“How dare you?! Ganon ba talaga kababa ang tingin mo sa akin, ha, Richard? Sa tingin mo, isasakripisyo ko ang buhay ng mga taong walang kinalaman sa gulong ito para lang balikan mo ako? Well, I’ve got news for you, Mr. Sarosa. Wala na akong pakialam sa inyong mag asawa. Masaya na ako sa buhay ko kaya bumalik na kayo ng ilusyonada mong misis sa Maynila at imbes na pagdiskitahan ninyo ako ay ayusin mo ang gulo sa SarDez. Kung makapagsalita ka akala mo may malasakit ka sa mga empleyado mo, eh imbes na kausapin mo ang mga investors na huwag nang mag-pull out ay nandito ka sa isla, nagwawaldas ng pera!” sigaw kong pabalik.

Kitang kita ang sakit sa mukha ni Rix dahil sa mga sinabi ko. I think I hit a nerve. The anger in his eyes disappeared and was replaced by sadness and desperation.

“Pumunta ako dito para kausapin ka na huwag nang ituloy ang pagtayo mo ng sarili mong kumpanya para kalabanin ang SarDez. I was going to offer to sell the company to you if that’s what it takes to save the company,” maluha-luha niyang sabi.

“I never intended to open up my own company, Rix. Nagulat din ako nang marinig ko iyang balitang iyan. I would never do anything to jeopardize something I worked hard for. Kahit hindi na sa akin ang kumpanyang iyan, naging bahagi na iyan ng buhay ko.” paliwanag ko.

“Then what was Trixie talking about?” tanong niya. He was obviously confused, and I don’t blame him.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Rix. Sasabihin ko ba sa kanya na si Trixie ang nagbanta  na aagawin ang lahat sa akin kung hindi ko pakakawalan si Matt? That would break his heart. Galit man ako sa kanya, he still doesn’t deserve to be hurt like that.

Ibubuka ko pa lang ang bibig ko para magpaliwanag nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Sabay pa kami ni Rix na lumingon kung saan nakatayo si Matt. He was shirtless again at medyo napatagal ang titig ko sa kanya dahil doon. Gaddemmit.

“Masanay ka na sa asawa mo, Richard,” malumanay na sabi ni Matt habang papalapit sa amin. When he reached where we were standing, he stood behind me and wrapped both arms around my waist as if telling Rix to back off because I was no longer available.

“Anong ibig mong sabihin?” gulong-gulong tanong ni Rix. Halatang rin na hindi siya komportableng nakikitang may ibang lalaki na nakayakap sa akin.

“Ask your wife. Siya ang sumugod dito kagabi. Siya ang nagbanta ng kung anu-ano sa girlfriend ko,” sagot naman ni Matt na lalo pang humigpit ang pagkakayakap sa akin na parang pinoprotektahan ako.

“No. Why would she do that? Bakit ka naman niya babantaan, lalo na’t may bago ka na palang mahal. You’re no longer a threat to our relationship,” pailing-iling na sabi ni Rix na parang kinukumbinsi niya ang sarili niya sa mga sinasabi niya.

“Pare, there’s so much you don’t know about your wife. Hindi mo alam kung ano talaga ang mahalaga para sa kanya,” pailing-iling na sabi ni Matt.

Nakikita ko nang umaakyat ang dugo ni Rix sa ulo niya. Senyales ito na nagagalit na siya. Hindi ko naman siya masisisi kung ganoon na lang ang reaksyon niya sa mga sinasabi ni Matt. The truth hurts.

“Kung may gusto kang sabihin, pare, direchohin mo na lang ako. Ang dami mo pang pasakalye eh,” nagngingitngit na sagot ni Rix.

Magsasalita pa lang si Matt nang unahan ko siya.

“Rix, your wife came here last night to tell me that she wants to get back together with Matt at kung hindi ako kusang susuko ay aagawin niya ang lahat sa akin katulad ng ginawa niyang pag-agaw sa iyo noon.  I’m sorry, but your wife is a gold digging who—“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil umilag ako sa palad ni Rix na muntik nang tumama sa pisngi ko. Naramdaman ko na lang na binitawan ako ni Matt para hawiin ang kamay ng ex boyfriend ko at saka niya ito sinuntok.

Napaupo si Rix sa lakas ng suntok ni Matt at kita din na may sugat ito sa gilid ng kanyang labi. Pinunasan ni Rix ang dugo mula sa kanyang mukha at akmang tatayo para lumaban pero umamba pa ulit ng isa pang suntok si Matt kaya’t hindi na niya itinuloy ang balak nito.

“Don’t you ever lay a hand on my girl kung ayaw mong magkamatayan tayo,” banta ni Matt na ngayon ay nanlilisik na ang mga mata. Sumulyap siya sa akin saglit at nakita ko ang paglambot ng expression nito. Agad niya akong hinapit papalapit sa kanya at niyakap habang si Rix naman ay pagapang na umalis sa cottage ko.

ISLA ROJO (Book 1) - Picking Up The PiecesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt