Kabanata 5: Tanya at Tinay

101 68 6
                                    

NAWIWINDANG NA AKO, Kinuwento kasi sa akin ni Tinay na nakita niya ang mga guwardiya sibil sa amin na ipinagtatanong kung nakita ba ako. Pinauwi ko na dapat si Tinay kanina para 'di na siya madamay eh

Makalipas ang ilang minutes ay nandito na kami sa bahay. Bro, wala pa sila Ama

Ang sabi kasi ni Tinay si Ama na raw mismo ang umalis para hanapin ako

"Emiliana, Saan ka nanggaling? Bakit ngayon ka lang? Tinay, hindi ba't ang tagal na kitang kinausap tungkol dito? Bakit hinayaan mong maka-alis si Emiliana? Alam mo naman siguro kung ano ang nangyari noon, hindi ba?" Sunod-sunod na tanong ni Ina habang pababa at kasama sina Felicidad at Tanya

"Ina, wala pong kasalanan si Tinay! Ako po mismo ang nag pumilit sa kaniya upang hayaan niya akong mapag-isa!" Depensa ko sabay urong dahil hahawakan sana ni Ina ang pulso ko

"At natuto ka nang sumagot ngayon! Ano ba ang nagawa namin anak, bakit ka nagka-ganiyan? Pinag-bigyan ka naman namin ng iyong Ama na tumungo sa Espanya upang makasama ang iyong Tiya. Iyan ba ang natutunan mo sa kaniya, sa Espanya?!" Pasigaw niyang tanong.

Diyos ko! Saint Matthew, Mark, Luke, John, Francis, Anthony, Maria Goretti, Ignatius, Catherine, Gregory, Teresa, Augustine, Peter, Paul, James, Andrew, Hyacinth, at Jude, Nagkasala po ako pero bakit 2x po ata ang karma ko?!

"Patawad po Donya Victorina sapagkat nagkulang po ako sa pag-aalaga at pag-babantay kay Binibining Emiliana!" naiiyak na wika ni Tinay sabay luhod sa harap ni Ina

No! Hindi! Kasalanan ko ang lahat nang ito, bakit ba kasi tinaasan ko pa ang pride ko sa gagong sundalo na iyon!

Gusto kong i-defend si Tinay at sabihin na ako ang tunay na may kasalanan ngunit hindi ko alam kung bakit 'di ako makapag-salita! Hindi ako nagmumura pero Shit! Pinipigilan ata ako ng bruhang feeling fairy God Mother na iyon na nagdala sa akin dito! Hindi naman ito mangyayari kung hindi niya ako dinala rito 'no!

Magsasalita sana muli si Ina nang biglang dumating si Ama. Yes! Thank you Lord at nandito na ang magsasave sa akin mula sa rapper na Ina ni Emiliana. Sorry po agad pero huhu!

"Emiliana, pinahiya mo na naman ako sa aking ka-negosyo! Alam mo ba kung gaano kalaking halaga ng salapi ang nasayang nang dahil sa iyo?!" Galit na galit na sigaw ni Ama at walang pag-aalinlangan na sinampal ako.

SHETE! Akala ko ipapagtanggol niya ako kay Ina

"A-ama... Magpapaliwanag po ako! May sundalo po kasing binabastos kami ni Tinay kanina kaya nakipag-sagutan po ako sa kaniya tapos po si Sebastian po 'yung Heneral po, hinuli niya po ako kaya po natagalan po ako!" Depensa ko

"At sa publiko mo pa mismo ito naisipang gawin! Ano ba ang nasa utak mong bata ka? Binibigay ko naman ang lahat ha! Ang hiling ko lang naman ay huwag kang gagawa ng bagay na ikasasama ng aking loob. At si Sebastian pa ang napili mo na kalabanin! Anak ito ang tatandaan mo, kapag hindi ko napa-payag si Sebastian ay ikaw mismo ang magbabayad! Humingi ka ng tawad sa kaniya at sa sundalo na sinagot-sagot mo! Anak, hindi lang ang sarili mo ang pinapahiya mo, pati na rin ang pamilya natin" Malakas na sigaw ni Ama

"Sonya, dalhin mo ang bilao at punuin ito ng bigas at munggo" sigaw ni Ama kaya napatakip ng labi sina Ama, Felicidad, Tanya at Tinay.

Ito na ang aking downfall! Hindi ako maaaring mamatay sa panahong ito, marami pa akong pangarap!

"Ama, hindi naman po siguro ito tama. Masyado pong mabigat ang parusa ninyo kay Yana!" depensa sa akin ni Tanya

"Anak, huwag ka nang makisali" sigaw ni Ina sabay lapit kay Ama "Antonio, Anak mo pa rin siya! Huwag kang ganiyan kay Yana! Ang tagal niyang nawala sa atin, 'yan ba ang salubong mo sa kaniya?" makahugang tanong ni Ina kay Ama sabay hawak sa mga kamay nito

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Different World (Chasing The Time #1) Where stories live. Discover now