Prologue

2 1 0
                                    

Mga halimaw, maligno, kaluluwa, taong lobo, dragon sa pinaka ilalim ng dagat, mga demonyo. Naging normal na ito sa buong pamumuhay ng mga tao sa mundo simula ng magising ang labing dalawang demonyo ng Underworld na nagdulot ng mga pagdudusa sa sang katauhan.

Halos dalawang dekada ng nakikipaglaban ang kaharian ng Clover laban sa mga kampon ng demonyo na ito. Ni isa ay wala padin nagtatagumpay na makalapit sa labing dalawang diyos ng mga demonyo. Ilang libong buhay na din ang kinitil ng mga demonyo, mga bahay na sinira, mga pamilyang kahit kalian ay di na mabubuo.

"alinsunod sa kautusan ng hari ng lugar na ito, pinapagmumulta niya ng isang daan (100) na bergo ang bawat isang tao ng pamilya. Ang pagkuha ng buwis ay gagawin kada buwan at walang sinuman ang pwedeng makapagpabago ng desisyon na ito kundi ang hari lamang."

"kautusan ng hari? Napakalaki naman ata ng isang daang (100) bergo?"

"Saan naman kami kukuha ng ganyang kalaking halaga? Halos hindi nga kami makabenta ng gulay na pananim namin. Bagsak ang ekonomiya natin tapos bubutasan niyo pa ang bulsa namin ng isang daang bergo?"

"para saan naman ang makukuha niyang multa? Ano ang dahilan nito?" sambit ng isang residente habang nakapamewang at init na init ang ulo.

"Ang mga makukuhang bergo ay ibibigay sa demonyo na si Argus bilang alay para hindi tayo sakupin neto at mabigyan ng pagkakataon ang kaharian natin na makipag alyansa sa kanila."

"sino ba naman ang gustong makipag alyansa sa isang demonyo? May kasiguraduhan ba kayo na totoo ang pakikipag-alyansa na ito? At wala ng mapapahamak na kahit sino man?"

"Ito ay kautusan ng hari at kami ay sumusunod lamang."

"halos dalawang dekada ng nakikipaglaban ang kaharian para mapuksa ang lahat ng mga demonyo. Madami ng nawalan ng miyembro sa kanilang pamilya. Kahit na kayo ay paniguradong nawalan na din. Tama ba ako?"

"Sabihin mo sa amin na may pag-asa pa. Alam namin na may iba pang paraan na pwedeng gawin. Hindi makatarungan ang isang daang bergo. Halos di nga kami makakuha ng tatlong bergo sa isang araw."

"Alam niyo din naman siguro ang mangyayari sa mga hindi sumusunod sa pinaguutos ng hari diba?"

"Kung pakikipaglaban ang sagot sa Kalayaan naming, lalaban kami kahit sino pa!" nag angkang kukuha ng sibat ang isang residente ng biglang nagpakita ang isang demonyo sa kanyang harapan.

"Ku Ku Ku. Napakalakas naman ng loob mo kalabanin ang sistemang pinapatupad ng mg diablo." Hinawakan ng demonyo ang mukha ng residente at dahan dahang sinugatan ang pisngi nito gamit ang matatalim na kuko.

Hindi makagalaw sa takot ang residente at halos mapa-ihi ito sa kanyang kinatatayuan. Ang hawak niyang sibat ay binitawan niya habang ang kanyang mga kamay ay nanginginig. Ang kaninang malakas niyang loob ay nabalot ng pagkatakot ng makaharap niya ang isa sa mga demonyo. Sa mga oras na ito naramdaman ng mga residente ang malakas na aura ng mga demonyo na tila ba binabaon sila sa lupa papuntang impyerno.

"Sunugin niyo na lahat ng nandito. Gagawa nalang tayo ng bagong sibilasyon dito sa lugar na ito." Sabi ng demonyo habang ang mga ngiti nito ay halos umabot na sa kanyang mga tenga.

"Pero iba ang usapan niyo ni Haring Babel. Ang usapan niyong dalawa ay takutin lang ang mga residente dito sa lugar na ito para makakuha ng buwis na ipagpapatayo ng mga imprastraktura ninyong mga demonyo." Sabi ng isang kawal habang nauutal pa halos ng kausapin niya harap harapan ang isang demonyo.

"Huh?!" nanlisik ang mga tingin ng demonyo sa kawal na nagsalita. "Alam mo ba ang isa sa pinaka ayaw ko ay yung hindi sumusunod sa akin?" kasabay nito ay biglang nagliyab ang katawan ng kawal at ginawa itong abo.

"Kayo!!!" sigaw ng demonyo sa mga nakapalibot na mga kawal. "Kung ayaw niyong matulad sa hampaslupang ito, sumunod kayo sa pinaguutos ko. Ku Ku Ku!!!"

Sa sobrang pagkatakot ng mga kawal ay dali dali silang kumuha ng gasoline at mga kahoy na may apoy. Isa isa nilang sinunog ang mga kabahayan sa lugar na iyon. Ang mga residente na tumututol ay isa isang pinaslang. Labag man sa kalooban ng ibang kawal ang kanilang mga ginagawa ay wala na din silang kibo dahil ilang minute lang na sumuway sila ay tiyak na buhay din nila ang kapalit.

Ng makita ng mga kawal na napakalaki na ng apoy at sigurado na silang wala ng natira sa bayan ay umalis na din sila habang ang iba sa kanila ay iniisip kung ang ginawa nila ay maka tao pa ba, pakiramdam ng bawat isa sa kanila ay naging isang demonyo na din sila mismo.

Lumipas ang ilang oras at patuloy padin nasusunog ang mga kabahayan dito. Malalaking tipak ng mga kahoy ang minuminutong gumuguho dito.

"T-tulungan mo ko"

"Kya Kya Kya! Tao, isa sa mga nilikha ng Diyos. Mga mabababang nilalang talaga kayo. Ginawa na nga niya kayo hindi pa kayo binigyan ng kahit kaunting kapangyarihan."

"K-Kailangan ko..Kailangan kong m-mabuhay" sabi ng batang lalaki habanghirap na hirap itong magsalita sa kapal ng usok na kanyang nalalanghap.

"Kaya mo bang ibigay sakin ang buhay mo? KYAKYAKYA!!!!!!"

"BLOODLINE CONTRACT"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bloodline ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon