03

720 15 0
                                    

"I need to go, bye"

I said as I kissed my mom's cheeks. This past few days inabala ko muna ang sarili sa pag gawa ng plates para sa mismong birthday ni Irish wala na akong iisipin na gawain. Nagpahatid lang ako sa driver ni mom papunta sa location kung saan gaganapin ang birthday ni Irish. I just wear my yellow swimsuit na may malaking butas sa tagiliran, white shorts at gray long cardigan para matakpan ang katawan ko and sandals.

Pagkarating ko sa place narinig ko na agad ang malakas na tugtog mula sa loob. Palapit ako ng palapit, palakas din ng palakas ang tugtog. Pero bago ako makapasok, hinarang ako ng bouncer.

"Invitation po ma'am?" he asked, i immediately opened my pouch and gave him the invitation. Tiningnan muna niya ako bago siya tumabi sa gilid at padaanin ako.

Why? Do I look like underage? Well im 19, legal age na. At isa pa di ako pupunta sa gentong klase place kung underage ako noh!

Nang makapasok sa loob ang unang bumungad sa akin ay ang malikot na ilaw dahilan kung bakit masakit sa mata, ang malakas na tugtugin at ang pinaghalong amoy ng usok at alak.

Pumunta agad ako sa may poolside para magpahangin, hindi pa man ako naka-katagal nahihilo na agad ako. Aaminin kong hindi ako sanay sa mga ganitong bagay, kaso wala akong choice kung hindi pumunta dahil tiyak na magtatampo si Irish kung hindi ako pumunta. Inalok ako ng isa sa mga waiter ng alak pero agad ko ito tinanggihan, tinanong niya kung anong gusto kong inumin sinabi ko na lang na cocktail, tumango lang siya at makalipas ang ilang minuto ibinigay niya sa akin ang isang baso ng cocktail at umalis na din.

Umupo ako sa poolside at tinanggal ko yung sandals bago ko nilawit ang paa sa may pool at nagtampisaw. Hindi pa man din ako nakakatagal sa pagkakaupo may bigla na lang humawak sa akin sa may braso kaya nagulat ako at muntik ng mahulog sa pool. Masama ko itong binalingan ng tingin, pero siya tumawa lang. Walang iba kung hindi si birthday girl, hayop na yan wala akong planong mag swimming.

Umupo siya sa tabi ko at gaya ko inulublob niya rin yung mga paa niya sa pool.

"Why are you here?" tanong niya, napatingin naman ako sa kanya na nagtataka

"Hello, you invited me here!" i sarcastically said, parang tanga. Magtatanong kung bakit ako nandito kung siya naman nag invite, makatanong na lang eh!

Tumawa siya bago napailing "what i mean to say, ba't ka andito sa poolside. Bakit hindi ka sa loob" paglilinaw niya, napairap naman ako

"Nahihilo ako sa loob kaya nandito ako" paliwanag ko naman.

Tumayo siya at napatingala naman ako, inabot niya ang aking kamay para makatayo ako. Kahit naguguluhan sumunod na lang din ako sa kanya. pumasok kami sa loob, ayun na naman yung mga malakas na tugtugin galing sa dj.

Lumapit kami sa mga nagkukumpulan at doon ko lang nakita kung ano yung nilalaro nila, ping pong beer game. Ang mechanics ng laro kailangan mong patalbugin yung mga pingpong para mashoot sa mga baso sa kabila, once na hindi mo na ipasok ang ping pong sa baso kailangan mong uminom ng beer, paulit ulit lang hanggang sa kung sino ang unang makapasok ng mga ping pong sa sampung baso sa kabilang side ng lamesa. Kapag talo ka, you don't have a choice but to accept the dares.

"Guys, sali kami!" singit ni Irish at hinila pa niya ako palapit sa kanya. "Kami kampi!"

"Sure. Arjon" pagpapakilala nung lalaking na naka puting polo na bukas ang tatlong butones

"Driff" the other man said while offering his hand to me, nakayellow na t-shirt lang siya at board shorts.

The game start, pinauna na nila kaming maglaro, unang patalbog ko ng bola pumasok iyon sa pang walong baso, si Irish naman hindi niya na ipasok yung bola kaya kumuha siya ng baso na naglalaman ng beer sa tabi niya. Pitong bola lang ang nashoot namin sa mga baso, sila naman siyam kaya ang ending talo kami.

Seeing You In The Crowd (Seeing You Series 2)Where stories live. Discover now