Dear Glenn, (2)

77 8 0
                                    

Dear Glenn,

Panay ang text ko sa iyo noon. Ni hindi ko alam kung naiinis ka na ba sa akin o ano dahil hindi ka naman nagrereply pero hindi pa rin ako sumuko sa iyo. Hindi na ako mawawala. Ayaw ko na makita na nalulungkot ka dahil sa akin.

Glenn, hindi ka talaga magre-reply? Gusto mo ba, loadan na kita para naman malaman ko kung ano ýong reaction mo sa mga texts ko? Mamaya niyan, hindi mo number 'to ha. O baka, hindi na registered sa mundo itong tine-text ko? Magparamdam ka naman.

Glenn, nandito ako sa wishing well. Nakatambay ako. Paulit-ulit akong nagtatapon ng piso sa wishing well na 'to. Alala mo pa ba kung saan ito? Lagi natin 'tong ginagawa dati bago tayo umuwi. Bata pa tayo noon pero tanda ko pa rin. Alam mo kung ano ýong hinihiling ko dito ngayon? Na sana mag-reply ka na.

Good morning, Glenn! Ayos ka lang ba dyan? Naghihintay pa rin ako ng text mo. Ang dami kong kwento pero hindi naman kita matawagan. Smart ka at Globe naman ako. Hay. Sana ay okay ka lang. I-text mo lang ako kapag kailangan mo ako.

Hanggang sa isang araw, niyaya ako ng mga kaibigan kong pumunta sa beach na walang signal. Alam mo ba, pilit akong nag-send ng texts sa iyo noon pero hindi ko talaga nagawa?

Inis na inis pa ako noon dahil na-extend kami roon dahil gusto pa nilang mag-stay. Wala naman akong magawa dahil sunud-sunuran lang naman ako sa kanila.

Pagka-uwi ko noon, nakita ko agad na may text ka sa akin. Sa totoo lang, sobrang saya ko noon eh. Kasi, kahit isang beses ay nag-reply ka sa akin. Akala ko kasi, hindi ka nagre-reply dahil galit ka.

Mai, ayos ka lang ba? Bakit hindi ka na nagpaparamdam sa akin? May nangyari ba sa iyo? Pasensya ka na kung hindi ako nagte-text sa iyo. Hindi kasi talaga ako mahilig gumamit ng cellphone ko pero gusto kong malaman mo na nababasa ko lahat ng text mo para sa akin. Ituloy mo lang. kahit hindi ako mag-reply, nakikinig ako.

Hindi na ako nakapag-reply noon dahil nagkasakit ako. Dinala nila ako sa ospital. Hay, naku. Ang daming chineck sa akin pero hindi pa raw matukoy ang sakit ko. Isang linggo ako noon sa ospital. Hinang-hina ako.

Pagbalik ko sa bahay, cellphone ko agad ang hinanap ko. Medyo okay na ako noon kaya nakagamit na ako ng cellphone. Ikaw agad ang tinext ko dahil hindi nga ako nakapag-reply agad sa iyo noong nakaraan.

Glenn, sorry! Hindi na kita naitext kasi walang signal doon sa pinuntahan ko. Nakakainis nga. Alam ko, nag-aalala ka na. Okay naman na ako, sana okay ka na rin. Kapag pumunta ako dyan, ike-kwento ko sa iyo kung ano na ang nangyari sa akin ah?

Hindi ko na lang sinabi na nagkasakit ako at nadala ako sa ospital. Ayaw ko kasing mag-alala ka sa akin. Gagaling din naman ako. Walang problema roon.

Sobrang aminado naman ako na nagkamali ako rito. Bigla na naman akong nawala sa iyo dahil naging boyfriend ko si Kane. Maniwala ka man o hindi, lagi kitang naiisip noon. Ayaw ko lang talaga siyang mag-selos kaya ako na mismo ang lumayo sa iyo. Ayaw kitang mapahamak dahil sa akin. Alam ko na kahit anong paliwanag ko sa kanya noon, hindi niya maiintindihan.

Hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataon na sabihin sa iyo ýon dahil umuwi ng probinsya si Kane. Agad-agad kitang tinext at sinabi ko sa iyo na kami na. Alam kong sinabi ko na after 10 years ay ikakasal tayo pero wala eh, may naramdaman ako sa kanya at hindi ko naman iyon pwedeng pigilan. 

Glenn, boyfriend ko na si Kane. Pasensya ka na kung ngayon lang ulit ako nakapag-text sa iyo. Magseselos kasi siya eh. Pero huwag kang mag-alala, lagi kitang naiisip. Sa totoo niyan, kapag binibigyan niya ako ng bulaklak ay naaalala ko ýong sunflower na tinanim mo para sa akin noon. The best pa rin iyon.

Dumaan ang mga buwan, noong una naman ay ayos kami ni Kane kaso lang, nagkalabuan agad kami dahil kahit maliliit na bagay lang eh pinapalaki niya. Hindi ko alam kung bakit. Sobrang sakit nga eh. Kahit alam kong magagalit ka sa akin noon, kwinento ko pa rin sa iyo dahil alam kong kaibigan kita.

Glenn, bigla na lang siyang nagalit sa akin. Kasalanan ko ba na makaramdam ng selos? Kasalanan ko ba na noong makita ko na kasama niya ýong babae, eh nagselos ako? Sabihin mo sa akin Genn, kasalanan ko ba?

Glenn, sinigawan niya ako. Deserve ko ba na masigawan? Sa ilang taon na nabuhay ako, never naman ako sinigawan ni Mama. Si Kane pa lang ang nakagawa noon sa akin. Naiiyak ako, Glenn. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Lalaban pa ba ako, Glenn?

Pagkatapos ng ilang taon ay nalaman kong may babae siya. Nahuli ko sila sa mall na magkasama. Dine-deny pa niya noong una pero inamin din noong babae sa akin na girlfriend nga raw siya ni Kane. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa sarili ko o sa kanya dahil hindi niya raw alam na dalawa kami sa buhay ni Kane.

Iyak ako nang iyak noon. Hindi ko na nasabi sa iyo dahil pinatay ko ang cellphone ko noong mga panahon na iyon. Text kasi nang text sa akin si Kane at ayaw ko naman siyang kausapin kaya wala na akong nagawa kung hindi ang patayin na lang ang phone ko.

Ang alala ko noon, ilang araw pa akong hindi nalabas ng kwarto ko. Isang linggo rin yata ang nakalipas bago nalaman ni Mama na wala na kami ni Kane. Iyak ako nang iyak noon. Todo hiling pa nga ako sa Diyos na sana ay karamay kita sa ganitong mga pagkakataon pero hindi naman pwede. 

Paramdam ka naman ulit. Ikaw naman sana ang mangamusta sa akin. Kailangan na kailangan kita ngayon, Glenn. Hindi ko na alam gagawin. Gusto kong magalit sa mundo pero hindi ko magawa. Hay, sana ay matanggal na ýong sakit na nararamdaman ko.

Mai.

Dear Glenn, (Completed)Where stories live. Discover now