Chptr 06

1 0 0
                                    

   

     SIMULA noong may nag text sa akin ay hindi ko na nahagilap ang presensya ni Ken ng limang araw. Ewan ko. Bigla nalang siya nawala na parang bula. Hindi naman sa akin big deal 'yun, buti nga at wala siya para wala ng manggulo sa akin ngayon.

Andito ako ngayon sa library para sana kumuha ng mga impormasyon para sa report na naman namin. Tahimik akong umupo sa isa sa mga book shelf at humilig doon. Ibinuklat ko ang libro'ng napili ko nang may tumabi sa akin.

Halos mawindang ako sa biglaang paglapit niya sa'kin!.

"Wa'g mo nga akong ginugulat ng ganyan, Kyro!" saway ko sa kanya sabay himas sa aking dibdib dahil sa pagkagulat.

Tumawa lamang ang loko!.

"Sorry!. ang seryoso mo kasi kaya naisipan kong gulatin ka." natatawa niyang saad. Umirap lamang ako kaya mas lalo siyang tumawa. Buti nalang at 'di siya sinaway ng librarian.

Akala ko ay tatahimik na siya dahil naging seryoso ang mukha niya. Pero akala ko lang pala.

"Zea..." tawag niya pa sa akin. lumingon naman ako sa kanya.  napasinghap ako dahil sa lapit ng mukha namin!.

Bahagya akong lumayo at 'tsaka inilagay ang kaka-unting buhok sa tenga ko na nalalaglag mula sa aking  nuo.

"B-bakit?"

"Kung siguro marunong ka mag-ayos ay tiyak pwede ka ng mag modelo" nakangiti niyang saad sa akin ngunit ako naman ay hindi magawang ngumiti.

What's his point?.

"I mean don't get me wrong. You are beautiful already but you know if you know how to do make ups or kahit pagaayos lang ng kaunti ay mas lalo kang gaganda" explain niya pa sa'kin dahil baka nakaramdam siya na hindi ako na tutuwa.

I always get that. 'Yung sasabihan akong mas gaganda ako lalo pag marunong akong mag-ayos. Pero ayoko talaga 'e, I mean kaya ko naman na mag ayos pero parang sayang lang sa oras. Bumitaw ako ng malakas na buntong hininga.

"I don't know if that's a compliment, Kyro. I appreciate that. I always get that 'yung sasabihan nila ako ng ganyan but para sa akin sayang lang sa oras 'tsaka wala pa akong plano sa pa ganda pa ganda na 'yan 'noh!"

Umiling lamang siya at nakita ko na naman ang dimples niya dahil sa pag ngiti.

"Well, you are right. Siguro now hindi mo 'yan hilig but soon, I know mahihiligan mo din 'yan"

Parang sure naman ang isang 'to!. Pero baka nga. Nagpatuloy kami sa pagbabasa hanggang sa sabay na kami pumasok sa nexts subject namin.

Nag quiz muna kami sa other subjects namin hanggang sa dumating ang uwian. Agad naman akong pinalibutan nila Max at Cassy.

Naka kunot ang nuo ko habang tinitignan sila isa-isa. Agad naman akong nakaramdam ng pagkairita.

"What?" halata talaga sa tuno ko na naiirita na ako sa pagtingin nila sa akin.

"Gusto mo ba si Kyro?" diretsong tanong ni Max sa akin habang nakangiti at nakataas ang kilay. Muntik pa akong mabilaukan. Ano bang trip nila ngayon?!.

"Ofcourse not!"

"Talaga? 'e palagi kayong magkasama papasok dito, 'a?" may panunuya ang pagsabi ni Cassy sa'kin.

"Girls! I don't like him, okay?. We are just friends and also coincidence lang talaga na parati kaming nagkikita dito sa loob ng campus"

"Ay naku, Zea! sa tagal nating magkakilala 'e ngayon ka pa talaga magsisinungaling?" sabi pa ni Max sabay kurot sa tagiliran ko.

One MistakeWhere stories live. Discover now