"Okay... yun lang ba?" tanong ko

"Oo, susunduin na lang kita sa table mo—"

"No! Don't do that!" i cut him, tinaasan niya lang ako ng kilay "even im in this field, cameras and media are all over. I don't want to bring your name in my field" mas lalong lang tumaas ang kilay niya, he misunderstood me "i mean... hindi sa ayaw kong dalhin, ayaw lang kitang madamay." i saw his lips rose up, and averted his gaze at me.

"Need to go."

Lumabas na ako ng office niya at dumeretsyo na sa floor ko, sinimulan ko na ang pag gawa ng draft bago floor plan pagkatapos ay sinend ko na yung email sa client. Sabay kami nag tanghalian ni Syd, sa canteen ng company lang kami kumain, he always ask about my day, kahit hindi pa man natatapos ang araw.

Inayos ko lang ang mga gamit ko bago pumunta ng parking, hindi naman ako nag intay ng matagal dahil nakita ko na ang sasakyan ni Syd. mabilis akong sumakay para walang makakita sa amin.

"Birthday ni Syarain..." sambit niya, nanlaki naman ang mga mata ko.

"Punta muna tayo ng mall" sambit ko, nakita ko ang pagkagulo sa mukha niya pero sumunod din naman siya. "Anong gusto ni Syarain?" tanong ko,

"Kahit huwag na" sabi niya at umiling pa

"Ano nga ang gusto?"

"Kahit ano na lang, basta pambabae"

"Did she like painting? Instrument?" tanong ko ulit

"Masyado pang bata si Syarain para sa ganyan" sagot niya

"Huh? She's 8 years old right?" i ask, he nod

"Gusto niya sa music" biglang sabi niya. Tumango lang ako at lumabas ng kotse, hindi na ako nag abala pang maglagay ng Mask, kaya medyo dinumog ako ng tao.

"Excuse me, excuse me." sambit ko habang dumadaan, thank god na binibigyan pa nila ako ng personal space. Bumili ako ng music box, canva, paint, palette, brushes. Nilagay ko na lang yon sa isang birthday bag.

Lumabas na ako sa isang store at ganon na lang ang gulat ko nung mas lalong kumapal ang tao at kanya kanya silang tutok ng camera sa akin. Buti na lang at mabilis ang mga security kaya naka labas agad ako at buti na lang ay nasa tapat na ng exit ng mall yung sasakyan ni Syd.

Dumeretsyo na kami sa bahay nila, konti lang ang bisita nila. Nag iba ang ayos ng loob ng bahay nila pero hindi ko tinatangging mas gumanda ito. Nakatayo lang ako sa tabi ng pinto at lumabas si Tita Sylvia sa kusina hawak hawak ang bowl ng chicken, muntik niya pa iyon mabitawan dahil sa gulat. Buti na lang at nalalayan kaagad siya ni Syd.

"Ela!" tumakbo papalapit sa akin si tita at niyakap ako ng mahigpit.

"Pasensya na po at ngayon lang nakadalaw" nahihiyang sabi ko.

"Kamusta ka na? Mas lalo kang gumanda. At totoo ngang sikat ka na. Syarain!" sambit niya, lumabas naman si Syarain na may hawak na bulaklak, she's wearing a pink floral dress. Nagtataka siyang tumingin sa nanay niya bago tumingin sa gawi ko, Nahulog niya pa iyong hawak niyang bulaklak. Nanlalaki pa ang mata na parang hindi siya makapaniwala

"Si Ela, anak. Siya ang nagbigay ng pangalan mo" sambit ni tita, ngimiti lang ako.

"H-hello po?" nahihiyang bati ni Syarain, at wala sa sariling lumapit sa akin at binigay ang bulaklak na kanina lang ay nahulog niya. Kinuha ko iyon at nilagay sa gilid ng tenga niya, kita ko ang kaba sa mukha niya

"Idol ka niyan ate! Di siya naniniwala na iakw ang nag bigay ng pangalan niya" biglang singit ni Sylvan.

Napangiti ako bago ko siya niyakapat at ibigay ang regalo ko sa kanya, kinuha niya iyon at tumakbo sa itaas, bago bumaba na may hawak ng violin at marker.

"P-papirmahan po, nag aaral po ako ng violin kasi po idol ko po kayo" sambit niya at titig na titig sa mukha ko, parang inaaral niya ang lahat ng sulok ng mukha ko.

Natawa lang ako at pinirmahan yon, i even put her name on it.

"P-pwede po ba mag request?" sambit niya, hindi na siya ngayon makatingin sa akin.

"Oo naman, ano yon?" sambit ko

"Pwede po ba kayong tumugtog ng violin?" sambit niya at iniabot sa akin ang violine niya. Natigilan naman ako at napatingin kayla tita, matagal na akong hindi nakakapag violin at harp lang ang tinutugtog ko.

"Sige, anong kanta?" sambit ko kahit may pagdadalawang isip

"I see the light po" nagbigay siya sa akin ng pape, nandoon lahat ng chord bago binigay ang isa pang violin, alam ko na kaagad kung kanino dahil sa lalagyan pa lang. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang madaming sticky notes na may nakasulat sa loob. Punong puno iyon kaya nahirapan pa akong ilabas ang luma kong violin, naramdaman kong nag init ang mata ko nung nakita ko ulit yon, at nag flash back lahat ng mga memory sa sa utak ko nung ginagamit ko o tinutugtog ko yung violine.

Napatingin ako kay Syd, at nagtama ang tingin namin, kita ko sa mga mata niya ang halong halong emosyon, tuwa, sakit, at pagka excited

Kinabisado ko lang yung chords at lumbas sa may bakuran nila kung saan nandoon ang mga bisita, pumwesto si Syd sa pinakadulong bahagi, malayo sa akin. Inayos ko ang pwesto ni violine at nilagay sa kaliwang balikat at sinimulan nang tumugtog, napapikit ako at napangiti.

Ramdam ko ang pag uumapaw na saya sa puso ko, baby, it's been three years since i last play you, do you miss me? I miss you too.

Napadilat ako ng mata nung may sumabasy sa pag tugtog ko, nagtama ang tingin namin ni Syd at nakita kong ngumiti siya sa akin. Damn. I miss that reaction, that expression when I play my instrument.

Tumingin ako sa sumabay sa akin, it was Syarain, nakangiti lang akong ngumiti sa kanya. Pag katapos namin tumugtog ay nagpalakpakan ang mga bisita, niyakap ko ng mahigpit si Syarain.

"Ang galing galing mo tumugtog!" puri ko

"Sabi po ni mama, kaya daw po gusto ko ang violin dahil sayo po" nakangiti niyang sambit

" Happy birthday Syarain!" 




________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________


:)

Seeing You In The Crowd (Seeing You Series 2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora