35

1.2K 9 1
                                    

"Beb, may bisita ka"

Wala akong taping ngayon dahil restday ko, gusto ko lang sanang humilata lang sa kama at huwag nang tumayo. Kaso may nag hihintay sa akin sa labas ng kwarto ko kaya wala akong nagawa kung hindi tumayo at lumabas ng kwarto. Nagulat pa ako na nakaupo sa sofa si Syd at deretsyong nakatingin sa akin.

"You'r here?" sabi ko, nagtataka.

"May schedule ka ba ngayon?" tanong niya, umupo ako sa tabi niya at humarap naman siya sa akin.

"Wala" I said and kissed him on the side of his lips. "Why?"

"Date tayo" he said, looking into my eyes.

"Okay, mag aayos lang ako" sambit ko at nagmamadaling pumasok sa kwarto.

Mabilis ako pumasok sa banyo at nagligo, hindi ko alam kung anong susuotin ko, kahit na marami akong damit sa aparador. Nailabas ko na ata lahat ng damit ko sa cabinet ay wala pa rin akong nabibiling maganda. I ended up wearing a purple sleeveless top, na may itatali sa likuran, partnered with a purple long skirt and beige sandals. Naglagay lang din ako ng light make up, para hindi ako mag mukhang patay dahil sa putla.

Kinuha ko lang yung white shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto, napatayo naman kaagad si Syd nung makita ako.

"Let's go?" i said, tumango lang siya at nag lakad sa papalapit sa akin "Cali, aalis na kami." paalam ko.

Dumeretsyo kami ng parking lot dahil doon daw niya pinark ang sasakyan niya, pinag buksan niya ako ng pinto bago inalalayan makapasok. Umikot siya sa driver seat bago pinaandar ang sasakyan. While driving his other hand is holding my hand.

Wala akong kaide ideya kung saan kami pupunta pero nung makita kong papunta kami ng pampanga ay napalingon kaagad ako sa kanya. Ngumiti lang siya at pinagpatuloy ang pag mamaneho.

We stop at St. Julianna, Capas Tarlac. Wala pa nga akong balak bumababa kung hindi lang ako pinag buksan ng pinto ni Syd. we rent a ATV papuntang mt. pinatubo.

Tag isa kami ni Syd dahil pinilit ko talagang tag isa kami dahil gusto ko din masubukan, wala naman siyang nagawa kung hindi hayaan ako. Sayang lang at hindi ko dala yung camera ko kaya tanging cellphone lang ang dala.

Hindi naman kasi siya nag sasabi kung sana kami pupunta basta basta na lang mag aaya na mag dadate! Hindi tuloy naka ayon yung damit ko sa activity!

Kita ko ang pag aalala ni Syd nung sumakay ako sa ATV, ininstract lang sa amin kung paano gamitin bago kami masimula, pinauna ako ni Syd at siya ang nasa likuran ko.

Kahit na mabagal ang pagpapatakbo ko ng ATV ay wala akong narinig na reklamo mula sa kanya, hinayaan niya lang ako hanggang sa masanaya ako. Nung binilisan ko ang pagpapatakbo patungong ilog, narinig ko ang mahihinang mura ni Syd na nagpatawa sa akin, napatili ako nung matalsikan ako ng tubig. Wala na! Basa na ako!

Nang makarating sa destinasyon ay talagang namangha ako sa ganda ng tanawin. Kinuhanan ko ng picture yon, nag take lang kami ng pictures ni Syd bago napag pasyahang bumalik na. May tourist guide naman kaya hindi kami maliligaw pabalik.

"Nag enjoy ka?" tanong niya habang seryosong pinupunasan ang basa kong katawan gamit yung towel na dala niya, im still wearing my clothes.

"Yes, super!" i exclaimed

"Mukha nga, muntik pang sumemplang yung ATV sa ilog!" sambit niya at napailing, i just giggled softly. I clanged my arm to his neck and tiptoed to give him a soft kiss. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ka dahil napatigil siya sa pag pupunas ng braso ko.

"Tara, balik na tayo ng manila" sambit niya, sumakay na ako sa shotgun seat at siya naman ay sa driver seat, nag stop over lang kami sa kfc para kumain.

Seeing You In The Crowd (Seeing You Series 2)Where stories live. Discover now