste, katabi naman ni Ela si Rays.

Sa totoo lang, magaganda naman sila eh, si Elara yung tipong babae na, napakalas ng confidence, parang wala kang makikitang insecurities sa kanya, maputi din siya,maganda din yung mata niya, itim na itim, parang chocolate, maganda din naman yung bosis niya, pero hindi ko pa siya narinig na kumanta, mahaba yung buhok, matangos din yung ilong.

Si Rays naman, kung titignan mo, parang hindi makapag basag ng plato. Ang inhin niya, malumanay, saaming lahat siya pa yung hindi nakakagawa ng kalokohang siya yung nag plano, mabait din siya, hindi ko pa siya nakitang magalit, mahaba yung pilik, mata niya, and maganda din yung brown niyang mata.

Meilleur AmiWhere stories live. Discover now