Chapter 17

2.5K 72 32
                                    

“What do you want, Rix?” taas kilay kong tanong sa kausap ko sa telepono. Naramdaman kong biglang napatingin sa akin si Matt na ngayon ay nakahiga na lang sa tabi ko.

“We need to talk, Alejandra.”

Yun lang ang sinabi niya at ibinaba na niya ang telepono. Nagdalawang isip ako kung haharapin ko siya. Pwede naman akong magkunwari na wala ako sa loob ng cottage ko at hayaan siyang mabulok sa kahihintay doon sa labas. May kung ano kasi sa boses niya na hindi ko nagustuhan. Para siyang galit na hindi mo maintindihan. He also called me Alejandra – and that’s never a good sign. Noon kasi ay senyales na iyon na galit siya at sa totoo lang ay nakakatakot si Rix kapag galit siya.

Nilingon ko si Matt sa tabi ko at tumango lamang siya na parang sinasabi niyang naiintindihan niya na kailangan kong harapin ang ex boyfriend kong naghihintay sa labas. Mabagal akong bumangon at humarap sa salamin para ayusin ang hitsura ko. Medyo gulo-gulo ang buhok kong patuyo pa lang pero wala na akong oras na suklayin pa iyon ng ayos kaya’t itinali ko na lang. Lumabas ako sa kwarto at isinara ko ang pinto. Ayokong makita ng ex ko na dito natulog ang bago kong boyfriend. Kilala ko si Rix, kaya niya akong balktarin tuwing nagaaway kami. Ayoko siyang bigyan ng bala para gawin iyon.

Marahan akong naglakad papunta sa pinto at dahan dahan itong binuksan. I wanted to appear cool, calm, and collected even if I really wanted to punch his face in for interrupting what would have been a wonderful morning. Kaunti pa lang ang puwang sa pagkakabukas ng pintuan nang itulak iyon ni Rix pabukas. He looked pissed.

“What the hell, Rix?” gulat kong tanong.

“I’m supposed to ask you that, Ali. What the hell did you do to my wife?” tanong niyang may halong paninisi na kung ano man ang sinasabi niyang ginawa ko ay hindi ko alam.

“Huh? You tell me. What did I do to your wife to make you barge in here and attack me like a rabid dog?” pagalit kong tanong sa kanya.

“I’ve always known you could be a real bitch when you’re angry, but I never thought you could stoop so low!” pasigaw niyang sagot.

Ay, ang kulit ah. Tinatanong ko nga kung anong ginawa ko eh, tapos ganyan ang isasagot mo? Ayos ka rin, kid, ah! Batukan kita diyan eh.  Pinigilan ko ang sarili kong patulan ang pagsigaw ni Rix kaya’t pumikit ako at huminga ng malalim, nagbilang hanggang tatlo at saka idinilat ang aking mga mata.

“Malinaw ang tanong ko diba? Ano ang ginawa ko at nanggigigil ka sa galit diyan? Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi mo,” malumanay, pero matigas kong sagot.

“Huwag ka nang magmaang-maangan. Inaway-away mo ang asawa ko! You threatened Trixie last night na kung hindi daw niya ako hihiwalayan, gagawin mo daw ang lahat para palubugin ang SarDez para wala daw siyang mapala sa pinaghirapan mo. Ganon ba kalaki ang galit mo sa amin na pati ang mga empleyado ng kumpanyang minahal mo ay hahayaan mong mawalan ng trabaho para lang makaganti ka? At ano, kung iwan nga ako ni Trixie? Sa tingin mo babalikan pa kita?” diredirecho niyang sabi.

Bakas na bakas ang galit sa mga mata ni Rix, pero mas galit ako kaya naman isang malakas na sampal ang agad kong pinakawalan. Sa lakas nito ay dinig na dinig mo ang paglapat ng kanang palad ko sa kaliwang pisngi ni Rix.

ISLA ROJO (Book 1) - Picking Up The PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon