They hired an expert and a high end assassins to kill me. They work hard but I work harder. The only person that I will let to kill me is myself. They can hurt me but they can't kill me.


Napailing ako nang makitang iisa nalang ang arrow ko.


"Fvck!" naramdaman ko may tumamang kunai sa pisngi ko pero nakaiwas ako kaya gasgas at dumugo iyon ng kaunti.


Nagtago ako sa puno at handa nang gamitin ang natitira kong arrow nang nakarinig akong may bumagsak.



Lumingon ako at nakita kong may dalawang taong nahulog sa lupa mula sa puno. Nakita ko ang isang lalaking nakaninja suit na mata lang ang kita, sa kanya galing ang kunai na nagpatumba sa dalawang lalaki.


Nagtago ako sa puno dahil may lumipad na arrow sa direksyon ko.

Pinakiramdaman ko kung nasaan ang taong nagpapaulan sakin ng arrow.


Napangisi ako at lumabas saka inihanda ang arrow at bow pero gano'n ulit ang nangyari, may nahulog sa puno ang walang malay na lalaki. Hinanap ko ang pumana sa kanya at sumaludo sya sakin saka tumalikod.


Nakaawang ang labi ko dahil naguluhan ako sa nangyari. Hindi ko pa napoproseso ang nangyari habang
nakasandal na ako sa puno nang may lalaking humarang sa harap ko, sya ang nakaninja suit.



Napahawak ako sa dibdib nya at mabibilis na paghinga ang narinig ko na parang tumakbo sya mula sa malayo. Niyuko nya ang ulo ko kaya hindi ko nakita ang mata nya.

"Who--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil umalis sya sa pagkakasandal sakin sa puno at tumalikod.


Inalis ang arrow na nakatusok sa balikat nya. Napaawang ang labi ko at tinignan ang isa pang lalaki na nakaninja suit din pero may hawak sya na pana at nakatutok iyon sa lalaking wala nang malay na nasa isang puno malapit sakin.


Tumango ang lalaking nasa harap ko sa lalaking may hawak ng pana. Magsasalita sana ako pero may sumigaw.



"AHHHHHHH MAY PATAY!!" napalingon ako at pagbalik ko ng tingin sa harap ay wala na sila.


"AHHHHH!!! PATAY! MAY PATAY DIN DITO!!!" nagsunod sunod na ang sigaw na narinig ko.



Pero napasandal ako sa puno at tinignan ang arrow na may dugo galing sa lalaki.


"He saved me..." napakurap ako ng dalawang beses at pumikit ng mariin saka tumayo para maglakad pabalik.



Napahinto ako nang may marinig na kaluskos. Nagtago ako sa isang puno at hinanda ang pana. Sumilip ako at napakunot ang noo nang may nakitang anino na nakatingin sa isang patay na lalaki.



"Mga walang kwenta! Aristea, mukhang may mga taga Phoenix na nagbabatay sa Prinsesa at napabagsak ang mga pinadala ko. Oo! Sigurado akong malalakas ang pinadala ko! Hindi ko alam kung papaanong-- masusunod... papasabugin ko na ang lugar na ito. Siguradong nasa loob pa ng gubat ang Prinsesa at hindi sya makakaligtas sa malakas na pagsabog" agad kong inihanda ang arrow ko at tatamaan sana sya pero wala na yung anino pagtingin ko.


"MAY BANGKAY!!" agad akong nagtago nang makita ang ibang mga estudyante.



Third Person's POV


"Makokonsensya ba ako kapag namatay sila sa pagsabog?" bulong nya sa sarili at aalis na sana pero napabuntong hininga sya.


"You may look like you don't have a conscience but I know you have" napalingon sya at nakita nya si Hunter na nakaall black at nakamask.



Lucresia: We All LieOnde histórias criam vida. Descubra agora