Hindi niya na kailangang sumagot dahil inunahan na siyang sumagot ng tiyan niya.

Mahina ako natawa, "Gutom kana nga. Dito ka lang hintayin mo ako at bibilhan kita ng pagkain."

"No, ako nalang ang bibili." pagtatanggi niya.

Mayroon bilihan ng pagkain dito sa paradahan kaya kahit na umuulan pa yan may pagbibilhan ka.

"Tayong dalawa nalang bibili." una itong lumabas ng tricycle at sumunod naman ako. "Manong bili ho muna kami, babalik rin po kami." paalam ko sa tricycle driver para pagbalik namin ay may pwesto parin kami.

May nagtitinda ng fishball kaya doon kami pumunta, kumuha ako ng dalawang plastik na baso at iniabot sa kaniya ang isa at sa akin naman ang isa.

Nagtusok kami ng fishball, kikyam at hotdog. Akmang maghuhugot na siya ng pera sa bag niya ng pigilan ko siya.

"Ako na, wag mong ilabas yang pitaka mo." pagpipigil ko sa kaniya, at kumuha ng bente pesos sa bulsa ko at inabot sa nagtitinda. "Anong gusto mong sawsawan?"

"Chili sauce." sagot nito.

Ng makabalik kami sa tricycle ay sakto rin na aalis na ito. At sa daan narin namin kinain ang binili namin.

"Sasama ka ba sa prom?" tanong ko.

Tumango siya bago inubos ang pagkain, "Yes, how about you? Hindi pweding hindi."

"Pwedi, kaya nga hindi ako sasama eh."

"What? Why?" sunod niyang tanong.

"Wala akong isusuot." deritsong sagot ko.

"Gagawan natin ng paraan yan."

"Huwag na, nakakatamad rin." pagpupumilit ko.

"No, ako ang bahala. Naexperience mo na bang sumama sa prom noon?" kalaunan ay tanong niya.

Umiling ako, "Hindi. Gaya nga ng sabi ko ay wala akong isusuot tyaka baka nakakatamad lang na pumunta ng prom."

"See? Hindi mo masasabing nakakatamad ang pumunta sa prom kung hindi mo pa nasusubukan." anito,
"Bakit ikaw nasubukan mo na bang sumama sa prom?" balik tanong ko,

Siya naman ngayon ang umiling, "Hindi pa, lagi akong tumatakas tuwing prom at ayaw kong sumama."

"Kita mo, makasabi ka na dapat akong pumunta at subukan ko, samatalang ikaw ay hindi mo pa naeexperience."

"Come on, kung gano'n sabay nating subukan at tignan kung hindi ba boring ang prom. I want to experience with you and I want you to dance with me Rina." dahil sa sinabi niya ito na naman ang puso ko na hindi magkandamayaw sa pagtibok ng mabilis.

"Wala nga sabi akong isusuot."

"Let me handle it for you Rina."

Mas mauuna ang bahay namin kaysa sa bahay nila Elias, kaya una akong bababa. "Kita nalang ulit tayo bukas Elias sa school." paalam ko bago bumaba ng tricycle.

"We can see later, malapit lang bahay niyo." angal niya, natawa ako at tumango.

"Sige na, bye." nagbayad ako ng thirty pesos, "Tig-isa po kami ng kasama ko manong." sabi ko bago umalis. Mabuti rin at tumila na ang ulan.



'Third Person's P.O.V'



Pagkarating ni Elias ng bahay ay ibinaba niya ang kaniyang bag sa sofa at kinuha ang cellphone sa bulsa dahil may tatawagan siya.

"Hello my handsome cousin, what can I do for you?" matinis ang boses na sagot ng nasa kabilang linya at bahagaya pa nitong inilayo ang cellphone.

"Don't shout Vena. Anyways I need your help." aniya.

"Ano pa nga ba my dear cousin, eh you calling lang naman me if you need my help." pagdradrama ng kaniyang pinsan sa kabilang linya.

"Tsk, You said your here near at Pangasinan right?" tanong niya.

"Yes, why?"

"Let's meet tomorrow, tatawagan nalang kita kung anong oras." walang buhay na boses niyang sagot.

"And why?"

"Because I need your help. Don't worry tutulungan kita kay Nico." bago niya patayin ang tawag ay rinig niya pagtitili ng pinsan niys ng marinig ang pangalan ni Nico.

Napailing nalang siya, her cousin is really obsess with his friend Nico.

Napangiti siya ng maisip si Rj habang sumasayaw silang dalawa sa prom, napailing siya habang natatawa.

Kailan pa siya natutung magemahinasyon? Well simula ng makilala niya si Rj.

"Iba talaga kapag pumapag-ibig Elias." agad niyang isinupil ang kaniyang ngiti ng marinig niya ang kaniyang tiyahin na nakapamaywang habang may naglalarong ngiti sa labi nito. "Usap usapan dito sa barangay ang ginawa mong panliligaw kay Rj, kapag ito nalaman ng tatay mo baka magpaiesta yon."

Napailing nalang siya sa sinabi ng kaniyang Tiyahin. At umupo sa sofa.

"Sinagot kana ba niya?" nakangising tanong ng tiyahin niya sa kaniya, "Hindi ka no'n sasagutin, maraming manliligaw yon pero hindi naman niya sinasa-"

"She said yes to me." napapangiting putol niya sa sasabihin ng kaniyang tiyahin.

Napapangiti siya sa isiping siya ang unang kasintahan ni Rj, at siya lang hinayaan nito.

"ANO?" halos mabingi siya sa lakas ng sigaw ng kaniyang tiyahin.

"Auntie don't shout." suway niya.

"Teka naman kasi my pamangkin, si Rj? As in napasagot mo?" pangungulit ng kaniyang tiyahin sa kaniya at tumabi pa para umupo.

"Yes."

"Talaga?" napasigaw na naman ang kaniyang tiyahin na halos ikatanggal ng kaniyang tainga.

"Auntie." muli na naman niyang sita.

"Teka saglit, hindi lang naman kasi ako makapaniwala na sa dinami dami ng manliligaw nito ay bakit ikaw pa ang sinagot niya?" napapantastikohang sabi ng kaniyang tiyahin.

Napakunot ang noo niya, "Why auntie? Am I not enough for her to her boyfriend bakit niyo po nasabing bakit ako pa?"

Natatawang napailing ang kaniyang tiyahin na mas ikinakunot ng noo niya, "Hindi mo kasi naiintindihan Elias, basta ito ang tatandaan mo. Huwag na huwag mong sasaktan si Rj, kung ayaw mong mapalayas oras mismo dito sa pamamahay ko."

Siya naman ang napailing at natawa, tumayo siya at nag-paalam sa kaniyang tiyahin para pumuntang kwarto niya at magbihis.

Humiga siya sa kaniyang kama ng matapos siyang magbihis, kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bed side table.

Ilang ring lang ay sinagot na kaagad ng tinatawagan niya ang tawag. "Rina?"

"Oh?" sagot ng nasa kabilang linya.

"Anong oh? It should be bakit?"

"Pareho lang yon, wag ka ng maarte." pinigilan niya ang sariling matawa sa tono ng pananalita ni Rj.

"Okay, okay if that what's you want. Anyways may ginagawa ka?" tanong niya.

"Nagsasaing ng kanin at hinihintay ko nalang na maluto-" natigil sa pagsasalita si Rj, "Saglit lang yong pusa ko makulit."

Nangunot ang noo niya, noong huling punta niya sa bahay ng dalaga ay wala itong pusa.

"Yon nga nagluluto ako, tyaka katatapos ko lang rin pinaliguan si ming-ming." nagsalita na ulit si Rj mula sa kabilang linya.

"Ming-ming?"

"Pusa ko, nakita ko kanina diyan sa daan kaya kinuha ko na, isa siyang maliit na kuting at kailangan niya ng kalinga." napangiti siya sa sagot ni Rj.

"Okay, I want to meet ming-ming. Do you want me to come to your house?"

"Huwag na, wala ngayon sa huwisyo si Tiyu baka masapak ka niya." natakot siya bigla sa sagot ni Rj. "Biro lang. Mag-eensayo ako ng karate ngayon, gusto mong makisabay si Tiyu ang magtuturo."

Nakahinga siya ng malalim ng malamang nagbibiro lang si Rj, "Okay sure, I will come."

You Are My Destiny  (PUBLISHED UNDER CLP)|✔Where stories live. Discover now