EPILOGO

10 0 0
                                    

Simula noon, naging payapa na ang Royal State at pati na rin sa Known State.

Sina Don Paulo at Donya Serina ay ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo at hindi nila inaasahan na magkapareho pala sila ng kurso pero hindi sila magclassmate dahil nagkaiba ang kanilang sections.

Si Don Lance naman ay patuloy na nag-ipon ng maraming pera hanggang sa tinutulungan na rin niya ang kanyang nanay sa kanyang gastusin at natupad niya ang kanyang hangarin na yumaman sila sa pamamagitan ng sipag sa pagjajanitor.

Si Don Lupin naman ay naparenovate ang kanyang bahay dahil sa sipag sa pagpapasada ng jeep. Hindi na rin siya namamalas gaya noong nakaraan niya. Lagi rin niyang binibigyan ng kanyang bunga ng tanim sa mga pamilya Vasquez na ngayon nga ay may maganda na silang ugnayan.

Si Don Ian naman ay nagpatuloy na nag-aral din ng kolehiyo bilang computer engineering.

Si Donya Cassiopeia naman ay nag-aral bilang Accountant.

Si Don Andrew ay bilang Agricultural Engineering.

Si Don Charles ay bilang Accountant.

Si Don Darwin naman ay sa Dev-Com.

Lahat ng mga naging kaibigan ni Don Paulo ay nag-aral sa iba't-ibang mga kurso.

Matapos ang mga maraming taon ay silang lahat ay masayang nakapagtapos sa kani-kanilang mga kurso.

Dahil dito ay agad na nagpatayo ng business sina Don Paulo at Donya Serina. Ito ay ang Sunflower Business na kanilang ipinatayo sa Tarras Farm na kanilang binili.

Dito na sila naghanapbuhay para tulungan pa ang kanilang mga pamilya at sila ay nag-ipon ng marami.

Si Don Austin at Donya Feliciana naman ay nakalaya na at bumalik nanaman sila sa kanilang dating trabaho. Hindi na rin nila tinanggal si Donya Daisy bilang katulong nila.

Pumasyal nga rin ang mga ito kay Don Paulo dahil sobra nila itong namiss. Nasorpresa rin sila dahil sa kanilang lumalagong business.

Makalipas ulit ang mga taon ay binalikan nga ni Don Vincent ang kanyang kasintahan sa Esmeralda Island at sila ay agad na naikasal doon.

Pumunta nga rin si Don Paulo doon para umattend ng kanilang kasal kasama ang kanilang mga kaibigan.

Lumipas ulit ang mga taon ay naengage na sina Don Paulo at Donya Serina hanggang sila na rin ay nagpakasal. Dito ay sobrang saya nilang dalawa sa kanilang kasal at lahat ng mga tao sa Royal State ay imbitado at mga ilan nilang mga kaibigan sa Known State.

Dito na rin sumunod ang kasal nina Kaylo at Anghelita. Dumayo nga rin si Don Paulo dahil imbitado ang kanyang pamilya na hindi nabanggit sa unang nobela. Sumunod ay ang kasal ni Idran kaya naman hindi na umuwi ang pamilya ni Kaylo. Naranasan rin ni Don Paulo at ng kanyang pamilya ang skydiving.

Sumunod naman ang kasal ni Don Lance kay Jenniter. Kahit hindi nito kaibigan sila Don Paulo at ng kanyang mga kaibigan ay inimbita parin sila nito. Dito ay nakalaya na rin ang kanyang ama at tinupad niya ang kanyang pangakong darating siya sa kasal ng kanyang anak.

Pati si Don Andrew at ng kanyang kasintahan, si Don Andrew ng kanyang kasintahan ay naikasal sa parehong araw pero magkaiba ang simbahan na nakaganapan.

Silang magkakaibigan ay nagkaroon na ng mga sari-sarili nilang pamilya. Masaya at payapa.

Si Don Paulo at Donya Serina ay namuhay sa lugar ng Catab kung saan sila nagpatayo ng kanilang bahay at doon na rin sila nagkaroon ng isang masayang pamilya. Ang pangalan ng kanilang mga supling ay Don Aaron at Donya Czarina.

You are My Sunshine (Last, Volume 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon