It Started with a Status Message by bittersweet24

Mulai dari awal
                                        

NEXT DAY

“Hoy girl ano bang sapak ng status message mo kagabi?” Pambungad na tanong sakin ni Ryza pagkadating ko sa school. Tambay lang muna kami ngayong umaga. Hinihintay yung teacher namin dumating. As usual, chikahan XD

“Masama na bang magstatus message ngayon?” Pabalik na tanong ko.

“Whatever girl!! Alam naman natin kung para kanino yun diba? Uyyyyy nilike niya!”

“Like lang yun no! LIKE! Malay ko ba kung may gagawin yun. Ah basta, pag hindi pa siya umamin sa akin sa loob ng dalawang linggo, kakalimutan ko na siya!”

“Talaga?! Bakit naman? Bilis mo naman yata sumuko!”

“DUH GIRL! Fourth year high school na kaya tayo! Tatlong buwan nalang gagraduate na! Ayoko ngang masayang yung last months ko sa high school sa paghihintay sa mokong na yan! Aba, kung mahal niya ako, kumilos na siya no! Bahala siya!”

“Wag ka muna gumive up. Ano ka ba.”

“IKAW KAYA MAGHINTAY NG GANUNG KATAGAL!!”

“Anong matagal?!”

Isang pamilyar na boses ng lalaki ang nagsabi nito. Halos mapatalon ako sa gulat!!

Dugdug. Dugdug.

Si DAVE.

“Hoy bakit ka ba nanggugulat dyan!” Sabi ko, kunwari naasar. Grabe, narinig kaya niya yung pinaguusapan namin? LAGOT NA!

“Ano muna yung matagal?” At ngumiti siya ng nakakaloko.

“CHEEEEE! Bahala ka nga!”

“Umagang umaga aburido ka! If I know, nagsesenti ka nga kagabi eh. Saang lupalop ng mundo mo napulot yung cheesy mong status?”

>///<

Nakita niyaaaaa!! Pinaguusapan pa namin!!

“Eh sa gusto kong maging cheesy! Dyan ka na nga!”

“Sandali! Oh ito pala, para sayo.”

Anong dala niya?

Yung favorite kong turon sa canteen namiin!! Shemss tamang tama hindi pa ako nagaalmusal!!

“Ay yes! Thank you ha!” Nakalimutan ko na yung galit-galitan ko. Lumamon nalang ako. Aba favorite ko yata to nuh!

“Wala yun. Ikaw pa, malakas ka sakin.” Sabay kindat at akbay sakin.

Nakita niyo na kung bakit di ko magawang iwasan na mahulog sa kanya?

***

Dalawang linggo.

Two weeks ang palugid ko sa pag-amin niya. Pag hindi pa siya umamin, ayoko na. Katulad nga ng sabi ko sa best friend ko, ayokong sayangin ang natitirang months ko sa high school sa paghihintay sa pag-amin niya. Kung hindi siya aamin, malamang hindi niya talaga ako mahal. At kung ganun man, magawa ko pa sana makapagmove on bago matapos ang high school!

At sa two weeks na yun?

Walang nangyari.

Ayun, tuloy pa rin kaming inaasar.

Tuloy pa rin siya sa pagpapakilig sa akin. At ako naman, ayun, kinikilig. Hihi. Hanggang kilig nalang ba ang lahat?

Hanggang isang umaga…

***

Nagunat-unat ako. Maaga yata ako sa school ngayon! Ako kasi yung naassign na tagabukas ng classroom for the quarter kaya ayun kailangan maaga! Kundi, hindi makakapasok yung mga classmates ko hahaha XD

Your One-ShotTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang