26

1.5K 21 2
                                    

(Syd POV)

"Pre, ano nakahanap ka na?"

Nakailang tawag pa sila sa akin hanggang sa maramdaman ko na lang na binatukan ako ng kupal, masama ko itong binalingan ng tingin. Tatawa tawa ang loko. Ilang araw na kasi nila akong kinukulit kung nakahanp na ba daw ako ng bago, dahil mag iisang taon na noong huling relasyon ko, kung ako nga di makahanap, sila pa kaya na naiinip na.

At bakit ba sila nagmamadali? Sarap kayang maging single... di mo kailangan mag update araw araw, nakakapagod din kaya...

"Tangina mo sebastian! Wag kang papahuli sa akin!" sambit ko at hinabol siya.

Hindi ko tuloy sinasadyang mabungo si miss...di ko alam name niya, ngayon ko lang siya nakita... ay puta naliligaw ata? taga archi. Dept. dahil sa uniform niya.

Nahulog pa yung folder namin. Kaya ako na ang nagkusang pumulot non.

"Nawawala ka ba?" tanong ko

"Ano ako bata? Nawawala sa mall?"

Nagtanong lang naman ako ah? Bat nagagalit siya?

Ibinigay ko na sa kanya ang folder niya at umalis na din. Napangisi ako noong makitang prenteng nakatayo si Kyt na nakatalikod sa akin. Mabilis kong hinila ang kwelyo niya pabalik at mukha naman siyang nagulat dahil natumba.

Tawa ako ng tawa dahil hindi lang pala ako ang nakakita non dahil marami kami, puro babae pa.

"Pakyu ka Gonzales!" sigaw niya, tatawa tawa lang ako pumasok sa room namin.

Sisilip na nga lang bobo pa

"Gonzales, tawag ka ni Coach" sambit ni Vince. Tumango lang ako at sumunod na sa kanya.

Malapit na kami sa gym noong makarinig kami ng sigaw. Nakita ko kung paano tumama yung bola ng football sa ulo nung babae.

"Bobo amputa!" sambit ko at tumakbo palapit sa nagkukumpulan na ngayon. Binuhat ko yung babae at tinakbo patungong clinic.

Napagbintangan pa nga! Siya na nga ang dinala sa clinic siya pa ang maninisi. Ako ba ang sumipa at ginawang net ang ulo niya? Aliw din toh si miss hair clip eh!

Hair clip? Ang cute kasi ng hair clip niya, mukha siyang grade one na nilalagyan ng nanay ng hairclip para daw mag mukhang kikay.

Nag aya sila Tiffany na kumain sa street field, naglilihi na naman ang isang yon sa sisig panigurado! Ano bang meron sa sisig at gustong gusto nila yon, kadiri kaya! May mayonnaise tapos tenga ng baboy. Nakain ako ng pagkaing pangkalye, katulad ng tokneneng, fishball, isaw at kung ano ano pa huwag lang yung betamax, ulo, tenga, at yung iba pa.

"Ngingiti ngiti mo jan? Mukha kang gago!" sita ni Raven. Kita ko pang may pula siya sa bandang leeg.

"Papansin si Raven. Wehh.. di na masaya!" sabi ko, nangaasar

"Immature amp! Doon ka nga! Pinagpalit sa malayo!" pang aasar niya, tiningnan ko siya ng masama at humalagpak siya ng tawa, paano kaya kung batukan ko toh? Tatalsik toh patungong mars

"Okay lang at least di ako pinagpalit sa kafubu!" bawi ko sa kanya, mukhang napikon dahil mabilis nagiba ang mukha niya, ako naman ang humalagapak ng tawa

"Bwisit ka! Syd Calderon! Buto na nga, kaldero pa! Yung totoo may galit ata nanay mo sayo nung pinagbubuntis ka eh!" Trip talaga niya ako, kapag talaga ako nang trip sa kanya. Aalis yan ng earth! Lilipat sa sun!

"Doon ka nga, naiirita ako sa pagmumukha mo"

"Hindi ikaw ang nag-aya sa akin dito! Kaya wala you karapatan paalisin si me!" sambit ko at medyo inartihan pa ang boses, inirapan niya lang ako at tumayo para mag order.

Seeing You In The Crowd (Seeing You Series 2)Where stories live. Discover now