PROLOGUE

94 10 1
                                    

" Your such a failure to us, wala kang kahihiyan!!! " sigaw sa akin ni mommy ng malamang hindi ko naipasa ang 3rd year exam ko.

Sino ba naman kasing papasa sa exam ng kursong hindi mo naman gusto? Sa kursong pinili ng ibang tao para sayo?

Umiiyak ako ngayon, nakakulong sa kwarto at hindi ko alam kung ano ang una kong kararamdaman. Sakit, lungkot o kahihiyan?

Gusto kong sumigaw, gusto kong lamunin ako ng lugar na kinatatayuan ko ngayon.

I disappointed them and also my self. How will I do now? Alam kong sunod na mangyayari nito ay papalayasin nila ako, and worst itatakwil nila ako.

Ang sakit. Ang lungkot. Nakakahiya.

Ganon ba talaga ako kabobo? Katanga? Para hindi maipasa ang exam ko?? Aminado akong hindi ko gusto ang course na yun, but why the hell did I failed??

Wala akong ibang maramdaman, napapagod na ako kakaiyak. Ayaw kong kumain, dahil ayaw kong bumaba. Sisigawan lang nila ako ng kung anu-ano. At magdudulot lang yon ng sakit sa pakiramdam ko.

Bumaba ako after how many hours ng mugtong mugto ang mata ko at hindi ko alam kung anong itsura ko. Pakiramdam ko ang dugyot-dugyot ko.

" Ano pang ginagawa mo dito? Lumayas ka na!! Wag na wag ka ng babalik dito!! " salubong sa akin ni mommy. Galit na galit sya, at hindi mo kakayanin ang galit na yun. The way she shouted at my face, it's sad. It hurts me a lot.

" I-im sorry mom ". bulong ko.

Umakyat akong muli sa kwarto ko, umiiyak na naman ako.

Where will I go now?

Habang inaayos ko ang gamit ko sa dalawang malaking maleta iniisip ko kung saan ako makakapunta habang umiiyak, habang patuloy na ninanamnam ang sakit.

Yes I'm a failure, nakakahiya ako. Ano pa nga bang aasahan ko? Eh ang bobobobo ko naman talaga.

I smile even though my face is wet by my tears.

Tumapat ako sa salamin na nasa kwarto ko. Animo'y nagpapakilala ako sa sarili ko.

" Hi failure ". sabi ko sa sarili ko.

AFTER A MONTH AGO

Nandito ako sa isang apartment. Nag-iisip, kadalasan ay sumisigaw at tinatawag ang sariling failure at kahihiyan. Ako naman talaga yun eh, bakit ko pa itatanggi?

May ipon ako sa bank account ko kaya ako may naipang rerenta dito, hindi ko man alam kung hanggang saan ako aabutin ng laman noon pero nagtitiwala akong kakayanin ko ang mabuhay kahit mag-isa lang ako.

Habang lumilipas ang oras ay nagsisinungaling ako sa sarili ko, nagkukunwaring masaya ako, nag kukunwaring malakas ako.

Now, I hate the sun. I don't want to see my face by anyone.  Pakiramdam ko, tuwing masisinagan ng araw ang mukha ko ay hindi ko magawang magsinungaling. Na masaya ako, na malakas ako. Dahil sa liwanag na nagmumula sa araw ay sinasabi noon ang lahat, na mahina ako. I wanted to feel the darkness everytime, kasi nakukumbinsi ko ang sarili kong masaya ako. Nakukumbinsi ko ang sarili kong nakangiti ako dahil hindi ko nakikita ang luhang nagkalat sa mukha ko.

A FEW MONTHS AGO

" Ma'am anong oras po tayo magsasara ngayon? " tanong ko sa amo ko ng may ngiti sa labi.

" Maya-maya iha, kokonti nalang ang tinda nating ulam ". sabi ng amo ko.

Nag trabaho ako. Kahit alam kong sa susunod na linggo ay magsisimula na ang pasukan.

Kung dati sa private school ako dahil sustentado ako ng mga magulat ko, ngayon ay sa public nalang ako.

Sinimulan ko ulit lumalaban, hindi man kasing confident noon atleast kinakaya ko pa rin.

Nakakangiti na ulit ako, hindi nga lang gaya ng dati.

Nakakatawa na din ako, hindi na nga lang kasing lakas at haba gaya ng dati.

Pero hanggang ngayon, hate ko pa din ang araw. Kaya masp pinili kong gabi nalang ang oras ng aking pagtatatrabahuhan.

Balang araw, makakakita at makakakilala din ako ng taong muling magpapasaya sa buhay ko. Muling magbibigay ng liwanag sa madilim kong mundo.

Never Ending DreamsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora