An Hour Too Late by iamjaypee

Start from the beginning
                                    

"Kaya nga tumayo ka na dyan at ayusin mo na ang gamit mo para makauwi ka na! O sya, bye na. Tinatawag na ako ng mga kasama ko. Ingat!"

"Bye!"

Ito ang problema ko, nung mataas ang araw, dala ko ang payong ko, ngayong ang lakas ng ulan, doon ko naman naiwan. Pano ako ngayon nito makakalabas ng school? Ganito ba talaga pag-college? Kailangang masanay maging water-proof. Grabe!

...

Ilang minuto na rin akong nakatayo dito sa waiting shed. Bukod sa mag-isa lang ako, nilalamig pa ako. Basang-basa kasi yung uniform ko. May mas malala pa pala akong problema, pano ako makakarating sa estasyon ng tren kung ganito pa rin kalakas ang ulan? Parang balewala tuloy ang suspensyon, di rin ako makakauwi ng maaga.

"Lakas mong maka-Emo dyan ah! Hahaha!" Teka, pamilyar yung boses na yun ah? Tama! Si Rodney na naman.

"Anong ginagawa mo dito? Bat di ka pa umuwi?"

"Eh ganun talaga eh." Grabe, ayos talaga tong kausap! "Eh ikaw, bat nandito ka pa?"

"Tinatanong pa ba yan? Syempre di ako makaalis dito! Common sense naman!" Binabadtrip na naman nya ako.

"Hahaha. High blood masyado? Tara na nga, alis na tayo." dumukot sya sa kanyang bag "Oh, isuot mo yang jacket ko."

"Ahh... eh pano ka? Atsaka, di rin naman ata kasya sakin yan." inabot nya sakin ang itim nyang jacket.

"Pagkasyahin mo! Kaysa naman lalo ka pang lamigin." nagsasalita syang hindi man lang nakalingon sa akin. Nahihiya ba sya? Ako nga dapat ang mahiya eh.

"Sige na nga. Uy, mababasa to."

"May payong ako!" dumukot uli sya sa kanyang bag at inilabas ang kung brown na payong. Natawa na lang ako nang binuklat nya ang payong.

"Hahaha! Ano yan, payong ng baby? Hahaha!" ang liit ng payong nya, para lang sa isang tao.

"Bahala ka! Iiwan kita!" Yehey! Nakaganti rin ako sa kanya. Napikon sya sa asar ko.

"Uy teka lang. Tara na nga."

That awkward moment when I'm very close to him, arm to arm, under one cute umbrella.

BEEP! BEEEEEEEEEEEP!

Mahigpit nya akong binalot ng braso nya para hilain pagilid dahil muntik na akong mahagip ng jeep. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. Masyadong mabilis ang pangyayari pero bumagal ang bawat sandali.

"Magpapayat ka kaya para hindi ka maging malaking harang sa daan. Hahaha."

"TSEE! Teka, malapit na pala tayo sa train station, pwede mo ng itupi yang payong mo kasi may bubong na dito."

"Oo nga no. Saang station ka bababa?" hindi nya muna tinupi ang payong nya sa halip ay pinatulo nya muna ito. Nagkalayo na rin kami ng bahagya, di tulad kaninang halos magpalit na ang katawan namin.

"Bicutan Station. Ikaw?"

"Hahaha. Di ako nagtetren."

"Hala! So..." bigla syang nagsalita.

"Bye na. Ingat!"

Nasa loob na akong ng tren pero hindi pa rin sya umaalis sa kinatatayuan nya. Pasara na ang pinto ng tren nang biglang...

"DIANA!" bigla syang sumigaw, napalingon na lang ako.

"INGAT!" pilit ko mang itago pero kinilig talaga ako.

Hindi ko alam kung bakit, pero napapangiti ako sa tuwing naaalala kong nag-effort talaga syang ihatid ako sa estasyon ng tren lalo pa't umuulan. Nakakahiya tuloy sa loob ng tren dahil bigla-bigla na lang akong ngumingiti. Hanggang sa pagbaba ko ng tren, pagsakay ng jeep at pagdating sa bahay.

Your One-ShotWhere stories live. Discover now