Chapter 5- Past Relationship

16 1 0
                                    

Alexa's POV

(Flashback parin to)

Tumingin ako sa cellphone ko to check if chris already texted me. And yes nagtext na nga siya. Halos every minute ata to kung mag text sakin. Kahit nasa klase kami parehas nagtetext parin to ng nagtetext sakin. Isa rin yang dahilan kaya hindi ako nakakapakinig sa lesson ng mga prof ko.

3 sms from honey ko,

"I love you honey ko"

"Miss na kita agad hon."

"Excited nako makita ka. Ang bagal ng oras."

See? Ang dami niya agad text sakin. Bigla akong napangiti sa text niya sakin. Nawala yung malungkot kong mukha. Kahit na kakakita lang namin kanina namiss ko na din siya agad. Hinahanap hanap ko siya at gusto kong kasama siya lagi.

I dialed his number on my phone.

[Hello hon]

Para akong nasa langit kapag naririnig ko ang boses niya.

"Hon tapos na ang class ko. Kita nalang tayo sa gate"

[Okay hon. I love you]

I smiled after hearing those sweet words.

"I love you more hon"

Then i ended the call.

Nagmadali nakong maglakad papunta sa gate. Mas nauna ako dumating kesa kay Chris.

May napansin akong isang babae na nakatingin sakin. Nakatitig lang siya sakin. Siguro for about 2 minutes nakatingin lang siya. Bigla siyang ngumiti sakin. An evil one. At biglang umalis na.

Hindi narin ako na surprise sa ganitong pangyayari dahil sanay na ako. Marami ang naiinggit sakin dahil boyfriend ko na si Chris. Marami ang nagkakagusto kay Chris sa school dahil gwapo siya at mayaman pa. Ang pamilya niya ang may-ari ng school kaya kilala siya ng lahat ng tao dito.

I love him dahil makulit siya at lagi ako pinapangiti.

Marami ang nagalit nung malamang kami na ni Chris. Pinakilala ako ni Chris sa magulang niya. Ramdam na ramdam ko ang pagiging unwelcome sa pamilya niya. Narinig ko din na kinausap nila si Chris na hiwalayan nako. In short, ayaw nila sakin dahil mahirap lang ako. Feeling kase nila minahal ko lang si chris because of his wealth. But that was never my intention. Mahal ko si Chris. Mahal na mahal.


I was supposed to give up that time. Ayoko na sanang ituloy ang relasyon namin pero pinigilan ako ni Chris. Nangako siya sakin na ipapaglaban niya ko. Nangako siya na hindi siya susuko on this forbidden relationship of ours. At iyon nalang ang pinanghahawakan ko ngayon.

"Huyy hon!"

Napatingin ako sa likod ko. Masyado na atang malalim ang iniisip ko. Haha anyway, 10 months na pala kami ni Chris. Chika ko lang sa inyo. ;)

"Hey hon. Kanina kapa dyan?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes. Kanina pa nga kita kinakausap pero parang ang lalim ng iniisip mo. Anyway tara na?"

"Osge hon."

Habang nasa byahe wala kaming ibang ginawa kundi ang tumawa ng tumawa. Sobrang makwela kasi si Chris at iyon ang nagustuhan ko sakaniya. Lagi niya akong pinapasaya. Nakakalimutan ko lahat ng problema when im with him. Tinitibayan ko din ang loob ko laban sa mga hindi sumasang ayon sa relasyon namin. Hinding hindi ako susuko saming dalawa. That's a promise.

"Cheese kaba?" Chris

"Bakit?"

"Dahil hindi kumpleto ang pizza ng buhay ko kapag wala ka" Sabay smirk sakin.

"Hahahahaha. Ang corny mo talaga."

"Tumawa ka naman? Hahaha"

"Nakakatawa kasi yung facial expression mo. Talagang damang dama mo pa ung corny line mo. Hahaha"


Sobrang nakakatawa yung facial expression niya. Nangingilid yung luha ko sa right eye ko. Tears of joy. Pinunasan niya yun with his thumb at bigla niya kong kiniss sa lips.

Siya ang first kiss ko. Lahat na ata ng first ko sinalo na niya pero except sa ano ha yung green. Hindi pa namin ginagawa yun. Haha its not the right time And im not ready pa.

Anyway dito na kami sa tapat ng bahay. Biglang lumabas si mommy. Lakas tlga makiramdam nito ni mommy. Alam agad niya na nakauwi nako. Hehehe

"Hello anak! Oh hello din chris. Aba hinatid mo nanaman si Alexa dito sa bahay. Salamat ha. Ang sweet mo talaga sa anak ko thats why I like you for my child." Nag smirk pa siya kay Chris.

"Salamat nay! Kaya love na love ko si Hon ko kasi may mommy siya na maganda at mabait."

Sus nagbolahan nnaman ang dalawa. Ganiyan sila kapag nagkikita. Naglolokohan lagi.

"Pasok ka muna sa loob Chris. Sabay ka na samin mag Lunch."

"Wow matitikman ko nanaman ang luto ng future mom ko. Diba alexa?"

"Oo na pumasok na tayo at kumain na. Ang daldal niyo pareho ni mommy. Gutom nako."

May ipapaalala pala ako sa inyo. Masama akong nagugutom dahil nagiging bad mood ako at nagiging super masungit. Now alam niyo na ha? :))

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

No Boyfriend Since BreakWhere stories live. Discover now