Chapter 2

24 6 0
                                    

Elara's POV

Apaka Gwapo, pogi, handsome, grabe "I'm with my son, oh! eto na pala siya eh" sabi nung Anton tapos inakbayan yung lalaki "This is my son Flame Ashton" pakilala nito, anak niya pala to? sa bagay gwapo yung tatay malamang gwapo din yung anak.

"Good Morning po" sabi nito sabay mano kina tito, shiirr parang tumibok lahat ng laman loob ko, ang ganda ng boses, hala tao paba to??that deep voice, magandang pakinggan yung boses niya, hindi yung tulad ng iba kong nakilala, deep baritone voice, gusto ko nalang pakinggan araw- araw.

"Huy!" siko ko kay Celeste "ka ano-ano moyan?" tanong ko, naka tayo padin kasi kami ditong apat, "ewan ko ngayon ko lang sila nakita" sagot niya, nadismaya ako don ah.

"Hoy bal" siko naman sakin ni Terrene, "oh bakit?" sagot ko, pabalik na pala sila sa ibaba, akala ko nasa tabi ko pa sila " hindi ka lang pala malibog no? chismosa kadin" sabi niya, aba sakalin ko kaya to tumatawa pa baliw, sinamaan ko lang siya ng tingin.

Huminto naman siya sa pag tawa, nag taka naman ako don "Si Mr. Right oh nakatingin" sabi niya sakin huh? mr. right? mr. gulaman lang alam ko "tanga neto ayun kasi" tinignan ko kung saan siya naka tingin.

Omg naka tingin yung gwapo, ano kasi pangalan? naka limutan ko Flakes? HAHA gutom na ata ako.

Hindi ko nalang siya pinansin syempre pabebe muna HAHA.

Kababa namin ay agad nila akong tinukso, aba ako ba naman target, pasalamat sila kaibigan ko sila kung ibang tao mga to pinakain ko na ng lupa-,-.

~~~

Lumipas pa ang ilang oras matapos naming mag bunot ng damo and mag punla ng mga sili.

Umakyat ulit kami sa taas para mag hugas ng kamay tyaka uminom ng tubig "Whoa! ang init!" sabi ni Terrene, totoo naman kasi 8:00 nang nag start kaming mag bunot tyaka punla tapos natapos kami ng 11:30, "Ikaw kasi Ela kung hindi mo pinag masdan si Mr. Right kanina edi agad tayo natapos" reklamo ni Terrene "oo nga" sang ayon naman ni Celeste.

Aba?!kung lunurin ko kaya sila sa Jug kala mo hindi din sila nakipag chismisan ah, sasagot pa sana ako ng bigla kami tinawag ni Rays "Hoyy! akyat na kayo dito sa kubo na linis ko narin naman na!" sabi niya.

~~~~~

Kasalukuyan kaming naka higa ngayon "grabe napagod ako don ah, umitim pa nyan ako lalo" sabi ni Celeste nag kunwari pang umiiyak, "manahimik ka dyan! nagugutom nako" reklamo ko, totoo naman kasi, ikaw ba naman nandon sa init tapos tubig lang naiinom niyo ni walang pag kain.

Sabagay busy din sina Tita dun kina Anton, haist. "Tara na baba na tayo kain na muna tayo" sabi ni Rays, nakoooo apaka bait talaga ng batang to, buti nalang talaga ako nag palaki sa kanila, "Tara" tumayo din si Terrene pati kami ni Celeste tumayo nadin.

Nauna silang bumaba, nang saktong katapak ko palang sa hagdan, nasalubong ko yung POGIII ano kasi pangalan ಥ╭╮ಥ, Flakes? Flare?Huhuhu hindi ko naman kasi masyado narinig nung nag pakilala sya(ᗒᗩᗕ). 

Nag ka titigan pa kami, pilit ko naman sinisilip yung mga mata nya sa loob ng mga shades nya kaso, waackk bigo ako, nilagpasan niya lang ako tyaka sumakay na sila sa Van, nag paalam narin si Tito dun sa Anton tyaka sila umalis.

Siguro malaki eyebugs non, kapal ng shades ehಠ_ಠ.

Kababa ko naabutan ko naman si Tito na nag kakape, "Tito! umaasenso manok niyo ah!" sabi ko, inakbayan kopa si Tito, para kasing anak na din ang turing niya saamin silang dalawa ni Tita Celestina, kaya kami naging malapit sa kanila kasi katulad ni Celeste, mababait din sila.

"Aba! syempre! para mabalik namin yung mga perang hiniram namin sa inyong tatlo" sagot niya, nag titigan kami ni  Rays at Terrene.

"Tito, diba sabi namin sa inyo na hindi hiram mga yon?, kaya wala kayong dapat ibalik saamin kasi binigay namin yun sa inyo." sabi ko, tumango naman sina Rays "Oo nga Ito, bigay yon hindi hiram" sabi ni Terrene.

"Pero gusto ko lang suklian yung kabutihang ginawa niyo saamin" sabi ni Tita, "Tita,Tito, kung gusto niyo man suklian kami, padamihin niyo nalang ang mga manok niyo tyaka ibenta, dun masusuklian na kami non." sabi ni Rays.

"Oo nga tito,pag yumaman ka syempre dapat may pursyento kami doon" biro ko, tumawa naman kami, tinignan ko naman si Celeste sinabi nya ng 'Thank you pero walang boses, nginitian ko lang siya.

"Pero sa totoo lang, salamat sa inyo ah? hindi niyo lang pinasaya o binigyan ng kapatid si Celeste, tinulungan niyo pa kami sa pamumuhay namin" sabi ni Tito sabay sabay naman kami nag sabi ng "You're Welcome".

~~~~

Sabay-sabay naman kami kumain apat habang si Tito ayun kakatapos lang mag bigay ng tubig sa mga manok niya, "Tito" tawag ko sa kanya " ano yon Ela?" tanong niya "Pano kung gawin kong tinola yung isang manok niyo?" natatawa kong tanong, nag pipigil din ng tawa sila Celeste,

"Aba'y subukan mo lang at ikaw ipansasabong ko" sagot niya, dun na kami natawang apat kasama nadin si Tita Celestina, nako sana ganto din kami kasaya ng pamilya ko.

~~~~

Nandito padin kami sa kubo nina Celeste, ang presko kasi dito, madaming puno tyaka malalayo sa mga sasakyan.

"Alam nyo" sabi ni Celeste, nilingon naman namin siya, "pano nga kung si Ela ginawang pansabong nga no?" tinawanan naman nila ako , ako na naman " Nako! hindi pwede yon! baka pati manok akitin netong babae nato" sagot ni Terrene tumawa naman sila lalo.

Aba! ako na naman napag tripan ng mga to! " Oi! Alam niyo kayong dalawa!" turo ko sa kanila gamit yung toothpick, "mas bagay kayong ipansabong!" sabi ko "at bakit naman?!" sigaw ni Celeste "Ikaw Ters! may pagka mayabang ka na maangas! agad kadin na gagalit! kaya alam ko maski manok man yan o ipis aawayin mo!" sigaw ko sa kanya tumatawa padin sila.

"Ikaw naman Celes! bagay na bagay sayo maging manok! parehas kayo maingay!" sabi ko, hindi kona mapigal at natawa narin ako, haist nako pag talaga kasama ko mga to naiisip ko nalang kung nasa matinong pag-iisip pako, sana walang mag bago saamin.

Meilleur AmiWhere stories live. Discover now