"Baka naman masobrahan na ako sa pagod dahil dito at mapabayaan ko na ang studies ko."

"Nah, you'll be fine. Now go and change. I'll prepare our breakfast."

Hindi na siya naghintay pang muli nitong sabihan at kaagad ng tumayo. Mabuti naman at may sapat ng lakas ang kanyang mga binti kaya maayos siyang nakapaglakad papunta sa silid na itinuro ni Vengeance. Bagaman hindi nalingid sa kanya na parang alerto itong nakaantabay kung kakayanin na ba niyang tumayo na mag-isa.

"There's a fresh towel there, you can use it," pahabol na sabi ni Vengeance bago niya naisara ang pinto.

Parang isang maliit na locker area iyon at shower room na rin. Hindi siya sanay manghiram o gumamit ng gamit ng iba dahil nga medyo maselan ang kanyang balat pagdating sa tela. But she noticed, Vengeance is also using branded stuff. Naiiling na naghilamos na lang siya at nakigamit na rin ng tuwalyang tinutukoy nito. Naisip niyang sa susunod na punta nila roon ay magdadala na siya ng sariling bimpo at pamalit na damit. Including underwear. Basang-basa na ang sports bra niya at pati na ang undies.

Nang makapagpalit ay lumabas na siya. May nakahain ng pagkain sa ibabaw ng coffee table. Fresh orange juice, waffles, bacon and egg, and hash brown. 

"Wow," she almost salivate. It felt like forever since she had a full American breakfast.

"Let's eat," ani Vengeance.

Ang kanina'y magkatabing upuan ay nakapihit ng paharap sa pabilog na coffee table. Mukhang iyon talaga ang purpose ng mesang iyon.

"Where did you get all these?" nagtataka namang tanong niya sa binata.

"Bentley prepared them before he left. Inilagay niya lang sa oven to keep it warm."

"Hmm, I've missed this," hindi niya napigilang ikomento.

"Sanay ka ba sa ganitong agahan?"

"Ha? Um, matagal na kasi akong hindi nakakakain ng waffles. Madalas akong ipinagluluto ng ganito ni Mommy for breakfast."

Tumango lang ito at hindi na nag-usisa. Bagay na lihim niyang ipinagpasalamat dahil hindi niya alam kung paanong ie-explain dito ang kanyang sitwasyon. O kung paano itong magre-react. Kilalang personalidad ang kanyang ama sa buong lalawigan. Iyon ba namang mas malaki pa ang pangalan nito kaysa sa mga waiting shed na proyekto nitong nakahanay sa mga gilid ng kalsada. Inilipad na ang bubong ng waiting shed ngunit ang pangalan nito ay prominenteng nakapaskil pa rin ang mga letra. Kung siya ang tatanungin mas mabuti pang inilaan na lamang iyon ng kanyang ama para sa isang scholarship program. Tiyak na mas marami pa ang nakinabang. At higit na mas makabuluhan iyon dahil maraming kabataan ang walang kakayahang tustusan ang pag-aaral sa kolehiyo sa bigat ng tuition fee at daily expenses.

"Gusto mo ba ng kape?" pukaw ni Vengeance sa malalim na pag-iisip ni Meredith.

Mabilis siyang umiling. "No. Ayos na sa akin ito."

Nang matapos silang mag-agahan ay magkatulong silang nagligpit.

"Ako na ang maghuhugas ng mga pinggan," boluntaryo niya. 

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Expert na yata akong maghugas ng pinggan," may pagmamalaking saad niya.

"Okay. Magsa-shower lang ako."

"Sige."

"By the way..."

"Hm?" nilingon niya ito.

"My shirt looks good on you."

"Oh."

Hanggang sa mawala ito sa paningin niya ay para siyang tuod na nakatayo sa may harapan ng sink. Pagkuwa'y wala sa loob na napatutop siya sa tapat ng dibdib nang parang tambulin iyon nang malakas. Nasuri niya rin nang wala sa oras ang kanyang hitsura at baka nakabakat pala ang kanyang nipples. Pero hindi naman. She looks decent pa rin naman kahit pakiramdam niya ay nanlalagkit na siya sa pawis.

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuWhere stories live. Discover now